Chapter XIV

41 9 3
                                    

Chapter XIV: Sundo

Nililigpit ko yung mga gamit na ginamit namin kanina sa dance performance; isa-isa kong inaayos sa bag dahil gusto kong organize lahat ng gamit ko nang tinapik ako ni Remy.

"Ang tagal!" Aniya.

Tinignan ko ang oras. Uwian na pala. Pagka-announce kanina ng winner ay pinabalik na kami sa kanya-kanyang room. Ni hindi na ako nagkaroon ng oras kausapin si Rigs. Dumiretso na kami sa room namin ni Remy.

I texted him. No reply.

Tumingin ako kay Remy na nakasimangot. Palibhasa okay sila ni Ram. Kaya excited siya palaging makita ito.

Mas binilisan ko ng kaunti yung pagliligpit sa gym bag ko. Nang matapos ay nagpaalam na kami sa teachers.

Sabi ni Remy ay diretso na kami sa gate dahil nandoon na raw 'siya'. Eh hindi ko naman kilala kung sinong 'siya'.

Nasa bukana kami ng gate ng school nang maabutan namin sa bandang dulo, kung saan paikot ang building ng school, naroon si Andrea sa gilid ng van. Mukha siyang nakikipagtalo sa nasa loob ng sasakyan.

"Hala, ngayon ko lang yata nakitang ganito ka-frustrated si Andrea. Napaano kaya 'yon?" Bulong ni Remy.

Magkasama kaming naglalakad palabas ng school facility kaya malamang magkatabi kami.

Dahil uwian na, marami rin ang nakikiusyoso. Malayo nga lang si Andrea saamin kaya hindi marinig ang sinasabi niya.

May dumaan na isang estudyante. Babaeng kulot ang buhok at average-looking. May kasama siyang dalawang estudyante rin. Mukha silang nagtitsismisan— and I bet it's also about Andrea.

"Ang alam ko kasi iniwan sila ng tunay niyang tatay. Tapos ito namang step dad niya, napakasama ng ugali at sinasaktan sila."

"Kaya siguro uhaw sa pagmamahal sa lalake."

"Siguro. Pero sobra naman para alisin niya ang moralidad niya sa katawan. Mas pinahihirapan niya ang buhay niya."

"Oo nga. Hindi naman sa pagiging bitch niya makukuha ang gusto niyang atensyon sa lalake."

"Maybe yes, maybe no? Siya 'yan. Buhay niya 'yan. Hayaan nalang natin. If we were in her shoe, I bet, mas malala ang gagawin natin. Matapang pa rin siya para harapin ang buhay na may katapangan, though in a wrong way."

Nagkatinginan kami ni Remy. Napangiti ako sa loob. May mga ganoong klaseng tao pa pala. 'Yung hindi manghuhusga agad.

Tumingin kami sa kanan, dito nangagaling ang sundo namin. Pero si Remy, mas piniling huwag sunduin dahil may boyfriend pa siyang aasikasuhin— na may bukal sa loob.

At ako? Well.

May convenient store sa tapat ng school, doon kami palagi ni Remy kapag naghihintay ng service. Pero siya, sinusundo na ng boyfriend niya.

Sumimangot ako. "Wala akong kasama, Remy."

Ngumisi siya saakin at nagtaas baba ng kilay. "Meron 'yan."

"Leche ka, alam mo 'yon? Akala ko kung sinong 'siya' ang tinutukoy mo! Si Ram lang pala. Ano, maghihintay akong mag-isa rito?"

"Pwede kang sumabay saamin." Mabait na suhestyon ni Ram.

Don't think any malicious thing. Mabait lang talaga si Ram, kahit kanino o kahit saan. Ewan ko nga kung bakit si Remy ang naging girlfriend niya. Pero given nang bagay nga silang dalawa. Opposite do attract. Example nalang ang height nila.

E, bakit si Rigs nagustuhan ko?

May rason ba ang pagkagusto sa isang tao? Syempre meron. Mayroon at mayroong dahilan ang pagkakagusto sa isang tao. That somewhat leads to love when it was developed.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon