F.O.-Friendship Over

312 4 0
                                    

Chapter 37-F.O.-Friendship Over

"Uy 'no problema mo? Mukha kang lutang."

"H-huh? Ano beh? Ay sorry di ako masyadong nakikinig eh pakiulit na lang." hay buhay anlalim ng iniisip ko at yun ay ang tungkol kay Chase, kay bip, sa gang ko at sa Knight Crusaders.

"Ansabi ko mukha kang lutang in short bangag."

"Ay thank you beh naappreciate ko yang sinabi mo true friend ka talaga." bad trip naman tong si Jill ansupportive talaga na kaibigan. Full power, todo effort! Feel na feel ko talaga ang naguumapaw na pagmamahal niya sa akin.

Bumuntong hininga lang siya. Andito kaming dalawa ngayon sa mall para makapagbonding na rin. "Beb di ba kuya mo naman si Grey na myembro ng K.C. tanong ko lang may naikwekwento ba siya sa iyo tungkol sa isang guy na nagngangalang Chase?"

"Chase? Hmm...kung si kuya wala naman...pero" tumingin siya sa akin ng alinlangin

"Pero?" tuloy ko

"Pero kung si Ezekiel meron...ata?"

"Ahh close pala kayo nung Ezekiel-" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang akong hinila ni Jill papuntang cr. Anong nasinghot nito at bigla bigla na lang nanghihila papuntang cr?

Pagkapasok namin ng cr ay pumasok kaming dalawa sa cubicle at isinara ni Jill ang pinto. "Anong meron Jill at kailangan nating magkulong pa ng cr?" tanong ko.

Tiningnan ako ni Jill ng mukhang punong puno ng pagaalala at alinlangan "Sky pwede ba akong magsabi sa iyo ng sikreto?" tanong niya

"Bakit anong meron?" kinabhan naman ako sa tono ng pananalita ni Jill. OMG! This is it! Baka sasabihin na ni Jill na sawang sawa na siya sa pagkakakaibigan namin o di kaya siya si Ms. Sulitera uno kwatro sa buhay namin ni bip.

"Kasi kami na ni Ezekiel"

Napanganga naman ako sa sinabi niya "What?" OM! mas malala pa this sa una kong naisip. As in full blown nganga ako here. How? Paano? Kelan?

"Oo kami na, actually matalagal na din. Three weeks na kami aaminin ko matagal na naming gusto ang isa't isa pero lumayo ako sa kanya kasi gusto siya ni Anissa pero yung feelings ko beb andun pa rin eh" napahagulgol sa balikat ko si Jill "Sasabihin ko naman talaga kaso humahanap pa ako ng tamang tyempo alam ko naman kasi na magagalit sa akin si Anissa at ayokong masira yung friendship namin humahanap lang talaga ako ng tamang tyempo kaya Sky tulungan mo naman ako oh" pagmamakaawa sa akin ni Jill.

Ano ba yan! Panibagong problema. Humingan muna ako ng malalim "Sige pagiisipan ko muna beh kung paano natin to sasabihin kay Anissa. Alam mo naman kasi na gustong gusto ni Anissa si Ezekiel kaya mahihirapan tayo pero at all cost tutulungan kita"

Niyakap nalang ako ni Jill ng mas mahigpit "Thank you beh" nagpunas siya ng luha saka binuksan ang pinto pero sana di na lang namin binuksan "Anissa" gulat na gulat na bigkas ni Jill.

Shit! This is so not happening! Si Anissa, andito sa labas ng mismong cubicle namin tears flowing down to her cheeks. Shit talaga oh! She must have heard it.

"A-anissa i-it's not what it looks like. Let me explain"

*Pak* Isang malakas na sampal sa mukha ang natangap ni Jill mula kay Anissa mukhang gulat na gulat ito, di lang naman siya ang nagulat kundi ako din never in my life have I thought na magagawang manampal ni Anissa. Siya yung taong calm pag dating na sa mga seryosong bagay but now I don't think so.

"Explain? Anong ieexplain mo? Alin yung pagtra-traydor mo sa akin?"hagulgol ni Anissa "Alam mo naman di ba na matagal ko ng gusto si Ezekiel sana kung matagal ka nang may gusto sa kanya sana inamin mo na. Dati pa. Di tulad ngayon na malalaman ko na lang na inahas mo na pala ako. You what, you won't tell me kasi takot kang masaktan ako well guess what? News flash nasaktan na ako at dahil sa iyo yun. Takot kang masira tong friendship natin? Then another news flash for you, this friendship is over."

My Pretend Gangster Girlfriend [ON-HOLD/NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon