Chapter 6

2 0 1
                                        

Chapter 6

TULALA ako habang nakaupo sa library at pinaglalaruan ang ballpen ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari nung biyernes.

Nagulat ako ng biglang may naglapag ng tatlong makapal na libro sa harap ko. "Lunes na lunes tulala ka diyan. Anong nangyayari sayo?" pag-uusisa ng dumating na si Aizanne pala habang binubuklat ang isa sa mga librong dala niya.

Pumangalumbaba ako at tinitigan siya habang nagsusulat ng kung ano, "Naniniwala ka ba sa love at first sight, Aiz?" natigilan naman siya at sinalubong ang tingin ko, "Bakit mo naman natanong?" salubong ang kilay na tanong niya.

Inalis ko ang pagkakapangalumbaba at sumandal sa upuan ko. Nagkibit balikat ako, "Wala lang, naisip ko lang bigla."

May isang bagay kasi akong napagtanto tungkol sa nararamdaman ko kapag kaharap si Julian.

Nilaro ko ang ballpen saka sumulyap ulit sa kanya, "So, ano nga?" sabi ko ng hindi siya sumagot.

Bumuntong hininga siya at bumaling saakin, "Alam mo, Abcde. Ang clichè na niyang 'love at first sight' na 'yan e. Parang hindi makatotohanan dahil unang beses mo palang nakita iyong tao at hindi mo pa nga masyadong kilala, 'in love' ka na agad?" umiling pa siya saka nagpatuloy sa litanya niya, "No. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan ganyan, pero who knows kung totoo palang nangyayari ang ganun?" kibit balikat niyang sabi at mahinang natawa saka nagpatuloy sa kung ano 'mang isinusulat niya.

Natahimik ako at napaisip ulit nang bigla siyang nagsalita, "Sa itsura mo feeling ko naexperience mo 'yun no?" humalakhak siya, "Kanino?" interasado niyang dagdag.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman siguro talaga ako nalove at first sight  sa pervert na 'yun no? Sheesh.

"Shut up, Aiz." sabi ko sabay irap. Tumayo na ako at nagligpit na ng gamit, "Una na ako. May pasok pa ako," paalam ko sa kanya. Tumango-tango lang siya pero mapang-asar pa rin ang ngiti. Inirapan ko na lang siya ulit.

Saktong pagpasok ko sa classroom papasok pa lang din ang professor. Napansin kong may kasama siyang nakauniform din katulad ng sa boys dito sa academy. Baka transferee? Umupo na ako sa pwesto ko which is sa tabi ni Julian.

"Hi." bati niya habang nakapangalumbaba at nakatitig sa harap.

"Hello." sagot ko pabalik. Mukha lang kaming tanga. Sabay pa kaming natawa nang narealize 'yon. Humataw nanaman ang puso ko dahil sa tawa niya. Kumalma lang 'yon ng magsalita si Mr. Dimapano.

"Class, this is Yuan Dominguez. He's a transferee from Clarkson High, he'll be your new classmate from now on," sabi niya habang itinuturo ang lalaki. Napakunot noo ako, parang pamilyar yung lalaki. Saan ko nga ba sya nakita?

"Natulala ka diyan?" narinig kong sabi ni Julian sak tumingin sa tinitignan ko, "Mas gwapo pa din ako don!" napatingin ako sa kanya sabay irap, "As if naman, perv."

Pero... pamilyar talaga e? I shook my head and dismissed the thought.

Malaki ang ngiti nung lalaki habang naglalakad sa may row namin ni Julian. Teka? Dito siya uupo?

Umirap si Julian ng nasa tapat na namin si Yuan na malaki pa din ang ngiti. "Hi! I'm Yuan, Prof. Dimapano told me to sit here," sabi niya sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan ko.

Tulala kami ni Julian habang siya ay umupo na habang nakangiti pa din. Napagitnaan nila ako ni Julian. Bakit nga ba siya dito pinaupo? Napaisip ako... come to think of it, Julian's surname is Del Valle, mine's De Guzman and the guy here's Dominguez. Alphabetically. Napatango-tango ako sa realization.

"You must be Abcde?" napabaling ako sa bagong katabi ko na malaki pa rin ang ngiti. Tumango ako at nagtaka. How come he knows my real name already?

"It's nice to finally meet you again," nagtaka pa ako lalo sa sinabi niya pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon at nagfocus na kay Sir Dimapano.

Pagkatapos ng klase ay one hour break kaya lumabas na ako ng classroom.

Umupo ako sa lagi kong pwesto sa may gilid. Nilapag ko yung pagkaing binili ko at saka nilabas yung binabasa kong libro. I sighed. Why did Nicholas Sparks have to write freakin' good novels? I just can't get enough with 'The Best of Me'.

I was immersed with what I was reading when someone suddenly sat on the empty seat in front of me. I looked up and saw that the transferee, Yuan Dominguez was seating in front of me. I put down the book and raised my brows, "What?" I asked. Nakangiti kasi siya ng parang ewan. Creepy. I'm not usually like this but he just barged in and disturbed my peace.

He laughed. "Mind if I share?" he asked pertaining to the table. Tumango lang ako at nagbasa na ulit.

"Hindi mo na ba ako naaalala?" napaangat ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Kumunot pa ang noo ko, "Mukhang hindi na nga yata." natatawang dagdag niya pa.

Napataas ang kilay ko dahil nagtataka na talaga ako. Una, alam niya ang buong first name ko kahit na kakakilala pa lang namin kanina, tapos ngayon itatanong niya kung naalala ko ba siya? Is he out of his mind?

Nakangiti pa siya na parang tuwang-tuwa, "You're creeping me out, Mr. Dominguez," I said.

He shrugged then smirked, "Nakalimutan mo na ako, alphabet?"

Nanlaki ang mga mata ko sa itinawag niya sakin. Oh my god? Siya ba siㅡ

He let out a humorous laugh, "Ako nga 'to, si Intsik. Remember me?" then with that, unti-unting bumalik sa alaala ko 'yung batang nakalaro ko dati sa playground malapit sa bahay nina Mama. Siya na ba talaga 'to?! Ibang-iba na sa batang uhugin noon!

"Woah, ang laki ng pinagbago mo, grabe. Hindi kita nakilala agad!" I said then smiled, completely abandoning the book I was reading. "Parang dati lang uhugin ka pa ah," tumatawa kong sabi.

Napasimangot naman siya, "Grabe ka naman sakin. Pero aminin mo, nagagwapuhan ka sakin ngayon," he replied while wiggling his eyebrows.

Napaisip ako. Well, kung ikukumpara sa itsura niya dati, mas gwapo naman siya ngayon. But to hell I'll admit that! I laughed at what I thought.

"Ilang taon na rin pala 'no?" sabi ko. Maggr-grade one pa lang kasi ako nung nakilala ko siya sa playground. Since then, we became friends pero bigla na lang siyang nawala. Tapos narinig ko na lang na kinuha na pala siya ng Mama niya at sinama sa States. Oh well, vague memories.

"Oo nga e, akala ko hindi na ako makakabalik ng Pilipinas. But after so many years, I'm here again. And it's nice to see you again. Malaki rin ang pinag-bago mo ah," he said na tinawanan ko lang.

"Bakit ka nga pala nagtransfer dito sa Cleighton? I heard maganda naman daw sa Clarkson," tanong ko.

Uminom muna siya sa bottled water niya at saka sumagot, "Nalaman ko kasi na dito la nag-aaral," he said then smirked, sinamaan ko naman aiya ng tingin. "Joke. Kasi mas maganda daw ang music facility dito sa Cleighton keysa sa Clarkson kaya lumipat ako dito. May banda kasi ako,"

Oh. Now I know why he looks so familiar earlier at the class, "Kayo ba yung tumugtog nung Senior's Night namin?" he nodded then smiled as if he remembered something.

"Nginingiti-ngiti mo diyan?" I asked. I don't remember him being weird like this. "Wala. May naalala lang ako," he answered.

Nalaman ko na halos kaklase ko din pala si Yuan sa lahat ng klase ko. Kaya after break, sabay na kaming pumunta sa klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon