She's Back

291 4 0
                                    

Chapter B- She's Back

Nathan's POV

"Alam niyo na ba yung bali-balita?" tanong ko pagkarating ko sa hangout ng barkada.

"Anong balita?" halatang walang pakielam si James na magtanong pero nagtanong pa din. Ah ewan!

Sinimulan ko nang ikwento yung nalaman ko na ikinakunot ng noo nila.

"Sigurado ka ba? Two years na din sila inactive sa gangster world."-Ezekiel

"Yap, pati yung leader nila yung si Falls, bumalik na din daw" pahayag ko.

Medyo naguguluhan din ako kung bakit ngayon lang ulit sila bumalik sa gangster world, their group was our number one rival.

Nawala ako sa ulirat at pagiisip ko nung magsalita si Grey "Pero thinking about it hindi ba nawala si nung namatay si Chase?"

"Yeah" wala sa sarili kong sagot

"What if nalaman nila kung sino talaga ang maya pakana ng pagkamatay nito? What if they came back for revenge?"-Toffer

Bigla akong kinabhan "Wala naman tayong kasalanan diba. We didn't kill him"

"We didn't pero we knew that he will get killed by him on that very same day"-James

"We didn't want ourselves to get involve kaya di tayo nangilan!" sigaw ko

Bumuntong hininga ako at iniiba ang usapan "By the way asan si leader?" alam ko naman kung nasan siya pero ayoko na talagang pag-usapan pa ang tungkol sa nangyari noon kaya iinba ko na lang ang topic.

"Andyan saa kwarto niya, nagmumukmok"

Translation: Umiinom.

Simula nung nawala si Sky at di na mahanap ay parang nawala sa sarili si Rade, di na siya makausap ng matino, palagi na lang mainitin ang ulo at laging umiinom mag-isa.

Hay nasan ka na ba kasi Sky?

Savahnna's POV

Umokay-okay na rin ang status ng barkada. Bati na yung dalawa kaya masaya ako kahit papaano pero hangang ngayon di pa rin namin nakikita si Sky kaya wala din malungkot pa din kasi kulang kami ng isa.

Nandito kami ngayon ni Aria at Franz sa lilim ng isang puno malapit sa school gate iniintay sina Anissa at Jill. Yung dalawa growing strong ang relationship nila hahaha.

And speaking of relationship, may unrequited relationship ako. Nakakaiyak nga lang one-sided ang love life ko.

"Uy guys may chismis ako"-Anissa

"Chismis agad umagang umaga?" maeksaharadang tanong ni Aria

"Ehh, wag kayo. So bali-balita na may bago tayong students. Students with a capital S sa dulo, and guess what limang lalaki ang magtra-transfer. Lima! Oh diba bonga!"-Anissa

"Wow ang bilis ah di pa nakakarating sa school alam na ang balita ah" sarcastic na turan ni Franz

"Pero transfer students, malapit ng matapos ang school year ah" tanong ko

"Malay"-Anissa

"Paano mo nga pala nalaman?"-Aria

This time si Jill naman ang sumagot "Di niyo alam? Yun na lang kaya ang pinaguusapan sa facebook"

"Wala akong facebook" sagot ko

"Busy"-Aria

"Facebook is so last month, mas uso ang twitter"-Franz

Busy sila sa paguusap tungkol dun sa mga transfer student ng mapatingin ako sa wristwatch ko "Mamaya na nga nating pagusapan itong mga lalaking ito malalate na tayo eh" paalala ko sa kanila

Nakarating kaming lahat sa room and wala pa dun yung teacher namin, yung upuan ni Sky andun nakatunganga. Vacant, isang buwan na kasing di umuupo yung may-ari. Sina Rade naman buti pumasok pa.

Mukhang lasing at wala itong balak pumasok kung hindi pa hihilain ng mga kasama niya hindi ko na rin siya masisi magkatabi lang sila ni Sky eh kaya ganyan na lang siguro ang pagkayamot niyang pumasok ng school. Sa ngayon ay nakayuko lang ito at parang natutulog pa yata.

Si Austin naman, hay naku! Yung autistic na antipatiko na yun, yun pa rin ang ugali, di matinag eh magulo pa rin kausap hangang ngayon.

Dumating na rin sa wakas ang teacher namin sa first subject, kasunod nito ang dalawang lalaki.

"Alright class we have two new students who will be joining our class"

Pinatayo naman ni Miss ang dalawang bagong estudyante, impit na tumili ang mga kababaihan sa loob ng room, sa katabing room naman ay maririnig mo din ang mga tilian at hagikhikan ng mga kababaihan, siguro dun napadpad yung natitira pang tatlo.

"Please introduce yourselves boys"

Tumango yung dalawa, naunang magpakilala yung may itim na buhok, medyo tsinito "Jason Quin Gregory" tipid na pakilala nito.

Mukhang autistic at snob, katulad ng katabi ko. Naku mukhang magkakasundo itong dalawang ito.

Sunod namang nagpakilala yung isa pa niyang kasama "Thunder Hemsworth everybody. Hi'ya" total opposite naman nito ang kasama niya kung yung Quin snobbish ang dating ito naman mukhang mabait.

Pero seriosly uso ba talaga ngayon ang mga snobbish types of guys? Yung mga mukhang walang pakielam sa mundok kasi pinagpapala ang room namin ng ganung klase ng lalake eh at mukhang trending sila ngayon.

"You may now take your seats, 3rd row."-Ms. Corpuz

"Uhmm...we're still waiting for someone ma'am" saad nung Thunder kuno.

Tumaas ang kilay ni Ms. Corpuz "Well you can wait in your seats"

Natarayan siguro yung Thunder kaya nagback off ito ng konti "Uhmm..ok--" naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto ng room.

Pumasok ang isang babae na isang buwan na naming hinahanap "Sky" tawag pansin nung Thunder.

Pagkarinig ng pangalan ni Sky ay nagising si Rade, lahat nakatingin ngayon kay Sky.

She looks like Sky, pero parang hindi. Siya si Sky pero iba na ang aura niya. Di tulad noon na neat na neat at maayos ang pagkakaayos ng uniform nito ay loose ngayon ang pagkakayos ng suot niya.

Loose necktie, bukas ang unamg butones ng uniform niya at mas maikli ang palda niya. Kung tulad noon na below the knee ang palda niya na umaabot pa sa paa ay ngayon above the knee na. Nakasuot rin ito ng mahabang itim na medyas.

Sky you're back pero anong nangyari sa iyo sa loob ng isang buwan na nawala ka?

My Pretend Gangster Girlfriend [ON-HOLD/NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon