Chapter 1

4 1 0
                                        

Chapter 1

NAGLALAKAD ako ngayon sa malawak na field ng school. Maaga nanaman ako pumasok, pero ayaw ko na ulit tumambay at baka makatulog nanaman ako. Mabuti nga at pinalusot ako ng mga professor ko dahil sa pag-absent ko.

"Miss hello kitty!" napapikit ako at napatigil sa paglalakad ng marinig ko yon. Oh no.

Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti ng malawak habang may pinapaikot na bola ng volleyball sa index finger niya. Ang galing. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba. Tinitigan ko siya ng masama at nagpatuloy na sa paglalakad. Miss hello kitty ka dyan!

"Sungit!" sigaw niya, at narinig kong may kasama na siya.

Buti naman. Nakakahiya talaga yung nangyari!

"P-pervert! Bastos!" sigaw ko habang pinapalo siya. Bastos! Bastos ang lalaking to! How dare him! Pwede namang hindi niya tingnan eh!

Natigil ako ng hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

Tumawa siya, "Is that how you thank me, after helping you and all?" sabi niya.

I felt my cheeks turned red. Oh my god! Wala ng mas hahangin pa sa taong 'to!

Hinila ko yung kamay ko, "Wala akong pake! Dapat lang naman na tulungan mo ako dahil ikaw ang may kasalanan! Manyak! Bastos! Pervert!" sigaw ko sa kanya.

Tinakpan niya yung bibig ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko, "You just have to say thanks. No need to shout, miss hello kitty." sabi niya habang nakangiti ng mapang-asar. Ah! Kapikon!

Tiningnan ko lang siya ng masama, pagkatapos umalis na ko at iniwan siyang nakasmirk doon. I just hope not to meet him again! He's such a douche!

Napailing ako ng sunod-sunod ng maalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Nakakahiya talaga! At yung... yung... Miss hello kitty! Aish! Ang pervert na yun!

Wala sa sariling napasigaw ako.

Cricket sounds...

Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong nakatitig silang lahat at halatang nagulat sa biglaang pagsigaw ko.

Napakamot ako ng ulo, "Ah, eh, Sorry!" sabi ko sabay takbo. Bwisit na lalaki yun!

Halos malaglag na yung mga mata ko sa sobrang antok habang sinusubukang makinig sa lecture ng professor namin. Bakit ba kasi may nakakaantok na prof? Hay.

"It's okay, Mr. Del Valle. You can seat beside asdfhglkl"

Hindi ko na narinig yung sinabi ng prof namin, dahil tuluyan na akong kinain ng dilimㅡeste ng antok.

"DUDES, tara na late na tayo." yaya ko kila Pierce habang dinidribble yung volleyball. Miyerkules kasi ngayon, third day ng klase pero eto kami naglalaro ng volleyball sa field kahit na may klase.

"Tara na nga." sabi ni Pierce, saka nauna pang maglakad samin.

"San klase mo tol?" tanong ni Joshua, tropa ko din.

"Research I ata yun," nagkibit balikat ako. Hindi ko rin kasi sigurado dahil hindi ako nakapasok nung first day.

"Ge, tol. Kita nalang dito mamaya," sabi niya sabay tapik sa likod ko. Naglakad na ko papunta sa room, and as expected from the handsome me, late ako. Sinabi ko nalang na natraffic, kahit na hindi.

"It's okay, Mr. Del Valle. You can seat beside Ms. De Guzman, at the far back," tiningnan ko yung tinuro nung Prof, at nakita ko ang isang babaeng halatang natutulog. Nagpasalamat ako at naglakad na papunta sa upuan ko.

"Good heavens," gulat na bulong ko sa sarili ko ng makita ko kung sino yung babaeng natutulog na katabi ko. Si Miss Hello Kitty! So De Guzman, huh.

Natawa ako sarili ko, hindi ko talaga alam kung bakit trip na trip ko 'tong babaeng 'to.

Naglecture lang ng konti yung prof, pero hindi ako nakinig. Tinititigan ko kasi si Miss hello kitty na ang sarap ng tulog. Maasar nga 'to.

UNTI-UNTI kong dinilat yung mata ko ng may naaninag akong nakaupo sa tabi ko. Teka, ba't nakatitig 'to sakin? Ang gwapo! Nananaginip ba ako?

Napakunot ako ng noo at ilang beses kong kinusot yung mata ko para makasiguro, haggang sa ngumiti bigla yung nakaupo sa tabi ko. Saka ko lang nakilala ang nakakabwisit na ngiting yon.

"Ikaw?!" turo ko sakanya habang nakatayo na. Lumawak yung mapang-asar nyang ngiti. God! Hindi pala gwapo!

"May laway ka pa sa baba mo," napapunas naman agad ako sa baba ko, pero ang loko tinawanan ako. Nakakainis talaga!

"Excuse me! Hindi ako naglalaway!" sabi ko.

Tumawa siya lalo, "Eh bakit mo pinunasan? Uto-uto," sabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, "We met again, Miss Hello Kitty." sabi niya habang nakasmirk. Oh, what I'd give to wipe that smirk away from that handsome faceㅡerase, erase!

"Pwede ba, tigilan mo ako sa kaka-Miss Hello Kitty mo! Bastos ka talaga!" tumawa lang siya tapos lumapit sakin, yung sobrang lapit. Lapit na naaamoy ko na yung perfume niya. Oh my god, ang bango. I examined his face. Pointed nose, almost brown eyes, perfect lips.

"A-anong ginagawa mo?" sabi ko sabay hakbang patalikod.

Ngumiti siya, "Ano ba sa tingin mo, Miss Hello Kitty?" sabi niya.

Miss Hello Kitty, Miss Hello Kitty! Kainis!

"Tigilan mo sabi ang kaka-Miss Helloㅡ!" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla siyang lumapit ulit. This time, super duper ultra mega sa lapit. Yung tipong kita ko na yung pores ng mukha niya. Is he even human?

Nahigit ko yung hininga ko ng bigla niya akong hapitin sa bewang. Mas lalo kaming nalapit sa isa't isa. Our nose are almost touching. Dug dug dug dug. Hala. Was that my heart? No, adrenaline rush lang 'to, dahil nakakainis talaga itong lalaking 'to! Tama. 'Yon nga.

"I can call you anything I want, Miss Hello Kitty." He winked at me. And with that, he released me then stormed out of the classroom just as the bell rang. Leaving me there, standing, dumbfounded.

I exhaled deeply. "What the hell was that?" bulong ko sa sarili ko. Naaabnormal nanaman yata ako.

</>

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon