Chapter IV

97 14 27
                                    

Chapter IV: Danger

Bumaba kami sa terminal ng main gate. Buti hindi nagtulakan ang mga pasahero ng jeep or else, I'll get dumped. Nakaalalay din sa likuran ko si Ethan Rigid.

Nakapamulsa siyang naglalakad. Ang cool ng dating niya dahil compliment talaga sakanya yung aquamarine blue checkered polo (flannel) na nakabukas ang butones. Ang linis niyang tignan.

Simple pero rock.

Hindi na ako nagtataka kung pinagtitinginan siya ng iba. Mukha talaga siyang artista. Stand out.

Sumusunod ako sa kanyang likuran dahil nauuna nanaman siyang maglakad. Nakanguso ako dahil hindi pamilyar saakin ang lugar. I've been inside the mall pero hindi ang labas.

May nadaanan kaming ilang convenient store na pabilog sa daan. Nakapalibot ang benches. Tapos sa kanan ay naka-arrange ang mga jeep kung anong lokasyon ang tatahikin nila. Main gate terminal nga, 'diba?

Tumawid kami. The most hated part of mine. Hindi ako marunong tumawid! Naka-asa lang ako sa traffic light at sa ibang tao.

Naradaman ni Ethan y'on kaya hinawakan niya ang pulsuhan ko. Nakangisi siya saakin, nang-aasar. Umirap ako.

Tahimik lang kami sa paglalakad. Mainit ang lugar pero may silong yung nilalakaran namin. Busy yung mga tao rito. Yun ang halata.

Tapos lumiko kami sa mga bars. Iba't ibang poster.

"Don't tell me stripper ka, Ethan Rigid?!" Nagugulat kong tanong. Natawa siya sa tanong ko.

Patuloy kaming naglalakad. May nakalagay sa ibabaw na 'Walking Street' bago papasok sa high end bars. Maraming foreigners. Mga gwapo yung iba tapos yung iba DOM.

Hinawakan ulit ni Ethan ang kamay ko. Mas mahigpit nang kumanan kami sa isang street. Mas masikip kumpara sa Walking Street. Nawawala ang mga nakikita kong bars. Parang mga restaurant ang street. Ang gaganda! Iba't ibang style. May fiber glass ang wall. Wooden wall. Hello Kitty style.

Pero may isa pa kaming nilikuan. Yung totoo? Kinakabahan na ako dahil kung saan-saan na kami lumiliko.

"Hoy. McArthur street pa ba tayo?"

Hindi siya sumagot.

Tapos tumigil kami sa isang malaking building. Hindi tapos ang structure dahil wala pang pintura. Puro semento ang halos gumawa sa buong building.

Pagpasok, abandonadong lugar ang nadatnan namin. Ang daming vandalism.

Nanginig ako. Natatakot ako sa lugar, yes. Pero nang humigpit ang hawak ni Ethan Rigid sa kamay ko, parang napanatag ako. Nang lumingon siya saakin at ngumiti.

"Hoy, sisiw, saakin ka lang didikit ha? At titingin." Aniya. Tapos may tinulak siya na maliit na pinto. Mga dwende lang ang kakasya.

Kailangan pa naming maghiwalay bago makapasok. Maliit lang talaga ang pinto na parang semento ang kulay pero may vandal na puro mura. Yumuko siya at pumasok. Tapos ako naman ang pumasok.

And I was beyond shocked when a marble hallway welcomed me. Kulay mamahaling asul na marmol ang wall. Eskinita ang laki ng hallway. Habang papalapit ay naririnig ang malakas na kabog ng musika.

"Keep intact, okay, Shan?" Lingon saakin ni Ethan.

Sinserong nakatingin siya saakin. Napakagat ako sa labi dahil sa malamlam niyang mga mata. Titig na titif kami sa isa't isa. The way he pronounced my name was so soft and like a fragile thing. My heart starting to pound erratically faster.

"Dapat na ba akong kabahan?" Mahina kong tanong.

Humagikgik lang siya. "Silly. Nandito lang ako." Sagot niya.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon