SURVIVORS 10

171 7 0
                                    


Hai sa inyo. Pasensiya sa paghihintay. Nagkaproblema lang konti kaya ganun.

***
SURVIVOR 10- THE HECK?

Nakarating kami sa aming distinasyon mga bandang tanghali.

Sa gitna ng kagubatan ay nakatayo ang isang luma at di kalakihang bahay.

Sa gitna ng kagubatan ay nakatayo ang isang luma at di kalakihang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang nagtanong o nagreklamo kung paano o kanino ang bahay nato. I guess, its abandoned. hmm.. house in the middle of the forest? creepy. 

Well, wala namang kaso sa akin yun.. Namangha hindi lang ako, lahat kami maliban kay lolo.

Kung titignan mo sa labas, maliit lang pero ibahin mo ang loob. Malawak at malaki kung titignan. Panahon pa ng hapon ang style nito dahil nakita ko ang underground ng bahay na ginagamit noon ng mga pilipino para pagtaguan.

Hindi ako makapaniwala na makakakita pa ako ng ganitong bahay sa panahon ngayon.
Kahoy ang dingding at mga haligi pero hindi pa inaanay. I wonder what kind of wood they used to build this house.

"Whose house is this?" Hindi na nakatiis na tanong ko.

Alam ko ganun rin ang mga nasaisip nila dahil halata mo sa mukha nila ang pagkamangha.

"Your grandmother." Rinig kong  sagot ni lolo.

Bigla akong napatingin sa kanya. Si Lola?
"How come I didn't know about this?"

"Matagal na mula ng makabalik ako rito  pero kung titignan mo, maayos pa naman siya. Hindi ko na binalak na ipaalam pa sayo ang lugar na ito dahil napagdesisyonan ko na na ibenta nalang ito pero dahil sa nangyari ngayon ay hindi ko na nagawa." Paliwanag nito.

Tumango nalang ako. Siguro nga'y maraming alaala ang naiwan rito  sila Lola.
"Mayroong tatlong kwarto sa taas at tatlo sa ibaba. Alam kong hindi tayo magkakasyang lahat pero ito'y pansamantala lamang." Dagdag pa ni lolo.

"Shaina apo, pwede ba kitang makausap sandali sa labas?" Tanong ni lolo.

Tumango ako kaya iniwan ko muna sandali ang mga gamit ko sa gilid.

Nauuna si lolo sa paglalakad. Nagtataka ako dahil papasok na ito sa gubat pero may tiwala ako kay lolo kaya imbis na magtanong ay tahimik lang akong sinundan siya.
Maya-maya ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig.

Isang maliit na talon ang bumungad sa amin. Ang ganda.

Huminto si lolo sa tapat nito. Ako ay nililibot ang tingin sa kabuuan ng lugar.

Masaya akong nakikita ko parin ang ganito kagandang tanawin kahit ang ang totoo'y unti-unti nang nasisira sa labas.

I wish it's all just a dream. The zombie, the dead people, our country...

A Zombie Apocalypse Story: THE SURVIVORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon