"That's good, para naman magkakasama na ulit tayo ni airon."
"Kelan mo balak mag transfer?" Pagtatanong ni airon.
"Maybe tomorrow!"
"Ayos pre! Buong buo na talaga ulet tayo."
Mahaba haba na rin yung oras na pag iinuman namin, paubos na tong pang tatlong bottles hindi parin kami tinatamaan ni kean, samantala tong si airon hahah parang nalantay na, na gulay.
"Mahina parin talagang uminom to si airon, walang pagbabago."
"Oo nga pre! Pano ba yan, baka hinahanap na ni tita aireen si airon, ihahatid ko pa sya sa bahay nila, mauna na kami pre, thank you sa pag invite dito sa bar mo, see you tomorrow."
"Okay, ingat kayo!"
Hinatid kami ni kean, sa labas ng bar nila, agad na ipinasok ko na si airon sa loob ng kotse niya, at ako na ang mag ddrive. Pagdating namin sa tapat nga bahay nila. Agad na nagsuka si airon, buti nalang nasa labas na sya.
"Hahah! Inom pa. Nag pakain ka nanaman ng itik." Pagbibiro ko pa.
"Hoy! Anong tinatawa tawa mo diyan." Mukhang naasar nanaman siya . Hahah.
"Wala, sabi ko malakas kang uminom :D Tara na nga at ipapasok na kita." Agad ko na siya inalalayan at ipinasok sa bahay nila at agad na pinagbuksan kami nung kapatid niya ng pinto. Mukhang inantay talaga niya kuya niya na makauwe.
"San kayo galing, ba't lasing na lasing si kuya!?" Aba, nagagalit nanaman tong babae na to, nakaita lang siguro tong gwapo kong mukha hahah. Hindi ko nalang siya pinansin, inihatid ko na kaagad si airon sa kwarto niya.
"Oh, yung susi ng kotse ng kuya mo, pabigay nalang." agad naman na nasalo niya,kung hindi baka tumama sa mukha niya, sayang!
"Bakit mo binabato, pwede mo naman iabot diba.!!" Hala, galit nanamn yata.
"Pano pala kung hindi ko nasalo! Eh di tumama sa mukha ko!" Pasigaw niyang sagot.
"Kahit naman tumama yan sa mukha mo, wala naman magbabago. Panget parin." Sabay lakad ko palabas.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Wag ka na babalik dito! Ang panget mo rin.!" Rinig na rinig ko parin yung sinabi niya kahit na nakalabas na ako ng bahay nila.. makauwe na nga lang.
****
Andie's POV
Bwesit! Kahit kailan talaga ang bad ng lalaki na yun. Ako? Panget? Nahiya naman ako sa mukha niya! Siya lang yung lalaking nakapagsabi saken ng panget bukod sa kuya ko! And I think na B.I siya sa kuya ko, at iniuwe pang laseng, buti nalang tulog na si mommy kung hindi lagot ka talaga kuya, may pasok pa naman bukas. Pasaway ka talaga kuya! Waaa ^_^
------
Hindi pa nag aalarm yung cellphone ko, nagising na agad ako. Mabuti nalang kahit puyat ako sa pag aantay sa kuya ko, eh nagising parin ako ng maaga.
After ko maligo at magbihis at mag ayos, bumaba na ako sa kwarto ko. Kinuha ko na lahat ng gamit ko tapos bumaba na ako para kumain, at saktong nandyan na rin si shy.
"Baby, hindi niyo ba hihintayin kuya mo? Para makasabay na kayo."
"Hindi na po mommy, okay lang po, tulog pa yata si kuya eh."
"Mauna na po kami tita." Pagpapaalam ni shy kay mommy.
"Sige shy, ingat kayo."
Pagdating natin ni shy sa school, dumiretyo na agad kami sa room, wala pa naman gaanong tao, masyado yata kami napaaga ni shy mabuti pa magbasa nalang muna, kinuha ko yung dala kong libro sa bag at nagbasa.
YOU ARE READING
Accidentally Inlove
Fiksi RemajaNasaktan kana sa umpisa. Ang hirap matanggap diba? Lalo na kung minahal mo siya? And comes a day na masasabi mong naka' Move on kana. One day you meet a guy, a two guy. And you Accidentally in love. Are you in love Again?
