Chapter XV

58 7 9
                                    

Chapter XV: Buko

Buong klase kong naisip si Rigs at ang balak niyang kausapin si daddy.

I don't know what to feel. It's mashed up.
The excitement, the fear and the worries. Anong kalalabasan nito?

And why the hell I am so serious with this? Pero masama bang isipin na agad ang mangyayari?

When the bell rang, indicating of school's out, I hurriedly went outside. Naabutan ko si Rigs na palabas na rin sa room niya. Kausap niya ang isa sa kaibigan niya at mukhang casual lang ang topic nila.

Lumapit ako. Napansin ako ng kausap niya kaya tinapik niya si Rigs at isenenyas ako. Humarap naman saakin ang huli. Ngumisi ako sakanya. Agad siyang lumapit saakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Nagmadali ka yata?" Natatawa niyang tanong.

Chill lang siya, huh?

Ngumuso ako at naghanap ng magandang sasabihin, kahit alam ko namang may ideya na siya sa pagmamadali ko.

"Bro, totoo ngang girlfriend mo na si Mashana. Nice one!" Sabi ng kaibigan niya.

"Oo nga. Crush ko pa naman siya..." Natahimik agad ang isa pa niyang kaibigan sa kung anumang sasabihin nang bantaan siya ng tingin ni Rigs. "Joke lang. 'Kaw naman." Mabilisan niyang agap.

Natawa ako.

Lumabas kami ng school. We decided to take a tricycle. Mas madali at mas mabilis. At saka medyo may phobia na akong sumakay sa jeep.

Pero bago kami sumakay ay naglakad muna kami. Sabi niya'y meryenda muna kami. Sa dulo ng street ng school, may mga vendors ng tusok-tusok.

May siomai, calamares, fishball at iba pa. Pumunta ako agad ako sa pizza section nang maamoy ko ang aroma nito. Kumalam ang sikmura ko. Tumawa si Rigs. Pinandilatan ko siya ng mata.

Aba. Mahirap nang gutom. Saka, pizza is my life.

"Gusto mong buko?" Tanong niya. Naghihintay nalang kaming uminit ang pizza.

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon? Saan?" Tanong ko.

Nakita ko ang hawak niyang plastic cup na may laman na kulay puting tubig. May lumulutang na puti-puti na parang uod. I immediately frowned when I noticed the long white worm move.

"Uod ba 'yan? Geez, Rigs. Kumakain ka ng uod?" Tanong ko. Lumayo ako ng kaunti sakanya.

Kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa basong hawak. Tapos bigla siyang humalakhak.

"Damn, Shan. Nagpapacute ka ba saakin?" tawang-tawa niyang sabi.

Pinamulahan ako ng pisngi. "Hindi ah! Saka tignan mo oh! Gumagalaw pa sila sa tubig." Itinuro ko ang puting uod sa ibabaw ng baso niya. Just by seeing it making me want to puke.

Mukha ba akong aso para magpa-cute? Leche!

Matapos niyang tumawa ng walang hanggan, halos pingtinginan pa siya ng dumaraan, ay ipinakita niya saakin ng maayos ang laman ng baso.

Wala silang mata.

May mata ba ang uod?

"Buko sila, okay? Yung kinakayod. Nakakita ka na ba ng buko?"

"Oo. Yung gata niya. Pero hindi yung mismong laman ng buko." Sagot ko.

Totoo naman. Bakit ko naman kakailanganing makita ang laman ng buko? We have cooks to do that kung sakaling kailangan sa recipe. Kaya wala akong ideya sa uod— sa hitsura ng buko. I only drink the fresh buko in a bottle.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon