RED
Wala akong maintindihan sa tinuturo ni Ma'am Poline. Hays, bakit nga ba?
"Red."
"Red."
"Red."
Lutang na lutang ako. Tapos para pang may tumatawag sakin. Bukas na kasi ako ikakasal e. Di pa talaga ako ready. Kabata-bata ko pa e. Ni hindi ko nga man lang kilala kung sinong papakasalan ko.
Pano na lang kung di siya katulad ng mga nababasa ko? Paano na lang kung di siya mabait? Paano na lang kung... Hays!
.
.
.
.
Natapos na yung klase namin ng wala akong kamalay-malay.
"Ayos ka lang ba Red? Kanina pa kita tinatawag e." Sabi ni Leine na nasa tabi ko lang, nagliligpit kami ng gamit kasi uwian na.
"O-oo." Alangan kong sagot.
Kasi di naman talaga ako okay e. Kasal yun, at para sakin napaka-seryosong bagay nun. Alam kong ang exaggerated ko naman pero ganon talaga e.
"Nakakapanibago lang na di ka naghawak agad ng libro pagka-dismissal." Komento niya.
"Ahh." Wala sa wisyo kong sagot. Napailing na lang si Leine dahil sakin.
Naglakad na kami palabas. Ni hindi ko nga man lang tinitingnan yung dinadaanan ko e, basta naglalakad lang ako. Tulala pa ako. Ni hindi ko man lang alam ang mga nangyari buong maghapon.
LEINE
Natatawa ako habang naglalakad kami ni Red. Para kasi siyang nalugi e. Nakatulala tapos lakad lang ng lakad, pasalamat siya at wala pa siyang nabubunggo.
Paliko na kami pero wala pa rin talaga siya sa sarili niya. Ano kayang meron ngayon dito sa babaeng to? Dati ang ganda ganda niya, as in, pwede na nga siyang sumunod sa yapak ni Darline, famous dito sa school, kasi ang ganda niya talaga.
But then, naging palabasa na lang siya ng libro one day. Well, di ko naman siya masisisi. At mukha na talaga siyang nerd ngayon kasi kinailangan niya ng magsalamin dahil sa pagbabasa niya.
Nerd na pala talaga siya. Nasa kanya na ata lahat ng features ng isang nerd.
So, dahil nga mahal ko si Red, pinihit ko yung katawan niya paliko. Napahagalpak na talaga ako ng tawa kasi dire-diretso naman siya pagkapihit ko sa kanya.
Para siyang robot.
"It's so unbelievable." Bulong niya.
Iyan na naman siya. Kanina niya pa yan sa klase binubulong e. Di ko nga alam kung maiinis ako o matatawa kasi di niya talaga ako napapansin. Mas pinapansin niya pa ang pagtitig sa kawalan.
"It's so unbelievable." Iyan na naman siya sa bulong niya.
Tawa lang ako ng tawa habang naglalakad, hanggang sa di ko mapansin na babangga na pala si Red kay Yuno na super gwapo lang naman na dito rin nag-aaral sa Blyntonn, isa ring famous na nali-link kay Darline.
Tulala din si Yuno, pareho sila ng itsura ni Red. Nakakatawa lang. Kaya this time, sa halip na iiwas si Red ay hinayaan ko na lang silang magkabunggo.
BINABASA MO ANG
Nerd's Secret
Ficción GeneralSi Red Montavilla isang babaeng nerd na napilitang ipakasal kay Jacob Yuno Bylnt isang lalaking super hot, super gwapo at super appealing. Noong una ay wala namang feelings si Red para sa nilalang na ito dahil hindi naman daw ito libro. Pero ang...