Chapter XI

63 12 9
                                    

Chapter XI: text

“Naalala ko na!”

Napatalon ako sa gulat nang mag-snap si Remy. Nasa loob kami ng kwarto ko dahil dito balak mag-sleepover ni Remy.

"Ang alin?” Tanong ko.

Natulala pala ako sa iniisip ko. I remember Rigs. Gusto raw niya akong ligawan.

“Gusto kitang ligawan. Pero hindi pa ngayon.”

And that sucks. Kailan pa? Natotorpe kaya siya?

“Naalala ko na si Rigs!” Sabi ni Remy. Pumitik pa siya sa daliri at tumingin saakin ng tuwang-tuwa.

“Huh?”

Lumapit siya saakin at tinapik ako ng unan. Sinamaan ko siya ng tingin. Humagikgik lang siya. Tapos umupo sa tabi ko, sa edge ng mattress.

“Eh 'diba noong grade seven tayo nagkaroon ka ng speech problem kaya bulol ka magsalita. Tapos nabubully ka dahil doon? Naalala mo ba noong nasa canteen tayo, may dalawang lalake ang umagaw ng tray mo pero may isang senior guy na tumulong sa'yo! 'Diba? Binantaan niya 'yung bullies mo! Kaya ayon. Binalik sa'yo 'yung tray mo. And gosh. Si Ethan Rigid 'yun!"

I remember the scene but I can hardly remember the faces included. Except for Remy dahil kasama ko na siya ever since.

Napansin ni Remy na medyo naguguluhan pa ako sa sinasabi niya. Nag-facepalm siya at tumakbo sa drawer ko. Sanay na kami sa isa't isa kaya halos komportable na rin siyang pakialaman ang mga gamit ko. Although, alam niyang ayaw kong may kumukulit ng mga organize kong gamit, gustong-gusto niya namang ginagalaw at ginugulo 'yon para maasar ako. Hanggang sa nasanay nalang ako. Mas makulit naman ako kapag sakanila.

Bumalik sa isip ko si Rigid. Ano 'yon? Magkakilala na ba talaga kami noon pa? Siya rin ang dahilan kung bakit isang araw naging okay ang pakikitungo saakin ng classmates at schoolmates ko. Did he really do that?

Halos isuka ko ulit ang mga insekto sa loob ng t'yan ko. Kinikilabutan ako. Parang naiihi ako sa kilig.

May hawak si Remy na album nang lumapit saakin. Binuklat niya ang pictures ng mga nag-move up ng junior high school batch nila Rigid. Naalala kong bumili ako ng ganito dahil nandito rin ang picture ni Von. Hindi ko akalaing ibang mukha na ang titignan ko sa susunod na pagbuklat ko.

I don't mind.

'Di hamak na mas ka-akit akit tignan si Rigid.

"See! Oh my God! Siya nga 'yon! Siya 'yon!" Idinuro-duro niya ang picture ni Rigid.

Kung titignan, ibang-iba ang mukha ni Rigid dito sa picture kaysa ngayon. Gone was the nerdy large frame of eyeglass and the proper neat clean style. Mukha siyang mabait na estudyanteng palaging pasok sa honor. My curiousity burned up.

Bumalik ako sa page 1. Naroon ang pangalan niya sa unahan.

Ethan Rigid S. Carbonell, with high honor, ranking 2, with the average of 97

Siya? Ranking 2? As in?!

I mean, sa mukha niya ngayon ay tipong walang interes sa pag-aaral.

Kaya pala hindi ko siya naalala. Ibang-iba na siya. At ang nasa picture ay si kuya Tantan na mahilig makisabay saamin ni Remy na kumain sa canteen. Once a month?

"Ang astig! Destiny kayo!" Tuwang-tuwa na sabi ni Remy.

Nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag ang kanyang boyfriend. Humagikgik siya at mabilisang sinagot ang tawag.

Bumalik ang tingin ko sa picture. I can't imagine a boy like this punching three men.

Nag-beep ang phone ko. May message. I immediately smile when I saw who's my messenger.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon