Chapter 3
SABADO ngayon at walang tigil ang buhos ng ulan. Napasubsob ako sa lamesa ko sa sobrang pagkainis.
"Pa'no ba kita sisimulan?" bulong ko habang nakatitig ng masama sa laptop ko na may word document na nakabukas, pero wala pang sulat kahit tuldok man lang.
Napag-usapan na kasi namin nila Aiz ang mga gagawin para sa number one sa agenda ng JourPho club. Ang St. Bernardine Academy's school paper na ipupublish na by Friday next week bilang first issue. At dahil nga first issue 'yon this school year, kailangan namin ng fresh ideas. At itong si Aiz naman, naissuggest na interviewhin nalang yung mga transferees namely the group of Julian the perv. Sa sobrang swerte ko (no, not!) ako ang napili nila para gawin 'yong interview.
"What to do, what to do?" I chanted, hanggang sa mapagdesisyunan kong lumabas muna para makapagmuni-muni kung paano ko sisimulan yung interview.
Nasa convenience store ako sa may kanto malapit sa apartment na tinitirahan ko.
"Eto lang po," sabi ko sa clerk. Bumili lang ako ng cup noodles, isang chocolate bar at ng ice cream. Nang makapagbayad ako, narinig kong tumunog yung door chimes at kasunod non, ang ingay ng mga lalaking pumasok.
"Sayang talaga,"
"Dapat ini-spike-an mo na yun, Jules eh."
"Pake ko namanㅡ Uy, Miss Hello Kitty!"
Napalingon ako dun, at kung pinagpapala ka nga naman. I grunted, "Abby nga kasi!" sabi ko. Tinaas naman niya yung dalawang kamay niya.
"Easy! Okay, Abby." sabi niya sabay tawa.
Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama niya. Nakita kong kasama niya pala si Joshua, Cedric, Pierce, at si Bryce na pare-parehong basa ng pawis. May dala rin silang dalawang bola ng volleyball.
"Diyan na nga kayo," paalam ko sa kanila tapos binitbit ko na yung mga binili ko at umupo sa mga upuan don. Ilang sandali lang, umupo si Perv sa harap ko at sila Bryce naman nanatiling nakatayo.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Tingin tingin ka dyan?" sabi ko. Ngumiti siya, "Wala lang? Bawal?"
"Ewan ko nga sayo," sabi ko at nagpatuloy ng kumain ng may maalala ako.
"Uhm, ano.." alanganin kong sabi. Kasi naman, bakit ba nauuna ang pagiging mataray ko? Ang hirap tuloy sabihin ng kailangan ko.
"O?" sagot ni Perv habang kumakain ng ice cream.
Hingang malalim, "Pwede ka bangㅡ I mean, pwede ba kayong interviewhin ng tropa mo?"
Halos sabay-sabay silang nagreact.
"Oh? Bakit naman?"
"Iba na talaga pag pogi!"
"Talaga?!"
"Kelan? Kelan?"
Pinatahimik naman sila ni Perv.
"Para saan naman?" tanong ni Pierce na naunang naging matino.
"Para sa first issue sana ng school paper ng St. Bernardine Academy," paliwanag ko. Nagsitanguan naman sila.
"Kelan mo kami balak interviewhin?" sabi ni Perv.
"Ngayon na sana kung wala na kayong gagawin," sabi ko sabay kain ng ice cream.Inilagay naman ni Perv ag hintuturo niya sa baba saka nagkunwaring nag-iisip, "Teka, check ko muna schedule ko." sabi niya, kaya nabatukan siya ni Pierce. Natawa ako. In the end, napagdesisyunan naming sa monday ko nalang sila interviewhin, after class.
Napag-usapan naming si Perv at si Pierce nalang ang iinterviewhin ko, dahil manggugulo lang ang iba kapag lahat pa sila kasama ko. Saka si Perv naman ang captain habang si Pierce naman ang co-captain. Kaya ayos na talagang silang dalawa nalang.
"Asan na ba yung dalawang yun?" naiinip na sabi ko habang palinga-lingang nakaupo sa bench.
"Abby!" Sa wakas!
"Pasensya na, si coach kasi. Kinausap pa kami," paliwanag ni Pierce bago ko pa maitanong kung bakit ang tagal nila.
Nakayuko si Perv habang naghahabol ng hininga. Nanakbo ata sila papunta dito e?
Perv sighed deeply, "Tara na. Saan ba tayo?"
Sa isang cafe kami nagpunta para sa interview. Malapit lang din 'to sa school saka accomodating at tahimik ang atmosphere.
"So...," simula ko habang inaayos ang notebook na pagsusulatan ko ng sagot nila. Sinulyapan ko ang mga nakasulat don.
"Okay, first question, bakit nyo naisipang lumipat sa St. Bernardine Academy?"
Nagkatinginan ang dalawa saka nagsalita si Perv, "Balita kasi namin maraming chix sa St. Bernardine," sabi niya sabay smirk.
Sinamaan ko siya ng tingin, saka bumaling kay Pierce. Wala akong oras makipaglokohan sa isang pervert.
"Pasensya na kay Jules. Kaya kami lumipat sa St. Bernardine kasi nalaman namin na maganda yung sport's facility doon. Saka para mabago naman yung environment namin. Puro nalang lalaki nakikita namin doon sa dati naming school. Kaya ayun." I rolled my eyes at his answer. Natural na puro lalaki ang makikita nila, all boys school kaya yung pinanggalingan nila. Duh!
Nagpatuloy kami sa interview at muntik ko ng maibuga yung iniinom ko ng mabasa ang huling tanong. I rolled my eyes. Dapat ba talagang itanong ito? What's your ideal type of girl? Ay nako Aizanne!
"O, ano na yung sunod na tanong Kittㅡeste, Abby?" tanong ni Perv na halos wala namang naitulong dahil walang sense mga pinagsasasabi niya.
I sighed heavily then rolled my eyes again, "Ano daw ideal type of girl nyo?"
Naunang sumagot si Pierce, "Simple lang, walang arte." nakangiti pa siya ng sinabi niya yan. Bumaling naman ako kay Perv pagtapos kong isulat yung sagot ni Pierce, "O ikaw?" sinamaan ko siya ng tingin. "Subukan mong mamilosopo ng sagot," sabi ko na ikinatawa niya.
"Ideal type ko? Hmm... Simple lang din, basta may mata, ilong, bibig, kamayㅡ" binatukan ko siya.
"Ewan ko nga sayo! Tama na 'to, uwi na tayo," sabi ko at tumayo na, ganon din silang dalawa. "Thank you for cooperating, Pierce." sabi ko sabay irap kay Perv na tinawanan lang ako. Lumabas na kami.
"Bye, Abby!" sabi ni Pierce at ni Perv. Tumango lang ako at naglakad na.
"Ay, Abby! Ingat ka! Crush pa naman kita!" nagulat ako ng marinig yung sigaw ni Perv. Bumilis nanaman bigla yung tibok ng puso ko.
Nagpatuloy na akong maglakad ulit. Ano bang meron sayo, Julian?
Nang mag-biyernes, napublish na ang first issue ng school paper. Maraming natuwang estudyante dahil sa column na kung saan nandoon yung interview ko kila Perv. Ayos naman ang lahat, positive naman yung mga feedback tungkol sa paper. Nagpaid-off lahat ng effort namin. Nakakatuwa dahil marami na agad yung tumangkilik sa unang issue. At sana, kahit hindi na sila Perv ang feature, madami paring magbasa.
[×]
