Stuck with Austin. Deja vu?

377 3 0
                                    

Chapter 27- Stuck with Austin. Deja vu?

One week had passed since nung dinner ko with Rade's parents and one week na rin kaming nagiiwasan.

Siya ang unang umiwas kaya katulad ng ibang tao nag go with the flow na lang ako at umiwas rin sa kanya. Bahala siya sa buhay niya wala naman akong pakielam sa kanya eh.

Tinapos ko na muna lahat ng natitira kong assignments dito sa library bago umuwi. Inuna ko na ang English sunod Economics at hinuli ko ang Math, naku baka mawalan lang ako ng gana pag yun ang inuna ko.

Nung matapos ko na ang lahat ng assignment ko ay nagmadali na akong magligpit past six na rin kasi at andilim na rin sa labas maglalakad lang rin ako pauwi dahil malapit lang naman dito ang bahay na tinitirhan ko.

Pagkalabas ko ay may biglang nahagip ang mata ko. Si Rade.

Shet! Ano ginagawa niya dito?

Pero teka iniiwasan naman niya ako di ba? Siguro dito lang talaga ang direksyong pupuntahan niya. Tama! Dito nga lang siguro ito...pero bakit siya nakatitig sa akin at mukha pang galit. Wow ha siya pa ang may karapatang magalit, tingnan niyo na ang ugali nito, abnormal talaga. Hmp bahala siya sa buhay niya!

Naglakad na ako palayo ng tinawag niya ang pangalan ko. "Sky wait" Bigla akong napatigil. First time niya akong tinawag sa pangalan ko. Pero teka ba't ba ako tumigil? Aughh bahala na nga!

Kailangan kong makalayo!

Naglakad na lang ako ng super bilis as in super bilis talaga pero di naman ako tumakbo, mamaya mahalata pa ako. Tawag lang siya ng tawag sa akin kung hindi Sky ay bip ko ang tinatawag niya sa akin. Seriously what the eff is his problem?

Iiwasan niya ako, di siya magpapakita tapos all of a sudden ay hahanapin niya ako. This guy have some serious mental issue.

Di ko siya pinansin, naglakad lang ako ng naglakad hangang sa mafeel kong tumatakbo na siya kaya sinimulan ko na ring tumakbo. Nung lumiko ako ng daan ay mabilis akong pumasok sa isa sa mga rooms doon. Aykk!!

"Aray ansakit" bulong ko ng mahina pano ba naman nadapa ako pag pasok na pagpasok ko pa lang, ansakit! Takte wala akong makita ang dilim.

Naririnig ko pa rin ang boses ni Rade sa labas ng room na tumatawag sa akin agad kong nilock ang pinto ng room. Oh please umalis ka na! Lord please heed my call kahit ngayon lang, one time lang po sana umalis na siya at mukha di ako nabigo sa prayer ko dahil nakita kong naglakad siyang palayo habang ginugulo amg buhok niya.

Victory dance for me! Yes thank you lord, the best ka talaga!

Bubuksan ko na sana ang pinto ng room para makalabas na ng--patay naklock!

Bakit naman sa dami dami ng panahon na pwedeng mailock ay ngayon pa?

Eto na ba ang kapalit ng wish ko na umalis si Rade o karma lang talaga ito?

Suddenly may narinig akong gumalaw mula sa loob. Come to think of it..bakit bukas ang pinto ng room na ito kanina?

Oh shit! Don't tell me may multo? Oh my god masyado pa akong bata para mamatay ng dahil sa heart attack. I rake back what I said oh God kahit dalawang beses lang po wag na one time lang.

"Zhei" tawag sa akin ng multo. Feel ko nga nakatitig siya sa akin pero bakit parang alam ko yung boses na yun?  Don't tell me isa siya sa mga nakalaban kong gangster dati na nagpakamatay para makapagrevenge at multohin ako pero parang masyado namang mahaba na ang hair ko ng dahil don.

Pero yung boses niya talaga, familiar.

"Zhei is that you?" ehh Zhei? Isang tao lang ang tumatawag ng Zhei sa akin sa tanan ng buhay ko. Pero sino nga ba?

Wait, sina kuya Ky at kuya Zayn babe ang tawag sa akin. Si Curt sweetiebear ang tawag sa akin si Chase naman bangin ang tawag sa akin si Rade bip o nerd tawag sa akin tapos ang bebe friends ko beb, bebe o di kaya Sky ang tawag sa akin which only down me to two other people sina Cray at Austin. Pero ang tawag sa akin ni Cray ay Jin at si Austin naman ay Zhei....wait si Austin nga!

"Aust, ikaw ba yan?" tanong ko

"Malamang sino pa ba tumatawag sayo ng Zhei kundi ako lang except kung napalitan na ako at may iba ng tumatawag sa iyo ng Zhei" agad akong napailing. As if namang makikita niya eh ang dilim kaya.

Lumapit ako palapit sa kanya "Aust ikaw ba talaga yan?"

"Oo nga, kulit. Tsk" napasimangot naman ako almost ten years na rin ang nakalipas pero wala pa rin siyang pinagbago dakilang snob at masungit pa rin siya.

Napailing na lang ako although wala pa rin siyang pinagbago masaya pa rin ako na ganun pa rin siya which means na siya pa rin ang Austin na nakilala ko. "Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ko

"Natutulog. Ano ba sa tingin mo sumasayaw?" sinapak ko nga trashtalk talaga siya masyado eh.

"Aray..oo na oo na natutulog eh ikaw?"

"Wala, may pinagtaguan lang" explain ko not giving away na si Rade ang pinagtaguan ko. Mukha kasing acquintance niya si Rade dahil last Saturday nung nasa mall kami ay nakita ko siyang nakikipagsapakan kasama sina Rade.

Tumango tango na lang siya bilang sagot at nag unat-unat. Humakbang siya palapit sa pinto at narinig ko siyang magmura ng mahina. Nga pala nakalock kami dito sa loob ng room mula sa labas.

Bakit feeling ko nangyari na to sa akin dati? Deja vu? But with a different person.

My Pretend Gangster Girlfriend [ON-HOLD/NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon