Lipat Bahay

584 6 1
                                    

Chapter 15- Lipat Bahay

Sky's POV

Pagkatapos mag-drama sa akin ni Curt ay tumunog ang bigla ang doorbell

*ding dong*

Bumaba muna ako upang pagbuksan ang bisita namin. Pagkabukas ko ng gate ay isang delivery boy ang tumambad sa akin akala ko naman umuwi na si mama para i surprise ako

Hay naku naman T_T

"Ahhh kuya ano pong kailangan 'nyo?"

"Package delivery po for Ms. Princess SkylarZheijin Falls Anderson Park"

"Ah..ako po yun" sabi ko habang nakataas ang isang kamay na tila 'bay nagsasabing present sir

"Pakipirmahan na lang po ito mam" inabot sa akin ni manong ang isang papel

"Grabeh naman sa haba ang pangalan niyo mam"

Ngumiti na lang ako kay manong "Nga ehh manong kaya nga nung bata pa ako kailangan kong tipirin yung space ng papel para lang sa pangalan ko ehh adik kasi ng mama ko ehh hahaha" inabot ko na kay manong yung papel

"Eto po ma'am. Enjoy your day po"

"Ikaw rin po manong bye~bye" sabi ko ha habang nag wawave pa ng kamay

Dali dali kong binuksan ang package at napangiti talaga ako nito ng bongang bonga

Kinausap ko muna ang mga maids namin bago ako dumiretso sa kwarto.

"Hoy lalaki para naman hindi ka magmukmok dyan samahan mo na lang ako pramis matutuwa ka"

Kumunot naman ang noo niya "Huh~bakit te-ka san naman yan?" tanong niya sa akin

Ngumiti lang ako ng nakakaloko tas hinila ko na siya. Di rin naman siya nag-reklamo ehh.

After 25 minutes nakarating na rin kami sa destinasyon namin.

"Niloloko mo ba ako babae nangaling na tayo dito kanina ahh ano toh gaguhan?" binatukan ko nga tsaka pinandilatan.

"Oo na oo na 'to naman di na mabiro ano bang ginagawa natin dito?" tanong niya sa akin in a sweet tone

Loko talaga to

"Your exactly right s--"

"Sabi na nga ba ehh ginugood-time mo na naman ako"

"Hindi noh patapusin mo muna kasi ako okay... tama ka na nakadaan na tayo kasi ang totoo niyan kanina pa tayo umiikot lang. O siya baba na. Sumunod naman siya at bumaba matapos niyang patayin ang makina.

"San tayo?"

"Dun" sabay turo ko sa isang two-storey house

"Dyan?? anong meron diyan?"

"Bahay ko"

"Weh!!!"  aba't loko to ahh

"Oo nga kasi. Halika na" sabi ko sabay lahad ng kamay ko kinuha rin naman niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok ng bahay ko. He even intewind our hands na parang lovers lang kung mag-lakad. Siguro pag may nakakita sa aming iba iisipin nun na kami pano ba naman kasi sobrang close namin sa isa't-isa

Pagdating namin sa loob sobrang namangha ako as in ang ganda kasi ehh

Inikot namin yung loob ng bahay

"Nice ang yaman ng sweetiebear ko"

Sweetiebear?? Well yun lang naman ang endearment niya sa akin

Ako bear lang tawag ko sa kanya

"Naman ako pa" proud kong sabi sa kanya

"Hmp showoff"

"BH ka naman" asar ko sa kanya

Ngumiti na lang ako sa kanya at nagtitigan lang kami

"Gutom na ako padeliver tayo tas mag movie marathon tayo" pang iiba niya ng usapan

"Geh tawag ka na ako naman hahanap ako ng magandang panoorin"

Tumawag naman siya at dumiretso ako ng kwarto ko dahil nandun yung mga cd ko pagkatapos naghanda ako ng blue iced tea

Busy kami sa panonood nung dumating na yung food delivery

Nanood lang kami ng isang romantic-comedy grabeh parang di broken hearted yung kasama ko sa wagas kung makatawa 'tas nung nagdampi yung kamay namin nung parehas kaming kukuha sana ng popcorn ang walangya pinalo ang kamay ko.

Amp talaga (=^=)

Habang nanonood kami nabigla lang ako nung bigla na lang niyang isinandal ang ulo niya sa akin habang humihikab ng mahina

"Antok ka na?"

"Oo ehh tulog na tayo" yaya niya sa akin

"Sige" pagsangayon ko sa kanya sabay patay sa plasma tv

Dumiretyo na siya sa kama ko. Ang insensetive talaga ng mokong to. Hinayaan ko na lang.

"Dyan ka na matulog ha sa kabilang kwarto na lang ako"

I was about to leave the room when Curt suddenly pulled me making me lose my balance and ending up lying on top of him

Shet!!!

Anlapit namin sa isa't-isa. Ambilis ng tibok ng puso ko eto na ba yung sinasabi niyang so close yet so far kasi ito yung unang pumasok sa isip ko. Mahal ko siya pero di ko siya pwedeng mahalin dahil natatakot ako na masisira lang ang friendship naming dalawa.

"Stay...please" tumango na lang ako tsaka humiga sa tabi niya as if namang sa taas niya ako hihiga nun

Te-teka ano ba tong pinagiisip ko

Hinawakan niya ang kamay ko at inaayos niya ang ilang hibla ng buhok ko. Hinalikan niya ang noo ko at di ko namalayang nakatulog na pala ako sa yakap niya. He's too sweet for his own good...and for my own little heart.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

My Pretend Gangster Girlfriend [ON-HOLD/NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon