C8: Principal

2.5K 62 4
                                    

RED

"Teka Red, engagement ring ba yan?" Tanong ni Leine sabay hablot sa kamay ko ng singsing tapos tiningnan niya na.

Di lang engage, kasal pa. Sabi ko na lang sa isip ko. Ang komplikado naman ng buhay ko. Malas kasi yung Jacob na yun e.

"Bigay lang yan ni Mom. Galing daw sa mga Montavilla." Sabi ko na lang.

Naalala niyo pa ba yung walang kwentang rule ni Jacob?

Rule no.2
         Magulang lang natin ang dapat na makaalam na mag-asawa tayo. Pamilya lang bawal ang kaibigan..

"Pamana na naman ng ninuno niyo?" Mataray niyang tanong. Kailan pa nagtaray tong si Leine? May mali ata.

Tumango na lang ako sa tanong niya. "Bakit nga pala bigla kang nawala nung isang araw?" Tanong ko naman.

"Uhh.. Sumakit kasi yung.. Yung tiyan ko." Sabi niya.

"Ahh." Sabi ko na lang kasi dumating na yung teacher namin.

.

.

.

.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko. Sabay kasi kaming nagre-recess, pareho din kami ng binibili.

Ngumiti siya sakin tapos umakbay.

"Hanap ka na lang ng upuan Red. Tapos libre ko na."

"O-okay." Alangan kong sagot.

Madalas kasi tipid si Leine, kung minsan nga dinadagdagan ko yung pera niya. Scholar lang kasi dito sa school si Leine, she's brainy, at di sila ganon kayaman.

Pero di ko naman siya binababa. Pagdating sa pagkakaibigan wala na akong pakealam sa estado sa buhay.

Speaking of school and such. Naalala ko bigla yung first encounter namin ni Jacob. Di kaya sa kanya na talaga tong school since nung nakasal kami?

Bylntonn University. Jacob Yuno Blynt.

Di malayo. Kami nga ang pangalan ng mga hotels na hawak namin ay "Mountain Hills", so bale ang pangalan ng kumpanya ay Mountain Hills Company.

Akin na din ang kumpanya since nung kinasal kami. At dahil 'we share things' daw, ibig sabihin akin na din tong school.

Pagka-uwi talaga tatanungin ko siya.

Nakita kong parating na din si Leine kaya umayos na ako ng upo.

"Here's the food." Nakangiti niyang sabi pagkalapag niya ng pagkain.

"Matagal pa birthday mo ah. Anong meron nanglibre ka?" Tanong ko.

"Celebration." Simpleng sabi niya at sumubo na ng macaroni.

"Celebration?" Tanong ko naman.

Susubo na sana ako kaso may naramdaman akong malamig na likidong tumutulo mula sa ulo ko.

Paglingon ko ay nakita ko ang sikat na si Darline, the campus sweetheart. I forgot, I started wearing eyeglasses just last friday. It only means na tinuturing na akong nerd ni Darline at bu-bully-hin na din niya ako.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon