C7: Wife

2.5K 66 0
                                    

RED

"Sa left side ako matutulog." I demanded.

"Okay, basta tabi tayo. Baka naman umalis ka kapag tulog na ko." Sabi niya kaya napangisi ako.

"Malay mo, kapag nainis ako sayo." Sabi ko at humiga na lang.

Sumunod naman siya agad sa akin.

"Aalis ka?" Tanong niya pero ngumiti lang ako. "Subukan mong gawin kakaladkarin kita pabalik dito sa kwarto at itatali kita." Banta niya.

"Ginawa mo naman akong aso ay." Natatawa kong sabi. "Di naman ako aalis sanay ako ng may yakap kapag natutulog kaya dapat may unan sa pagitan natin." Sabi ko pa.

Di ko nga nadala yung teddy bear ko e.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, sabi nila Mom dapat ilagay daw namin dito yung picture namin nung kasal kaso di pa iyon dumadating kaya walang picture na nakasabit.

"Edi hindi din kita nakatabi kung may unan pa sa pagitan natin." Sabi niya.

"Alangang ikaw ang yakapin ko. Ayoko nga." Sabi ko.

Sumimangot siya tapos tahimik na umupo sa kama. Nilagay ko na din yung unan at niyakap iyon. Nakaharap ako sa kanya pero di ko siya tinitingnan.

"Bakit ba gusto mo ng may katabi?" Tanong ko. Ang tahimik kasi e. Pero medyo inaantok na din ako.

"Bakit ba kailangan may unan sa pagitan natin?" Balik niyang tanong.

"Sinabi ko na diba? Gusto ko ng may yakap." Sabi ko na naman.

"Ugh. Bakit ba di ka normal na babae?" Bulong niya.

"Normal ako no. Ano bang problema mo?"

"Red." Sabi niya at umupo kaya umupo rin ako, yakap yakap ko pa rin yung unan. "Ang gwapo ko Red-----"

"Ang hangin mo Jacob." Singit ko.

"Tumahimik ka muna." Masunget niyang sabi.

"Fine." Mataray kong sabi at umirap pa. Hindi naman niya kita, magkatabi kami e.

"You should have been taking advantage on me. Pero eto ka, mas pinipili mong yakapin yang bwisit na unan na yan!"

"E bakit mo ko sinisigawan? E sa mas gusto ko tong unan e!" Sigaw ko din.

"As a husband, inuutusan kitang sakin ka yumakap!"

Natahimik ako sa sigaw niya. Ano ba namang utos yun? Magulang ko pa lang nayayakap ko buong buhay ko tapos yayakapin ko tong nilalang na to?

"Ayoko nga." Sabi ko. "As a wife, tumatanggi ako." Sabi ko at humiga na tapos tumalikod pa para di na siya makapag-reklamo

Naramdaman kong parang lumubog sa may bandang likod ko kaya alam kong humiga na din siya.

"Nerd ka ba talaga?" Bigla siyang nagtanong nung paidlip na sana ako.

"Hindi." Antok kong sabi. "Kayo kasi makakita lang ng naka-salamin nerd na agad." Dugtong ko pa.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon