SURVIVORS 3

262 14 10
                                    


Hai guys! Inspired ako sa isang story na zombie din.
I-plug ko ha! Plug..plug..plug.

ZOMBIE OUTBREAK: THE APOCALYPSE is written by hikari_light02. Read it guys. And miss Ai. You're my first reader you know? So this is for you. Idol kita eh. Lovelots!!

**********


SURVIVORS 3: The Team Survivors

Metro Manila
11:02am.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong nung isang babae.

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan. Wala akong alam kung nasaan na kami dahil hindi naman ako gala.

"We need to plan." Nasabi ko nalang.

"But first, who among you know how to drive?" Tanong ko.

Hindi magtatagal baka tuluyan kaming mabangga.
Walang nagtaas ng kamay.

"Wala? Bahala kayo. Wag niyo kong sisisihin kong  mabangga man ang sasakyang ito." Pananakot ko.

"Ihinto mo. Ako, may experience, pero hindi  pa ganuon ka galing." Prisenta nung isang lalaki. Natakot siguro.

"Good." Sabi ko saka dahan-dahang itinabi. Kita ko yung higpit ng kapit nung isa akala niya siguro bibiglain ko ang pagbreak.

Bumaba ako total walang Zombie sa paligid.
Bumaba rin yung lalaki at siya ang pumalit sa pwesto ko.

Umupo ako sa likurang parte dahil occupied na nila yung sa unahan eh.

Nagsimulang umandar ang sasakyan. Sumandig ako sa upuan at pumikit. Ansakit ng ulo ko kanina pa. Nagugutom narin ako dahil mag aalas-dose na.

"Kailangan natin ng pagkain at gasulina." Bigla kong sabi kaya napalingun sila sa akin.

"Kumuha narin tayo ng gamit panlaban sa kanila. Aware naman siguro kayo sa nangyayari ano?" Dugtong ko pa.

"Tama siya, kailangan nating magplano. Nasa mall lahat ng kailangan natin. Sa mall tayo pupunta." Turan nung lalaking kasama ko kanina.

"Sa mall? Kung sa mall tayo pupunta diba mas maraming tao dun. Kung maraming tao, marami ring zombie." Sabat nung isang babae na tahimik.

Naisip ko narin yun kanina pero ang mall lang talaga ang may mga gamit na kakailanganin namin.

"Tama ka, pero kailangan natin mag risk kung hindi wala tayong mapatutunguhan." Paliwanag ko sa kanya.

"So final na ang mall?" Tanong nung driver.

Tumango sila.

Bumalik ako sa pagkakasandal ng may naramdaman akong tumabi sa akin.

Nilingon ko ito. Ahh siya yung babae kanina na medyo madaldal.

"Hai" nakangiting ani nito.
"Low." Tipid kong sagot.

A Zombie Apocalypse Story: THE SURVIVORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon