C32: Chilli✔

1.6K 45 2
                                    

RED

After one month..

Nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Isang buwan na din ang nakalipas, pero ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit na ginawa ni J----

Tama na Red. You should not mention him either on your mind or on your mouth. Wala kang nakilalang tulad niya. That's the way how to move on na gawa ni Cloud. Pauso yun e.

Inayos ko na lang ang sarili ko habang nakaharap sa salamin. The atmosphere is different for me, para bang hindi ako dito lumaki. Parang hindi ko to bahay, pakiramdam ko ang bahay na dapat kong tirhan ay yung bahay namin. Pero wala naman ng kami.

I just sighed.

Lumabas na lang ako ng kwarto ko. I want some fresh air, isang buwan na kong nasa kwarto lang, at bawat araw ay pinipilit ko na lang kumain. Yea, pinipilit.

"Hey Young Lady!" Patawang pagbati sakin ni Fermine na makakasalubong ko na. "Pupuntahan na kita e." She added.

Napasimangot ako sa pagtawag sakin ni Fermine. Parang di ako kaibigan. Psh. Well, matagal na siyang nagpupunta dito.

"Stop calling me 'Young Lady', Fermine." Sagot ko sa kanya, tumawa lang siya tapos niyakap ako.

"Himala, buti naisipan mo pang lumabas ng kwarto mo, Lady?" Sabi niya.

"Don't call me 'Lady' either." Iritado kong sabi sa kanya. "Well, bumibigat lang lalo yung pakiramdam ko sa kwarto na yun." Simpleng sabi ko.

But the truth is, naalala ko yung paghatid sakin ni Jac---- I mean paghatid niya sakin sa kwarto ko nung mahimatay ako, those memories are still fresh. Sa tingin ko ay di ko na malilimutan ang nakaraan naming iyon.

"Bakit naman kaya?" Tila nag-iisip na sabi ni Fermine habang nakahawak pa sa baba niya. Psh. As if nag-iisip siya ng matino, puro ka-berdehan lang naman ng mundo ang alam niyang babaeng yan.

"Stop thinking. Alam ko namang 'kalibugan' lang yang nasa isip mo." Poker face kong sabi sa kanya at nauna nang bumaba sa hagdan.

"Hindi ah." Denial niyang sagot. Psh.

"Tara, kain tayo. Naghanda na ata si Ate Lira ng meryenda." Nakangiti kong yaya kay Fermine kaysa naman simangutan ko siya.

Mga ngiti na magsasabi sa kanilang nakalimutan ko na lahat, kahit na tandang tanda ko pa talaga at nararamdaman ko pa yung sakit. Sobrang sakit pa nga e.

Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa mga naiisip ko. Anong klaseng pag-iisip ba to? Psh. Walang kwenta.

"Lad---"

"Red na lang Ate Lira." Putol ko sa magalang na pagtawag ni Ate Lira, para namang ako ang nagpapa-sweldo sa kanila.

"Uhm, sorry. Red, nakahanda na po ang meryenda. Ano pong gusto niyong inumin?"

Tiningnan ko si Fermine na feel at home na nakaupo sa dining table habang kumakain.

"What do you want Ferms?" I asked.

"Uhmm.. softdrinks, maybe?" She said unsure, nginitian ko siya bago ulit hinarap si Ate Lira.

"Softdrinks daw po." Nakangiti kong sagot.

Ngumiti ka pa Red, akala mo naman masaya ka talaga? Plastik ka pala e.

Aish.

Umupo na lang ako sa tabi ni Fermine. Nagugutom ako ng sobra ngayon. Kumakain si Fermine ng potato chips, kaso di naman ako mabubusog dun. Di na nga niya ako napansin dahil sa pagkain niya nun e. Hays.

Tinanggal ko ang takip sa mesa para tingnan kung may ulam pa ba, pero meron doong sili nasa sawsawan pa.

"Ugh! Bakit may sili dito?!" Nagagalit kong sigaw habang maarteng nilalayo iyon sakin.

"Sus! Ang arte mo!" Giit ni Fermine at dinikit pa sakin ang sili.

Eeew! Pakiramdam ko masusuka ako. Agad akong tumakbo palapit sa sink para sumuka, ugh.

"Red, okay ka lang po ba? Di naman po kayo allergic sa sili ah?" Lumapit sakin si Ate Lira habang nagsasalita.

"Ugh. Basta ilayo niyo sakin ang sili, ang sakit sa ilong, nakakasuka." Irita kong sabi at umalis na lang sa kusina. Feeling ko talaga nahihilo ako, pero parang di naman ako mahihimatay.

"Hey!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Fermine. I stopped walking at hinintay siyang makalapit sakin.

"Akala ko ba mahilig ka sa maanghang?" She asked me curiously.

"Nagbago na isip ko."

She laughed, hard. "Ganon? May ganon pala?" Lalo pa siyang tumawa.

Nasa garden kami ngayon. Nakita ko sa may table sila Mom at Dad, coffee date yata ang drama nila at pakape kape sila doon, nasa malilim naman silang spot. Napalingon si Mom sa gawi ko.

"Anak!" Tawag sakin ni Mom. "Come." Nakangiti nitong yaya sakin. I hold Fermine in her wrist.

"Tara." Yaya ko kay Fermine tapos hinatak ko na siya.

Pagkadating doon ay nagpakuha si Dad ng upuan para samin ni Fermine, nakaupo na rin naman kami, after.

"Mabuti naman lumabas ka na, anak." Sabi ni Mom.

"That's good. She is just proving that she don't need Blynt in her life." Dad said. Kumuha siya ng dyaryo at nagbasa.

I actually needed him.. everytime, Dad.. everytime.

"Eto pa bang si Lady? Syempre strong tong friend ko." Singit naman ni Fermine at umakbay pa sakin.

"C'mon shut up." Masunget kong sabi.

"Ito naman, ngayon na nga lang lumabas nagsusungit pa." Said Mom.

"Mukhang buntis nga tong friend ko e. Ayaw na sa sili, masunget pa! HAHAHAHAHA!" Humagalpak talaga sa tawa si Fermine.

Sa halip na makitawa sila Mom at Dad ay naging seryoso sila.

"Is that true?" Tanong ni Mom.

"Magkaka-apo kami?" Si Dad naman ang nagtanong.

Agad akong napailing.

"Fermine naman kasi." Pagsusunget ko. "I don't think I am pregnant Mom. And how am I going to be pregnant?" Irita kong sabi.

"We?" Tanong ni Fermine.

"Ugh. Oo nga." Irita kong sabi.

"E ano pala to?" She asked at may nilabas na sili. Huwag niyang sabihin na may baon siyang ganyan araw araw? May iniiwasan ata siyang lamang lupa.

As if on cue nung maamoy ko ang sili, napasuka talaga ako sa may damuhan. Minumog ko agad ang kape ni Mom. Eeew.

"Ano ba?! Sabing ayoko sa sili e!" Nanggagalaiti kong sigaw kay Fermine. Napakakasat na babae! Ugh! Si Labuya yata to e asawa ni Labuyo. Kainis napapaisip pa ko ng mga corning jokes. Psh.

"Anong nangyayari?" Biglang dating ni Cloud na may dalang mga mangga ata. Tiningnan ko ang dala niyang plastic tapos siya naman ang tiningnan ko.

"Mangga ba yan Cloud?" I asked forgetting that I just vomit.

"Yea."

"Maasim?" Excited ko pang tanong.

"Yea?" Parang nagtataka na siya.

Masaya akong lumingon kay Mom.

"Mom! Maasim na mangga! Let's eat." Masaya kong sabi.

Nagkatinginan sila. Yung seryosong mukha ni Dad ay naging masaya.

"Aling Belinda!" Tawag ni Dad sa isa sa mga katulong sa bahay. "I want you to buy prenancy test kits." Utos niya.

Buntis kaya si Mom?

***

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon