Meet his Parents

428 6 0
                                    

Chapter 25-Meet his Parents

"Hoy bip nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" tanong ni Rade sabay alog sa akin, ankulit para siyang bata. Kanina pa niya tinatanong kung bakit ko sinusubuan si Nathan at kanina ko pa inexplain na dahil lil 'bro ko na siya simula ngayun.

Inalog alog niya ako ng konti "Uy di nga? Bip akin ka lang di ba, girlfriend kaya kita." ankulit talaga -_-. Eto yung mga time na gusto ko'ng magmura pero dahil bagong buhay na nga ako I chose not to tsaka sayang ng energy.

Pero bwisit talaga to'ng hinayupak na bip ko makaalog wagas na eh. OA na masyado, sinapak ko nga. Okay di ko siya sinapak binatukan ko lang.

"Aray" daing niya 'tas tumingin sa akin ng masama na mabilis ding nawala "Uy bip di nga akin ka lang di ba?" at eto na naman po tayo.

"Oo na oo na. Ankulit. Kainis" sigaw ko at nag walk out, aba eh sa nakukunsimisyon lang ako dun dahil kasama ko si bip. Hinabol naman niya ako at sinabayan sa pag lalakad.

"Uy bip hatid na kita sa room niyo" tumango na lang ako.

Nung makarating na kami sa building ng highschool department ay eto na naman ang feeling ng maraming nakamasid sa iyo. Napabuntong hininga na lang ako. Kasalanan tong lahat ng lalaking katabi ko eh na super oblivious sa mga tingin ng mga tao sa kanya.

"Uhmm..dito na room namin, geh thank you" bulong ko pero di naman ganun kahina para di niya marinig.

Binuksan ko na ang pinto at sumilip sa loob, good thing wala pa naman ang teacher namin papasok na sana ako ng hawakan bigla ni bip ang wrist ko.

Tiningnan ko na lang siya at binigyan ng anong-problema-mo? look. Sana ma-gets niya.

At mukhang nagets nga niya "Mamaya..papakilala kita sa parents ko. Sunduin kita ng 7:30 sa bahay mo" yun lang ang sinabi niya bago umalis leaving me dumbfounded.

Wait....WHAT?!

Teka, una sa lahat alam ba niya kung saan ako nakatira?

Umiling na lang ako at dumiretso sa pagpasok sa room "Sh!t anong nangyari sa inyo?"

---

"Franz sigurado ba kayo na kailangan ko pa tong isuot? I mean ipapakilala lang naman niya ako sa parents niya ah" protesta ko sa pilit na pagpapasuot sa akin ni Franz ng killer heels. Diyos ko po baka ito pa ang maging dahilan ng kamatayan ko eh, antaas ng takong.

"Di beh, ayus lang yan naku for sure pak na pak ka pa sa jowa mo mamaya lalo na pag pinartner natin sa dress na ito." Huh?

"Don't worry bagay naman sa iyo eh" kumpyansa sa akin ni Jill.

Sila kasi ngayon ang tumutulong sa akin para sa dapat ko'ng suotin. Aba't tinuruan pa nila ako ng do's and don'ts. Anong tingin nila sa akin walang manners?

Sana pala sina Sav nalang nandito o kaya si Aria panigurado kasing di ako pipilitin nang mga yun na magsuot ng ganito. Ang kaso missing in action ang mga yun, buti nga missing in action rin si Anissa, naku kakampi yun kina Jill. Triple powers na kung ganun di na double kill kundi triple kill.

"Nga pala nasan yung mga yun" tanong ko pertaining sa barkada.

"Si Anissa, may inistalk" ahh si Ezekiel

"Si Sav may detention kasama yung Austin ba yun? Di ko sure ang pangalan pero gwapo" relate naman ni Jill nung iniwan ko sila kanina ay dun na rin nagsimula ang food fight sa cafeteria. Di ko alam kung hangang kelan yung detention niya kasi di ko pa rin siya kinakausap tapos si Austin naman oh tsk, tsk, tsk.

Di nila Jill kilala si Austin ang alam lang nila ay transfer student whereas kilalang kilala ko siya pero di pa sinasabi sa kanila, kababata ko yun eh along with a guy who I call Cray dahil galing sa krayola ang pangalan nauna ko silang makilala bago kay Curt na guy bestfriend ko pero matagal na rin yun at nagkawatak-watak na rin kami, buti nga nakita ki ulit si Austin although di pa kami nagkakaroon ng time na makapagusap ng masinsinan.

My Pretend Gangster Girlfriend [ON-HOLD/NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon