SURVIVORS 2

277 19 13
                                    


SURVIVORS 2: The Escaped

Metro Manila, USD.
10:16am

"Ready." Sabi ko saka siya naunang bumaba sa hagdan habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Bago ako tuluyang makababa, kita ko kung paano nawasak ang pinto at parang tubig na pumasok ang madaming Zombie.

Dali-dali akong bumaba. Sa kakadali namali ako ng tapak dahil biglang nabali yung isang  apakanan ng hagdan buti nalang at mayroong lubid na makakapitan.

"Careful."

Yumuko ako at nakita ko itong nakatingala sa akin.

Thanks god at wash day namin ngayon at hindi ako naka-uniform. Kundi nasilipan na siguro ako.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mukha namang itinuloy na niya ang pagbaba kaya sumunod nalang ako.

Nang makababa kami sa third floor. Obvious namang hanggang tatlong palapag lang ang gusali namin at saka maikli ang lubid na pinagtagpi-tagpi lang nitong lalaking to kaya imposibleng umabot ng ground floor.

Hawak ko ang dalawang mahabang bakal na kinuha ko kanina.

Ito ang nagpahirap sa akin sa pagbaba kanina pero ayoko namang bitawan dahil wala kaming maipanglalaban kung sakali.

Binigay ko sa kanya yung isa nung makalapag kami sa isang kwarto.

Madaming bakas ng dugo. Sa awa ng diyos at walang bakas ng Zombie.

Tahimik naming tinahak ang pinto. Sinilip ko sa salamin niyon ang hallway. Kita ko ang nagtatakbuhang mga estudyante na hinahabol ng mga Zombie.

Kung minamalas ka nga naman oh. Tumatakbo pa ang Zombie. Sana naman yung naglalakad lang.:(

"Kailangan nating makaalis dito." Bulong  ng katabi ko.

Subukan niya sumigaw tignan ko lang.

Sumilip rin siya sa pinto. Kita roon ang mga Zombie na iilan nalang dahil narin sa pagsigaw ng isang estudyante kanina na tumatakbo kaya siya ang hinabol.

Dahan-dahan naming binuksan ang pinto.
Lakad takbo ang ginawa namin pero nag-iingat na walang ingay na maililikha.

Nakasalubong kami ng teacher na zombie. Pangit ang itsura at puno ng dugo ang bibig.

Hinampas kaagad nitong lalaki yung ulo. Kita ko ang pagka wasak ng ulo niya. Di naman masyadong malakas ang pagkakahampas niya pero bakit nawasak agad?

"Malambot ang mga bungo nila kaya kahit di kalakasang impact ay nawawasak ito." Sabi nito na tila nabasa yung iniisip ko kanina.

"Ahh" sagot ko nalang. Saka kami nagtuloy sa lakad takbo namin papunta sa hagdan pababa.

Madaming classroom ang nadadaanan naming sarado.

Malapit na sana kami sa hagdan ng may biglang sumulpot na isang lalaking zombie. Teka kilala ko to ahh. Siya yung varsity player na playboy ng campus.
Madami na tong niloko eh at pinaiyak na babae, isa na roon yung isang barkada ko.

"Kung sinuswerte ka nga naman." Naiwika ko nalang habang nakatingin sa among harap.

"Leave him to me. Tignan mo nalang ang likod baka may biglang umatake." Sabi ko sa lalaking kasama ko ng akmang susugurin niya yung nasa harapan.
Mukhang may galit rin ang mokong ahh.

"Tsk!" Sabi nalang nito saka sumunod.

Nagumpisa naring tumakbo yung Zombie sa akin. Sa gigil ko hinampas ko ang Tiyan niya ng tubo. Ayoko munang hampasin ang ulo nito dahil mapapadali lang kung ganun.

A Zombie Apocalypse Story: THE SURVIVORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon