SURVIVORS 7

142 9 1
                                    

SURVIVORS 7: Fight for their freedom

Maaga palang ay nakahanda na ako para sa gaganaping laban mamaya.
Hindi ko maiwasang kabahan. Malakas si Fang. Doble ang lakas nito sa akin. Pero kailangan kong  subukan. Kailangan. Hindi ko maiwasang maalala  ang kababuyang ginawa nila kay Faye. Nagsinungaling siya sa amin. Hindi niya tinupad ang kasunduan.

I hate my self, I believed him that he's gonna let go of Faye.
I want to kill him now.
I want him to suffer.
I want him dead.
I want him in hell.

Hindi ko siya mapapatawad.
Magbabayad siya.
Papatayin ko siya and no one can stop me.

Leslie's POV

Nakakatakot siya. Nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang kagustuhang pumatay.
Kahapon, I was shocked when she has that kind of personality. So cold. At sa ilang araw na nakasama ko siya, Hindi ko alam na may ganun siyang tinatagong pag- uugali.

The black angel , the guy are talking. I already heard it from my gangster brother. Yes I have a gangster brother and I don't know kung saang sulok na ng mundo yun. Baka nga zombie na rin yun eh. Hayy naku, malaki na siya. I heard from him na ang black angel na iyun ay sobrang brutal at marami na ang napatay sa mga laban nito tuwing battle round. Pero nabalitaan daw na bigla nalang itong nawala kasama ang pagka wash-out ng isang Gang na kinabibilangan nito. Grabe, bumaha daw talaga ng dugo. Walang may alam kung bakit niya ginawa yun sa sarili niyang gang.

At ngayon lang nag-sink in sa akin na ito na pala iyun. The girl that we've been with in days and the black angel that was famous for being brutally killer is the  same.

And now, nakikita ko ngayon ang sa kwento ko lang narinig na tao na may demonyong katangian.

Nakakatakot siya promise. Maski ako ay nanginginig while guards are dragging us out of that cell. Tinalian pa nila kami at si Shaina lang ang hindi dahil hindi nila ito malapitan  dahil sa nakakatakot na aura ang nakapalibot dito. Nauuna na itong naglakad palabas at nakasunod lang kami at mga gangster.

Nakarating kami sa isang malawak na kwarto. Wala itong mga gamit kahit isa. As in empty talaga.

Nakita namin na andami palang tao dun at puro mga gangster. Naglakad kami papalapit sa kanila. Syempre nauuna si Shaina. At balewala ang mga nakapaligid  na mga tauhan nung Fang.

Nang magkatapat sila nung lalaki, kita kong kalmado lang itong nakatingin sa lalaki pero alam kong hindi ang niloloob nito.

Biglang nag-atrasan ang mga lalaking nasa loob ng silid.
Gumilid sila malayo sa kinaroroonan ng dalawang magkatunggali. Hinila naman kami ng mga gangster palayo kung saan nakapwesto ang iba.

So, this is it?

A fight for our freedom.

Third Person's POV

Naka gilid lahat ng mga taong saksi sa magaganap na laban. They know that its not just an ordinary fight, it's between life and death. Alam rin nila, especially ng mga gangster na magiging madugo ang labanan nito dahil narin sa malakas ang dalawa at nasaksihan nila ang mga ito kung paano pumatay sa iba't ibang paraan.

Sa kabilang banda. Lumitaw ang isang mahabang lamesa sa pagitan ng dalawang magkatunggali. Naglalaman ito ng iba't ibang klase ng patalim.

Hindi parin naaalis ang masamang tingin ni Shaina kay Fang, samantala ang isa ay nakangisi dahil ramdam niya ang galit na nagmumula sa kaharap. He loves playing people in his hands and Shaina is his best player.
Hindi niya ine-expect na sa ganito nilang pagkakataon itutuloy ang unfinished business nila. Nagkalat ang nagdagsaang mga patay na taong kumakain ng laman tao sa labas ng gusaling iyun at hindi  iyun ligtas sa mga taong naroon. Ano mang oras ay makakapasok na ang mga ito sa nasabing gusali. Isang malaking bakal na pinto ang nagsisilbing harang upang makapasok roon pero kung patuloy iyong kakalampagin ng sa labas ay bibigay ito at mamamatay sila roong lahat.

A Zombie Apocalypse Story: THE SURVIVORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon