C36: Signature✔

1.8K 43 0
                                        

RED

"Red, lumabas ka na diyan." Naririnig ko ang boses ni Fermine habang mahihinang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nag-lock muna ako, wala namang makakabukas ng kwarto ko kundi ako lang.

"Mamaya na." Inayos ko ang boses ko para di niya malaman na umiiyak ako.

Sabagay, ano pa bang dahilan para magkulong ako sa kwarto ko? Diba kasi umiiyak?

"Papasukin mo na lang ako, Red." She demanded.

Bandang huli ay tumayo na lang ako para pagbuksan siya. Di niya ko sinigawan o pinagsabihan. Agad niya akong niyakap. Doon na ako napahagulgol lalo.

"Lagi ka na lang umiiyak." Sabi niya sakin.

"K-kasi lagi na lang ako nasasaktan.."

"Don't let anyone hurt you because they don't deserve your tears." Sabi niya sakin. "Maging masaya ka kahit para lang sa pamangkin ko." She added.

"Paano Fermine? Lagi ko na lang nakikita si Jacob.. siya at siya lang din ang naiisip ko, siya lang din ang naaalala  ko." I said in frustration.

"Then stay here at your mansion. Nandito naman na lahat ng kailangan mo."

"Paano ang anak namin?"

"I don't know Red. Pero mas maganda kung huwag mo munang sasabihin."

"He has the right Ferms. Di pa kami annul." I insist. Ayokong tuluyan kaming mawalan ng koneksyon ni Jacob. Ayoko pa. Huwag muna.

"Ang totoo niyan.. kaya ako napunta dito.."

"Kasi?" Tanong ko.

"Para ibigay sayo to." She said at inabot sakin ang annulment papers na may pirma ni Jacob. "Pinapasabihan ka sakin para sa hearing niyo."

"I will not come." Madiin kong sabi. Bakit pa ako pupunta? Para lang malaman kong di na niya ako mahal at wala na talagang pag-asa?

"But----"

"Pumirma na ako, just do the annulment." Mapait kong sabi. Di to pwede, dapat talaga nag-move on na lang ako noon, dapat kinalimutan ko na si Jacob. Why am I having second thoughts?

"Be alright, Red.. please." Huling sabi ni Fermine bago lumabas ng kwarto ko. Humiga na lang ako ulit hanggang sa makatulog ako sa pag-iyak.

Maybe I'm tired of crying.

.

.

.

.

JACOB

Isang buwan mahigit na rin ang lumipas. Gabi gabi, nag-iinom ako para lang makatulog then I'll wake up like a wasted broken man, trying to think that maybe someday, Red will come back.

"Bakit ka nandito?" Walang emosyon kong tanong kay Darline. Sino ba namang matutuwa niyan? Magigising ako at makikita ang babaeng dahilan kung bakit nawala sakin si Red. Kung di lang siya babae baka napatay ko na siya sa bugbog, pumupunta sa bahay namin ni Red, di naman siya kaibigan ng asawa ko.

"Inaalagaan ka?" Sabi niya na para bang obvious naman na iyon ang dahilan.

"I don't need you." Malamig kong sabi sa kanya at tumayo na sa sofa kung saan ako marahil nakatulog kagabi dahil sa kalasingan.

"Sinong mag-aalalaga sayo? Kasalanan to ng asawa mo e." Sabi niya habang dinadampi sa ulo ko ang basang towel, tinanggal ko lang ang kamay niya at inihagis ang towel na ginamit niya para idikit sakin ang kalandian niya. Psh, di niya ako maaakit.

"Huwag mong isisi kay Red ang nangyayari sakin, babaeng binuhusan ng kalandian." Diretsahan kong sabi, ang sakit na nga ng ulo ko dahil sa alak, dadagdag pa siya. "Dahil kung hindi dahil sayo di ako iiwan ng asawa ko!" Galit kong sigaw sa kanya.

"Why so angry at me? Ako ba ang nang-iwan sayo?"

"Aish! Utok bungo! Ikaw nga ang dahilan!" Irita kong sabi at tumayo. Tinulak tulak ko siya palabas at sumunod na din ako palabas at agad kong sinara ang pinto para di na siya makapasok.

Nagsimulang umiyak si Darline.

"Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik na tayo sa dati?" Umiiyak niyang tanong.

"Wala." Simpleng sabi ko. "Wala kang dapat gawin dahil wala naman akong balak na bumalik ang dating tayo." Malamig kong tugon.

"Galit ka pa rin ba, dahil iniwan kita para kay Von?" She asked.

"About that, thank you. Kung di mo ginawa yun di ko makikilala si Red." I said seriously as a matter of fact. "She's more than everything. She's greater than you, Darline. Kaya kung binu-bully bully mo si Red noon, be ready, di na kayo co-owner dahil sa pagiging eskandalosa mo. I will kicked you out, para di na kita ulit makita." I said.

"Bakit ayaw mo na ko makita? Is it because you haven't moved on?"

"Ang hilig mo mag-assume ano?" Nakangisi kong tanong sa kanya. "Ayaw kong nakikita yung mga nanakit at nananakit sa asawa ko, kasi baka mapatay ko sila sa galit." I said.

Pero isa na ako sa kanila. I hate myself for hurting her.

"Paano ka ba ginayuma ng nerd na yun ha?" Kahit umiiyak ay pinilit niyang magbigay ng nakakaasar na ngiti na nauwi lang naman sa pagmumukha niyang tanga. Psh.

"She don't need any potion, Darline. She doesn't have to do that. Mahal ko si Red at wala siyang ibang ginawa para maramdaman ko sa kanya yun. Now, kung ayaw mong may masabi ako sayong iba umalis ka na." I said.

"I should be her." She said.

"Impossible." I said. "Ibang iba siya sayo, Darline. Common ka lang sa paningin ko, Red is unique." I added. "Di porket naaakit mo ang mga lalaki sa Blyntonn ay maaakit mo rin ako, dahil itong mata at puso ko, si Red lang ang kilala nito." Pagtatapos ko at tinalikuran ko na siya.

"Leave." May galit sa tono nang pagsasalita ko bago pumasok sa bahay namin ni Red at padabog na sinara ang pinto.

Umakyat ako sa kwarto namin para hanapin ang annulment papers na pinadala ni Red. Titingnan ko lang iyon at pipilasin. No way on earth I will annul with her, kahit ilang taon siyang tumakbo palayo sakin di ako makikipag-annul. Gusto ko may asawa ako, at ang asawang iyon ay si Red lang.

Pagbukas ko sa drawer ay walang laman iyon. Where's the papers?

I tried to search it pero wala pa rin.. hanggang sa maka-receive ako ng tawag na nagsasabing magkakaroon ng hearing para sa annulment namin.

That only means na napirmahan ko ang papel.

Tulala kong nabitawan ang cellphone ko na nakatapat sa may tenga ko. No, no.. di ko iyon pinirmahan..

.. unless they made me do that while I am drunk at the Bar.

"Ugh!" I shout in frustration.

Pinagsisipa ko lahat ng gamit sa kwarto namin at tinaob sa sobrang galit at inis. Di ako pwedeng mahiwalay kay Red. Akin lang siya!

Napaupo na lang ako sa gilid ng kama namin na nakataob na ngayon habang napapahagulgol dahil sa nangyari, sana dito na lang ulit ako naglasing sa bahay.

I roamed my eyes on our bedroom. Ang gulo na ng paligid at halos lahat ng gamit ay sira na. Isa na lang natitirang maayos.

Ang picture namin noong kasal.

That was the first time I smiled on pictures.

***
A/N: The following chapters will be Jacob's side. Nagbubuntis po kasi si Red at wala naman kayong ibang malalaman doon kundi ang kasungitan niyang in born na. Hahahaha.

Nerd's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon