Chapter V

80 10 18
                                    

Chapter V: Season

Awkward.

Nasa labas na kami ng building. Nasa bench na malapit sa sirang istraktura. Malapit na ring pumanaw ang araw. Parami ng parami ang mga tao.

Pero saaming dalawa ni Ethan, nakakabingi ang katahimikan.

We both fell silent as we sat on bench.

"Sorry." Basag niya sa katahimikan.

Tumingin ako sakanya. His eyes full of emotion I can't name for fleeting moment. Parang ang dami pa niyang gustong sabihin bukod sa 'sorry'.

What should I say? Natameme ako.

"Ihahatid na kita sainyo."

Umiling ako agad. "Huwag mo muna akong iuwi. Or else huwag mo nalang ako kausapin forever." Pagbabanta ko.

Dahil kinakabahan pa rin ako sa nangyari kanina. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko at aware akong namumutla pa rin ang hitsura ko. I am still synchronizing with the moment earlier. At kapag nakita ako ni daddy sa ganitong hitsura, he can't forgive anyone easily, especially if it's have to do with me.

Kumunot ang kanyang noo na tinignan ako. I look at him with pleading eyes. "Magpa-five palang naman... Pumunta muna tayong hospital to check if you have any injuries. At ipagamot ang pasa mo sa mukha."

Nagbuntong-hininga siya. Saka umiling. "Malapit na rin dito y'ung bahay namin. Doon nalang tayo."

"Okay." Sang-ayon ko.

Indeed, malapit lang ang bahay nila. Sa Timog Subdivision lang. Isang jeep at tricycle papasok sa subdivision lang ang sinakyan namin.

Their house is big, not big as ours but bigger than others here. Walang gate pero may patio bago makarating sa main door ng bahay nila. Sa tapat ay may wooden table at duyan sa gilid.

Nagdoorbell si Ethan Rigid sa pinto. May nagbukas na isang kasambahay.

"Rigid! Jusko kang bata ka! Anong nangyari sa hitsura mo." With a different accent, she hysterically said. Naka-uniform siyang pangkatulong so it's safe to say she's a housekeeper.

"Wala po 'to 'nang. Nanjan naba si dad? At si mom?"

"Ay naku! Wala pa si daddy mo pero nanjan na si ma'am! Pasok ka!"

"May kasama po ako 'nang. Pwedeng pakidalhan kami ng meryenda sa kwarto ko?"

Nilingon ako ni Manang. Nagulat siya nang makita ako. "Naku! May kasama ka pala." Aniya. Agad akong humarap kay Manang na may nahihiyang ngiti.

"Ah. Hello po. Ako po si Mashana. K-kaibigan ni Ethan."

"Mash. Nako. Sabihin mo nga kay Rigid na ipagamot niya 'yang pasa niya sa mukha."

"Sige po 'nay." Ngiti ko rito.

Tumingin ako kay Ethan Rigid. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa nakasimangot niyang mukha. Sinamahan kami ni Manang sa kusina. Pinaupo kami sa stool counter. Inilabas ni Manang yung first aid kit nila at inabot saakin saka ibinilin na ako na raw ang gumamot kay Ethan dahil ayaw niya magpagamot sakanila.

Madiin kong nilagay ang cotton na may alcohol sa sugat ni Ethan sa kamao. At ang ice cupping sa mukha niya.

"Aw!" Angil niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Magtiis ka."

"Sadista." Aniya.

"Masokista ka naman."

Silenced.

"I'm sorry ulit." Sabi niya.

Tumingin ako sa mga mata niyang punong-puno ulit ng emosyon.

"I am sorry dahil dinala kita r'on. Naisip ko dapat na mas naging sensitive ako dahil hindi ka pupwede d'on. Muntik ka pang mapahamak dahil saakin... Haish." Ginulo niya ang buhok niya.

He looks adorable.

Ngumiti ako sakanya. "Sa totoo lang, natakot ako sa'yo n'ong mapanood kita. Gustong-gusto kitang kutusan dahil hinahayaan mo yung sarili mong bugbugin ng lalakeng y'on! Pero salamat ha? Kasi niligtas mo ako sa mga lalakeng manyak na ako-"

"And that! Babalikan ko ang mga gagong y'on." Nagdilim ang paningin niya.

Hinimas ko kaagad ang kamao niya. "No. Please. Hindi ko alam kung anong dahilan mo bakit napasok ka sa ganoong klaseng... gawain pero ayaw kong nakikita kang nasasaktan, Rigs. Para akong aatakehin sa puso. Hindi ka ba pwedeng umiwas nalang doon?" Pagsusumamo ko.

Ngunit yumuko lang siya.

Ngumiti ako ng mapait. Parang tinusok ng ilang karayom ang puso ko. Bumuga ako ng hangin. "Arayt. Akin na ang mukha mo't gagamutin nalang." Peke kong ngiti na sinabi.

Tumingin siya saakin. Umawang ang kanyang bibig- may sasabihin sana nang maputol siya ng matinis na tinig:

"Ethan!"

Pareho kaming lumingon ni Ethan sa dalawang babae na nasa doorway. Isang mukhang may edad na at isang kaedaran namin. I am guessing the late-thirties woman is Ethan's step-mom while the other one is his...

Niyakap niya ng mahigpit si Ethan. Naitulak ako ng kaunti kaya pakiramdam ko ay nawala ako sa backround. Lalo nang lumapit ang step-mom ni Ethan sakanila. Parehong nag-aalala.

Hinawakan niya sa pisngi si Ethan at hinalikan sa pisngi. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Summer." Gulat na sabi ni Ethan.

"Bakit ganyan ang nangyari sa mukha mo Ethan? Nakipagsuntukan ka nanaman ba ha, Tan?" Malumanay na boses n'ong Summer.

"Sige Summer. Pagsabihan mo lang si Rigid. Wala yatang ibang pinakikinggan iyan kundi ikaw." Sabi ng step-mom niya.

I feel so sick.

Kinalas ni Ethan ang dalawang kamay ni Summer sa kanyang mukha. Lumingon saakin si Ethan.

"Mom, Summer, si Shan po."

Ngumiti ako ng alanganin sa dalawa. His mom kiss me on cheek. Summer hugged me.

"Nice to meet you, hija. I am Flor, Ethan's dad's wife. Call me tita Flor or kahit tita lang." Ngiti saakin ni tita.

"Hi Shan! My name is Sumera Gabriel. Summer nalang." His sister?

"Nice to meet you two din po. My name is Mashana Alejar, pero Shan nalang po."

"Alejar? Familiar ka ba kay Thomas Alejar?" Tanong ni tita.

Nag-init ang pisngi ko sa kanyang tanong. "Daddy ko po."

"Oh! Your dad? How nice. He was a college friend of mine..."

And the discussion go on. Echos! Nalibang naman ako kay tita. Nag-usap kami sa sala. Magtatagal pa sana kami kung hindi lang nagdilim ang kalangitan.

And all the hours we've been talking, nasasandali ang tingin ko kina Summer at Ethan Rigid. Nasa kusina pa rin silang dalawa at naghaharutan.

I mean- ginagamot ni Summer si Ethan. Sabay tawanan na parang may nakakatawa sa pang-gagamot sa sugat ni Ethan.

Buti nalang gabi na. Ihahatid na ako ni Ethan saamin. Kalmado na ako ngayon. Pinahiram ni tita yung sasakyan nila kay Ethan para hindi na raw magcommute.

Sa buong byahe, tahimik lang kami. Awkward. Buti nalang may stereo sa loob.

Hanggang sa makarating kami sa bahay namin.

Nilingon ako ni Ethan. Tumingin din ako sakanya.

"Yayain sana kitang magkape pero pagabi na rin. Pero gusto mong pumasok?" Sambit ko.

"Are you okay?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"Yeah..." I don't. I feel sick na ewan.

Ngumiti lang siya. "Sige. Pumasok ka na sainyo. Hihintayin kitang makapasok."

Gaya ng sabi niya ay pumasok nga ako sa loob ng bahay namin. Umakyat agad ako sa kwarto ko at sinilip siya sa bintana. Humarurot na ang kotse palayo.

Dahan-dahan kong sinara ang bintana nang mawala na ang sasakyan...


Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon