Chapter 2

4 1 0
                                        

Chapter 2

NAKAPANGALUMBABA ako habang nakikinig sa homeroom adviser namin. Ineexplain niya kasi na kailangan daw namin sumali ng school clubs this senior year.

"Saan ka sasali, Miss Hello Kitty?" sabi ng katabi ko. Oo, hindi kayo nagkakamali. Kaklase ko nanaman ang pervert na ito. Worse, katabi ko pa. Hay buhay.

Inirapan ko siya, "May club na ako."

"Sungit talaga," natatawang sabi niya.

"Okay, class. I'll give you time to choose your clubs until friday. You can apply now or later. Dissmissed." sabi ng professor namin saka lumabas.

Tumayo na rin ako dahil break na namin. Pagkalabas ko sa corridor, nakasalubong ko si Aizanne. Kaklase ko nung Junior palang ako, at isa sa ka-member ko sa Journalism and Photography club.

"Uy, Bella!" sabi niya, "May meeting daw mamaya sa club. Mageelect daw ng bagong officers."

Tinanguan ko siya saka nginitian, "Ah, sige. Punta nalang ako dun." sabi ko tapos nakipag-beso sa kanya at dumiretso na sa cafeteria.

NAGLALAKAD ako sa corridor papunta sa cafeteria habang may volleyball na pinapaikot at nilalaro sa kamay ko.

"Dude dito!" narinig kong sigaw ni Joshua sakin pagpasok ko sa cafeteria. Nandoon pala sila sa may dulong table. Dahil sa pagtawag sakin ni Joshua, nagtinginan halos lahat ng tao, mostly babae. Well, I get that look a lot. Ngumiti lang ako at saka naglakad diretso sa table nila. Pagdating ko don, nakipagfistbump at apir lang ako sa kanila.

"Kamusta third day?" tanong ni Bryce.

Kaniya-kaniyang sagot naman sila Pierce, Joshua, at Cedric.

Pinaikot ko ulit yung bola sa index finger ko ng tumingin sila saakin. "O? Bakit?"

"Ikaw ba, Jules? Kamusta pangatlong araw?" nakangising tanong ni Pierce. "Si Miss HK ba, kamusta?" natawa ako bigla sa sinabi ni Pierce, kaya lalong naguluhan sila Joshua.

"Miss HK? Sino yun?" sabi ni Cedric.

"HK? As in HongKong, o HK as in Hello Kitty?" kunot-noong tanong naman ni Bryce. Lalo akong napatawa ng nahuli niya mismo yung meaning ng HK. Napahagalpak din si Pierce at nagkatinginan kami.

"Teka teka, sino naman itong si Miss HK slash Miss Hello Kitty na tinutukoy niyo? Share!" parang batang sabi ni Joshua. At ayun, tawa rin sila ng tawa ng matapos kong ikwento si Miss Hello Kitty. Simula nung maheadshot ko siya, at pati yung pagiging magkaklase namin sa halos lahat ng subject.

"Teka, Jules. Kaklase mo siya halos sa lahat diba?" tumango ako sa tanong ni Bryce. "Eh bakit hindi mo pa din alam pangalan niya?" Oo nga 'no.

Napasimangot ako tapos kumuha ng chips na nasa table. "Basta ang alam ko lang De Guzman apelyido niya." sabi ko. Hindi na sila nagkibuan at nagsikain nalang.

Tatayo sana ako para bumili pa ng pagkain dahil naubos na ng mga kasama kong patay gutom yung nasa table namin nang may mahagip ako sa may kabilang dulo ng cafeteria.

"Talaga naman oh. Si Miss Hello Kitty," bulong ko na narinig pala ng mga kaibigan kong baliw.

"Oh? Nasan?" halos sabay sabay nilang sabi. Nakita naman nila yung tinitingan ko at sinundan nila kung saan. At ayun na nga. Nakatingin na kaming lima sa kanya na payapa lang na kumakain habang nagbabasa.

SERYOSONG-seryoso ako na nagbabasa habang kumakain ng fries at nakikinig ng music sa may sulok na part ng cafeteria ng mapansin kong may nakatayo sa harap ko.

"Paper Towns, hmm?" sabi niya ng makita yung binabasa ko.

"Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ko?" sabi ko pagkababa ko sa binabasa ko na, well, Paper Towns nga.

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon