Chapter XVII

46 6 9
                                    

Chapter XVII: Suyo

Napabuga ako ng hangin. Sumilip sa rearview si manong kaya nginitian ko siya; giving him a gesture that I am okay.

Nasa loob kami ng sasakyan papuntang school. The weekends had passed. Ang bilis nga lang. Naalala ko pa y'ong misteryosong lalake na nagpayo saakin.

At y'ong lunch date ni Rigs at Summer. Napairap ako. Sa tuwing naiisip ko iyon ay kumukulo ang dugo ko. I'm not even sure if it was only a friendly date or what.

But I'd like to call it a lunch date. Whatever that date is, there's still a food, in a restaurant, two person in one table. 'Di ba date, 'yun?

Sinilip ko 'yung phone ko. Kanina pa nagsipasok ang mga messages ni Rigid. Matapos niya malaman kahapon na hindi ako tutuloy sa shopping ko, binomba niya ako ng message. Naiinis ako kaya hindi ko binuksan.

Pumunta rin siya sa bahay namin. Nagtago lang ako at pinasabing wala ako. Not available. May ibang pinuntahan.

“Thank you manong. Pasok na po ako,” paalam ko. Bumaba ako sa sasakyan na badtrip.

Naabutan ko si Remy sa gate. Parang may hinihintay at patingin-tingin sa phone. Lumapit ako sakanya.

“Remy?”

Natapalon siya sa gulat. Ngumiwi siya nang makita ako. Luminga siya sa paligid kaya iyon din ang ginawa ko. Sino bang hinihintay niya? Si Ram?

“Oi, ‘di ka pa ba papasok? Malapit na ang flag ceremony.”

“Mamaya muna...” angil niya.

“Sino bang hinihintay mo? Nasaan ba si Ram?”

Tumingin siya saakin. Ibubuka pa sana niya ang bibig nang may dumating. Kumunot ang noo ko nang lumapit siya kay Remy at umakbay sa huli.

Tinignan ko si Remy at tinaasan ng kilay. Umiwas lang siya ng tingin.

“Sino siya, Remy?” Masungit na tanong ko.

“Si... Niel.” Utal niyang sagot. “Haish. Tara na nga! Pasok tayo.” Aniya.

Nagpatianod ako. Anong nangyayari? Hindi na ako nakiusisa pa. If Remy was ready, I know she'll definetly tell me what’s going on. But seeing them two, being sweet with each other, really intruiged me.

Nasa hallway kami ng second floor, may biglang humaklit sa braso ko. Muntik na akong mapatili kung hindi ko lang alam kung kanino ang mabangong amoy na iyon.

Seryoso ang mukha ni Rigs na nakatingin saakin. “May problema ba tayo, Shan?”

Umiwas ako ng tingin. Hindi ako sumagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Speak, Shan. Please...”

Tumingin ako ulit sakanya nang marinig ang pagsusumamo sa boses niya. I don't know but my heart beat on it impulse.

“Ah ganoon? Okay fine! Naiinis ako. Naiinis ako kapag nakikita kong may kasama kang ibang babae! At mas nakakainis na pakiramdam na wala akong karapatan dahil nastuck pa rin tayo sa fake relationship na ‘to!”

Pinaningkitan ko siya ng mata. Nakatitig lang siya saakin. Like he was ready for my outburst. I was about to speak again when the bell rang. Great. “May klase pa ako, Rigs.” I loosened my hands on his grip.

Wala siyang nagawa nang tuluyan akong umalis sa kanyang harapan. Parang nabuhay ulit ang inis saakin. Natapos na rin ang flag ceremony.

Nakakainis din y'ong sarili ko. Pinunasan ko ang luhang sumusulyap sa mata ko. Huminga ako ng malalim at padabog na umupo sa seat ko.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon