Chapter 5
DUMATING ang araw ng biyernes; ang siyang araw kung saan gaganapin ang unang Senior's Night ng Cleighton Academy. Hindi pa man oras ng pagsisimula ay nasa venue na agad ako. Sa Grand Hall ng academy. Maaga ako ng kaunti para kumuha ng pictures sa nasabing venue. Inayos lang kasi ito ng SSGO para lang sa Senior's Night.
Bitbit ko ang isang DLSR camera habang nag-iikot sa venue na unti-unting napupuno ng mga estudyante. Kaliwa't kanan na rin ang kumukuha ng kani-kanilang picture.
"Abby! Oh my gee, ang ganda ganda mo!" eksaheradang sabi ni Aiz ng makita ako sa gilid. "Bagay na bagay talaga sayo yung damit mo!" dagdag niya pa. Nginitian ko lang siya.
Nakasuot kasi ako ng isang simpleng silver gray na cocktail dress na may metal black na belt na siyang nabili namin noong isang araw sa mall. Hindi na rin ako nag-abala pang magpamake-up. Alam ko namang ayusan ang sarili ko kaya kinulot ko nalang ang dulo ng buhok kong halos aabot na sa baywang at saka naglagay ako ng simpleng silver clip sa buhok. Kauting make-up lang din ang inapply ko dahil iyon ang babagay sa damit saka mas komportable.
"Ikaw din naman. Maganda din," sabi ko. Nakasuot naman siya ng black cocktail dress na medyo backless pero may sleeves na see through. Nagustuhan niya agad iyon dahil sa kulay at sa disenyo.
"Ay sus. Nagpalubag-loob pa," sabi niya saka pabiro akong hinampas sa braso. Maya maya pa ay napansin kong dumami na ang tao sa hall at nasa stage na rin ang tatayong emcee. Malapit na sigurong magsimula.
"Halika na muna sa table natin, Abby. Mamaya ka na mag-ikot," anyaya niya na tinanggihan ko.
"Hindi, mauna ka na. I'll take pictures around first. Then I'll follow you," sabi ko. Nagkibit-balikat lang siya.
"Okay, ikaw ang bahala. Sumunod ka ha? Mauna na ako doon," paalam niya saka umalis. Ako naman ay nagpatuloy na sa pag-iikot at pagkuha ng litrato.
"Uy, Marco!" bati ko sa bestfriend ko ng makita ko siya sa isang table kasama ang nililigawan niyang si Clair at iba pang kaibigan.
"Uy, Abby! Ganda natin ah," ngiting bati niya saka nakipagbeso sakin. Tinawanan ko lang siya.
"Hi Clair, you look beautiful," bati ko sa nililigawan ni Marco. Ngumiti siya ng mahinhin saka nakipagbeso rin saakin. "You too, Abby."
"Kuhaan mo naman kami ng picture, bes," parang baklang hiling ni Marco saakin.
Tumawa ako saka tumango, "Pasalamat ka bestfriend kita!" sabi ko saka itinutok sa kanilang dalawa ang camera.
Maya maya ay nagpaalam na rin ako na pupunta na sa table namin. Hinayaan ko muna sila Joseph at Anya ang kumuha ng mga picture.
Nag-uumpisa na ang programa ng biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Unknown Number
You look gorgeous tonight.
Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Ito rin ang nagtext saakin noong nakaraan. Sino ba ito? Luminga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita ang nagsend ng mensahe ngunit wala.
"Huy, Abby. Natulala ka na diyan? Gwapo nung bokalista, no?" tatawa tawa niyang sabi. May nagpeperform na kasing band sa stage. Galing sa ibang school yata, pero wala naman doon ang atensyon ko.