RED
Linggo ngayon.
Naging maayos naman ang reception kahapon. Nandito ako sa bahay namin at iniimpake na ang gamit ko. Simula kasi ngayon ay magsasama na daw kami ni Jacob sa iisang bubong.
Talagang naka-handa na ang lahat.
"Anak, mag-iingat ka ha?" Sabi ni Mom. "Tumawag ka samin kapag may problema ka at may kailangan ka." Sabi pa sakin nito.
"Opo." Mahina kong tugon.
"Ang ganda mo kahapon anak." Komento ni Mom kaya ngumiti na lang ako.
"Anak, nandon na lahat ng kailangan mo sa bahay. Doon na din kayo magkikita ni Yuno." Sabi ni Dad.
"Opo." Sabi ko na lang. May magagawa pa ba ako?
If ever I'll complain they'll just insist what they want. There's no use on speaking.
.
.
.
.
"Bye anak!" Malungkot na sabi ni Mom. Malungkot akong ngumiti at kumaway. Si Dad ang nag-drive. Di na siya nagpaalam at agad na niyang pinaandar ang kotse.
Di ko alam kung papasok ba ako, nakatingin lang ako sa gate ng bahay na kulay gold. Nasa tuktok nito ang regalia ng mga Blynt well, pati na din yung sa Montavilla.
"Di ka makakapasok kung tititigan mo ang gate." Biglang may nagsalita at nakita ko si Jacob na pumasok na ng gate.
Para lang akong tuod na nakatayo doon. Di ko alam ang gagawin ko.
"Ano pang tinitingin tingin mo diyan?" Masunget niyang tanong. "Pumasok ka na." Utos nito.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam kong gagawin ko, huwag mo kong diktahan nilalang." Sabi ko na lang at pumasok na rin.
Nag-uusap kami habang naglalakad.
"Kilala mo naman na siguro ako, kaya bakit nilalang ang tawag mo sakin?" Masunget na naman niyang tanong.
"Pagmamay-ari mo ba ang bibig ko ha?" Pagtataray ko.
"Simula nung ikasal ka sa akin, akin ka na. Buong-buo. Mula ulo hanggang paa."
"For your information, arranged marriage lang tayo. At alam naman siguro natin pareho na di tayo nagpakasal kasi mahal natin yung isa't-isa." Sabi ko.
"I don't care kung di mo ko mahal at kung di kita mahal. Asawa mo na ko ngayon, Red, kaya simula ngayon sating dalawa ako nang masusunod."
"Ang kapal mo naman." Sabi ko na inis na inis.
"Karapatan ko yun bilang asawa na lalaki." Sabi niya.
Sa halip na dumiretso kami sa kwarto namin ay pumunta muna kami sa library, mag-usap daw kami e.
Dumikwatro ako nang makaupo na ako.

BINABASA MO ANG
Nerd's Secret
General FictionSi Red Montavilla isang babaeng nerd na napilitang ipakasal kay Jacob Yuno Bylnt isang lalaking super hot, super gwapo at super appealing. Noong una ay wala namang feelings si Red para sa nilalang na ito dahil hindi naman daw ito libro. Pero ang...