RED
Mahigpit ang kapit ko sa bulaklak na nasa may bandang tiyan ko. Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga bulaklak na sobrang ayos.
"Ang gandang mga bulaklak."
Tiningala ko ang tingin ko para makita ang sarili ko sa whole body mirror. Naka-puti akong gown. Ang manggas nito ang umaabot hanggang siko ko, may suot din akong gloves na puti.
"Pati gown maganda."
Nakapa-lobo ang palda ko at sobrang haba ng gown. Napaka-gandang damit. Di ko din suot ang salamin ko. Nakaayos ang buhok ko at may flower crown pa.
"Para akong isang babae mula sa libro." Mas malungkot na ngayon ang pagkakabulong ko sa sarili ko.
Suot ko rin ang kwintas na pamana pa ng mga ninuno namin na Montavilla, kulay ginto ito na may nakasulat na 'M', para itong regalia.
"Perpekto na sana ang lahat.." Malungkot kong bulong sa sarili ko. "Kaso di ko naman mahal ang papakasalan ko." Dagdag ko.
Naupo na lang ako hanggang sa pumasok ang stylist na si Cloud.
Nakita ko ang repleksyon niya sa salamin kaya ngumiti ako sa kanya kahit na malumanay.
"Cloud."
Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawa kong balikat.
"Di ko to gusto." Sabi ko.
"Maliit pa ako nung ayusan ni Mama ang nanay mo para sa isa ring arranged marriage." Sabi nito sakin. "Naging masaya sila kahit na noong una ay hindi sila maayos. Masaya ang magulang mo." Dagdag nito.
"Iba na ang panahon ngayon. Sana katulad mo yung mapakasalan ko, Cloud. O kaya naman, sana ikaw na lang." Wala sa sarili kong sagot.
Di naman din malayong piliin nila Mom si Cloud, kahit na nasa lahi nila ang pagiging stylist ng mga Montavilla ay hindi naman maitatago na mayaman sila by their own.
Sa pagkakaalam ko, business na nila talaga iyon. Di naman din bakla si Cloud, lalaking lalaki siya. Para nga siyang lalaki sa librong nababasa ko e kahit na ngayon ko lang siya nakilala.
Nanahimik naman si Cloud.
"Alam ko kasing di mo papatagalin ang marriage contract natin kung sakaling sayo ako makakasal." Sabi ko.
Ngumiti lang siya. "Labas na ako, parating na dito sila Mr. at Mrs. Blynt." Sabi lang niya at umalis na.
Baka sila ang magulang ng papakasalan ko.
Napangiti na lang ako ng wala sa oras ng maalala ko yung JYB na yun, loko din yun e. Lasing na lasing siya kagabi. Pero kahit na lasing siya ganon pa din yung ugali niya.
Presko pero mabait naman. Kaso presko pa din. Hays.
May pumasok na babae at lalaki dito sa kwarto, mga ka-edaran lang ni Mom at Dad. Napatingin ako sa kanila at alangang ngumiti.
"Ikaw ba si Red?" Tanong nung lalaki.
"O-opo." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Nerd's Secret
General FictionSi Red Montavilla isang babaeng nerd na napilitang ipakasal kay Jacob Yuno Bylnt isang lalaking super hot, super gwapo at super appealing. Noong una ay wala namang feelings si Red para sa nilalang na ito dahil hindi naman daw ito libro. Pero ang...