Chapter XIX

44 6 8
                                    

Chapter XIX: Pure

Namutla ako sa nabasa. I look around when I've noticed their stares.

Hindi ko alam. Hindi ko alam na tauhan ni daddy ang daddy ni Rigid. Kaya ba ayaw ni daddy kay Rigid? Sinong gagawa noon, ng kalokohan dito?

Huminga ako ng malalim.

“Fake relationship?” Pagtitimping boses ni Von.

Nasa gilid siya at halatang gulat din sa nabasa. Nagkatinginan kami. He looked at me like he was ready to beg. Umiling ako. No.

“Who did this shit?” Baritonong boses ni Rigid.

Lahat ay lumingon sakanya, miski ako. Sa tono ng boses niya ay parang handa siyang manuntok kahit sino. Madilim ang kanyang mukha at mabigat ang kanyang matalim na titig.

Walang sumagot.

Napansin ko sa second floor si Andrea, she was smirking. She's with her friends. Siya ba?

I clenched my fist. Huminga ako ng malalim. Maya-maya ay narinig namin ang pagpupunit sa papel. Naroon si Grace sa bulletin board at tinatanggal ang mga pictures.

“This is an act of bullying! Stop this nonsense!” Naiiritang sigaw niya. Siya nga pala ang President ng Student Committee.

Lumingon siya saakin. Tinignan niya rin si Rigid sa tabi ko. Lumapit siya saamin.

“Pwede ba, kung gagawa kayo ng kung ano, huwag kayong nagkakalat sa school!” Nakakairitang sabi niya.

Nakatitig lang sakanya si Rigid. Jaw clenched. Umalis si Grace at sinundan niya ng tingin.

“Rigid...” Hila ko sa sleeves niya.

Lumingon siya saakin. Tumango siya. “Listen to this, kung anuman kami ni Shan ay wala na kayo r'on. At kung may sigurado man saamin, that is I love her. So much. At sa susunod na maulit pa ang ganitong insidente, I'll make sure to fucking burn your weakness.” Hinila niya ang kamay ko palayo sa lugar.

Nakarating kami sa dulo ng school, sa Mulawin. May mga benches at tinatago ng mga puno.

Pinaupo niya ako sa isang bench.

“Shan, you okay?”

Umiwas ako ng tingin. Napahilamos siya sa mukha. We feel the same way: frustrated.

Nagmura siya ng isang beses. Yumuko siya sa harap ko at tiningala ako. He hold my hand. “Bee...” May pagsusumamo sa kanyang tinig.

A shiver sent down my spine. Para akong kinilabutan sa itinawag niya saakin. Nanindig ang balahibo ko.

I miss that endearment.

“Please, kausapin mo naman ako. Huwag mo naman akong ipagtulakan kapag may problema tayo. Talk to me. Ayusin natin. Please?”

Humarap ako sakanya. “Talaga? Bakit ikaw Rigs, sinasabi mo ba saakin ang mga problema? Hindi ko alam kung bakit ayaw sa 'yo ni Daddy, tapos iyon lang pala ang dahilan. And why you're giving me a securing words but I still feel out of place? 'Yung parang wala akong alam sa nangyayari sa 'yo, sa atin. Ang komplikado, e. You love me, yes, pero bakit minsan iba ang ikinikilos mo? It's like you're opening yourself yet showing me the walls you created.”

Umiling ako. Pati rin siya. Lumapat ang thumb niya sa pisngi ko at pinunasan ang luhang hindi ko alam na nakalabas na pala.

“I’m sorry if I didn't tell you. It's not that something worth to tell, anyway. Hindi ko ikanakahiyang assistant ang papa ko sa company ng daddy mo, Shan, but thinking of it really bother me. Pakiramdam ko walang-wala ako kumpara sa 'yo. You're too perfect for me bee, Gusto kong pantayan ka. Dahil mahal kita. Gusto kong ipagmalaki mo rin ako. Na maswerte ka na ako ang pinili mo. Dahil ako? Sobra pa sa sobrang ikaw ang minahal ko..."

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon