Chapter II

112 15 28
                                    

Chapter II: Mother

I was beyond shock that I don't know what to react.

It's been three days since that scene happened. Magmula noong nangyari iyon, mas sabog na ang notification sa lahat ng socia media accounts ko. They were tagging me to a question of when did Ethan Rigid Carbonell becomes my boyfriend.

They were expecting us, Von, to be in together. Dahil kami ang magkasama noon pa. Tapos suddenly kami ni Ethan Rigid. Nakakagulat nga. Doon ko nga nalaman ang pangalan niya noong sinabi saakin ni Remy. Sabi pa niya, sikat ang "currently boyfriend" ko sa senior department.

It's also concluded to their minds that maybe, Ethan Rigid and I are faking our relationship but they also believed that Ethan was not the type of man. He has no time for joke.

He's serious. Or does he really is?

I can clearly remember what happened after he dragged me out of there. Nagtago kami sa ilalim ng hagdan then he burst out laughing.

Iyon ba yung definition nila ng seryosong tao?

“Ano iyon? At yung bee?” I asked.

Tumingin siya saakin ng nakakaloko. I can't help but to stare at his deep dimple. Ngayon ko lang din napansin ang nunal niya sa ibaba ng chin niya na kulay brown, makikita lang sa ganitong kalapit na distansya. Tapos may kaonting clef din doon.

“Bakit? Matambok naman ang pisngi mo ah? You look like that jumbo red bee in commercial," nakangisi niyang sabi.

Noong una, hindi ko gets, pero noong narealize ko na kung sino yung tinutukoy niya, nanlaki ang mata kong tumingin sakanya.

“Do you mean Jollibee?!” Nanggagalaiti kong tanong.

Humalakhak lang siya. Halos maiyak na siya sa katatawa. Gustong-gusto kong i-wipe out ang tawa niyang iyon sa inis ko pero ang tangkad niya. I can't even reach his hair! Yung jet black hair niya na magulo. Na medyo kulot. Ang sarap sabunutan!

“Hindi matambok ang pisngi ko, you jerk!”

Napufrustrate talaga ako kapag pisngi ko na ang pinapakialaman. I'd rather them notice my height than my... my cute cheeks.

Tapos bigla siyang sumeryoso. “You didn't wear any sando?” Tanong niya.

I bit my lip when I realized what he was implying to say. Agad kong pinag-cross ang kamay ko sa dibdib ko. Kung bakit kasi wala akong sando. Hindi ko naman expected na mabubuhusan ako ngayon ng tubig.

Tapos ngumisi siya. “Chic na chic ka saakin, alam mo ba iyon? Mukha kang basang sisiw.” Tapos humalakhak ulit.

Bipolar ba siya? Kanina tumatawa, tapos seryoso, tapos tatawa. Seriously?

“Jerk! Perv!” Naiinis na sabi ko.

Tumatawa siyang hinila ang kamay ko. Dinala niya ako sa female bathroom at ipinasok sa cubicle. “Stay here. Don't open the door unless I said so," at naramdaman ko ang pag-alis niya.

After a couple of minutes of waiting, dumating siya. Buti nakakapasok siya sa banyo ng babae.

“Shan?” Aniya. “Buhay ka pa?” He sounds ragged.

“Oo naman. Bakit?”

“Open this," utos niya.

Binuksan ko ng kaonting awang yung pinto. Sinilip ko siya. Agad siyang tumalima at inabot ang PE shirt niya saakin. I assumed it's his because of its size.

“Wear this.”

And so I did. Kaysa naman magkasakit ako sa pulmonia. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin; I look jejemon with my huge shirt. Kalahati ng hita ko ang natatakpan nito. I am not small; he's just oversized.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon