Still

204 5 0
                                    

Chapter L

"Walangya ka talagang lalaki ka. Balak mo ba akong patayin sa sama ng loob ha?" sigaw ko dito matapos niyang sabihin yung nakakairita niyang joke na walang kalatoy latoy.

"Ano sumagot ka!" sigaw ko pa din dito akmang hahampasin ko ito ng pigilan niya ang kamay ko

"Bitiwan mo nga ako. Ano ba!" angal ko ngunit di pa rin niya ako binitiwan.

Tinangka kong kumalas mula sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa akin

"Oy oy oy. Unang una sa lahat kanina ko pa ako hinahampas, baka nakalimutan mo na may mga sugat pa rin ako" panimula nito

Tinaasan ko lang siya ng kilay "So? Hindi pa rin yan magandang excuse para sa bad joke mo"

"Okay sorry about that pero let me tell you one thing. Wala na tayong relasyong dalaw kaya wala ka ng karapatan na mag-alala sa akin" malamig nitong sabi

Kung kanina ay maayos pa ang paguusap namin ay nag-iba bigla ito ng dahil sa mga binitiwan niyang mda salita. Parang nag 180 degrees ang lahat.

Napatahimik ako. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakahawak pa rin siya pero sapat lang para makawala ako.

Oo nga pala wala akong karapatan.

Ako ang unang nang iwan.

Ako ang unang kumalas.

At ako ang ang nagtanim ng galit sa kanya na naging dahilan para magkasiraan kami.

Hindi ko siya pinangkingan. Hindi ako nanghingi ng kahit na katiting na explanation mula sa kanya kung anong nangyari.

And he's right wala naman talaga akong karapatan dahil in the first place naging kami nga ba?

Para kasi sa akin, parang isang malaking laro lang ang nangyari. It was like one big twisted game na hindi ko maalpasan.

Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at tumalikod na "Sorry I forgot all about that. Wala naman talaga akong karapatan over you in the first place dahil kung titingnan mo naging tayo ba talaga?"

I smiled bitterly then left him alone but before I left ay sinabi ko munang "I'll be in the kitchen if you need me. Holler if you need anything else. I'll send the maid to you then."

Bumaba na ako at nagdirediretso sa kitchen to cook something for him to eat. Baka gutom na rin kasi yun eh.

"O ba't ka umiiyak diyan?" nagulat na lang ako at napatalon bigla ng may biglang nagsalita mula sa likod ko.

"Anong umiiyak? Hindi ako umiiyak noh. Nakikita mo na ngang nagcho-chop ako ng sibuyas eh atsaka diba sabi ko sumigaw ka na lang pag may kailangan ka" nagpunas ako ng luha

Kumunot naman ang noo nito "Sky alam kong tanga ako sa larangan ng pagluluto pero wag mo naman akong gawin ganoong katangan na hindi ko na alam ang kinaibahan ng white onion sa natural na red onions"

Tumawa ako "Hindi ah, hindi mo ba alam na may mga occasion na nakakaiyak ang paghihiwa ng white onion" katulad na lang ngayon.

"Hindi. Dahil alam ko namang nagsisinungaling ka and about sa sinabing mong magpapadala ka ng maid...."

Oops! I forgot about that nag dayoff nga pala ngayong araw si nanang perla. "Anong meron dun?" matapang kong tanong

"Wala namang maid dito eh. Tayong dalawa lang kaya ang nandito" sagot nito

"At paano mo naman nasabi yun?" tanong ko

"Instinc, I guess" nagkakamot ng batok niyang sabi.

Napakamot na lang ako ng pisngi ko. Habit ko na talaga siguro yun.

Tumalikod na ako to continue cooking our supposed to be dinner tonight ng biglang magsalita si Rade "Oh and Sky, I'm sorry for what I said earlier. Sorry kung nasigawan kita. Sorry kung nasaktan man kita but please do remember this. May karapatan ka pa rin sa akin because..because I'm still in love with you bip."

My Pretend Gangster Girlfriend [ON-HOLD/NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon