SURVIVORS 4:The Safe placeSteph's POV
Sa Kamalas-malasan nga naman, ay mali-- hindi naman pala ganun kamalas pero naubusan lang naman po kami ng gasulina bago pa kami makarating sa gasoline station. Grabe! Hindi man lang nakisama ang van na to. Yun na e, malapit na, tanaw ko na nga ang Petron.
"Oh sinong kukuha ng gasulina?" Tanong ni jeff sa amin.
Nagkatinginan kaming apat at sabay na lumingon sa dalawang natutulog.
I sigh. Sobra naman kami kung sila pa ang pakukuhanin namin. Halatang napagod sila sa mga dala nila.
" Kami nalang ni CJ ang kukuha. Kawawa naman yung dalawang, mukhang napagod." Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa dalawang mahimbing ang tulog.
"Bakit ako? Nandamay ka pa." Angal nung bakulaw sa tabi ko.
Sarap niyang kutusan.
"May reklamo ka? Kung meron simulan mo na maglakad. Yun na nga lang magagawa natin eh." Sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan ko ng mga mata.
Rereklamo pa eh. Sipain ko to eh.
"Kunin niyo nalang yung galoon na nakuha namin kanina sa likod. Dahan lang baka magising sila Bossing." Sabi ni Jeff sa amin.
Bumaba na ako, sumunod naman yung isang bakulaw.
Kinuha niya yung dalawang di kalakihang galoon. At nauna ng maglakad.
Hinabol ko ito."Hoy, hintay! letche kang lalaki ka bakit ka ba nang-iiwan? Ganyan naman kayo eh, pagpakatapos paasahin, iiwan lang." Hugot ko. Kasabay ko na siyang maglakad at dahil nga mahahaba ang mga biyas niya. Lakad takbo na ang ginagawa ko, masabayan lang siya.
Takot ko lang maiiwan at makagat ng zombie.
"Anong trip mo at humuhugot ka Jan?" Kunot noo niyang tanong.
Anak ng tokneneng, ang sungit.
"Eh anong nakain mo at ang sungit mo?" Balik kong tanong.
Di niya ko pinansin at nagpatuloy lang siyang naglakad.
Sunod-sunod lang ako hanggang makarating kami sa gasoline station na wala man lang imikan.Nakakapagtaka, bakit wala kaming nakikitang mga zombie sa mga nadaanan namin?
Hindi sa gusto ko silang makita ha? Nakakapagtaka lang kasi.Nagsimula ng magsalin ng gasulina si Cj. Di naman ganun kalakihan ang dalawang galoon. Yung kaya naming mabuhat lang.
Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan lang ako sandali. Tumango lang ito kaya umalis na ako. Hinanda ko ang hawak kong baril.
The truth is. May chechekin lang ako sa shop ng gasolinahan.Pagpasok ko sa shop. Hindi na ako nabigla na sobrang gulo ng buong lugar.
Lalabas na sana ako dahil wala naman talaga akong pakay doon at ewan ko ba , bakit pumasok pa ako e lalabas din naman, pero hindi natuloy iyon na makarinig ako ng iyak at mga daing at ungol.
Hala! Baka may nirerape na!
Tangna! Ayoko pa naman sa mga taong rapist. Makakapatay talaga ako.Sinundan ko ito kahit na alam kong mapanganib.
Nakarating ako sa dulong bahagi ng shop, malapit sa refrigerator na malaki.Kitang kita ko ang isang tumpok ng mga zombie na pinagpyepyestahan ang isang babae. Kung hindi ako nagkakamali. Siya yung narinig ko kani-kanina lang na umiiyak. Ngayon ay wasak na ang tiyan nito at naliligo sa sarili ng mga dugo.

BINABASA MO ANG
A Zombie Apocalypse Story: THE SURVIVORS
AléatoireWill they survived? A phenomenon that the world are facing: A kind of disease that spread all over the world. Living organism, especially human being are the most affected by this said ,Virus. Will people survive? Or it will be the real end of...