"Kanina palaka, ngayon kalabaw?" kung mamalasin ka nga naman, siya na naman nakita ko. "At anong ginagawa mo dito!? di ba may class na tayo sa math?!" tiningnan ko yung relo ko, hala late na ko ng 30 mins. Lagot ako neto, mag kaka detention ako.
"Ha? wala nag cr lang." Inis pa din ako sa kanya. Tumakbo ako papalayo, kaso narinig ko siyang nagsalita.
"Ano bang meron dito sa music hall? dito ka galing eh." bumalik agad ako, pinigilan ko siya.
"WALA!!! wag mong buksan may teacher dyan!"
Hindi niya pwedeng makita si kean sa loob, malalaman niyang si kean yung pinuntahan ko dun at worse case scenario baka sabihin pa netong xhel na to na galing ako sa loob tapos malalaman ni kean. Iisipin nila na stalker ako ni kean tapos iiwasan niya ako kasi iisipin niya na creepy stalker ako, hindi ko na makikita yung ngiti niya saken palagi. Wah! hindi pwede! hindi pa nga niya ko lubos na nakikilala tapos lalayuan na niya ko? Wala na! at kung sa baboy yun, double dead. Huhuhu! OA ko na masyado tama na nga.
"Bakit parang pinagpapawisan ka?"
"Ha? eh mainit kasi! halika na nga! pasok na tayo!" hinila ko siya papalayk sa tapat ng music hall kahit na labag sa loob, ewww! mamaya isipin na naman niya may gusto ako sa kanya sa ginagawa ko ngayon. Ayoko lang naman na malaman nila na crush ko si kean kasi for sure aasarin nila ko lalo na si kuya!
"Hoy panget na manang! bitawan mo nga ako! sinong nag bigay sayo ng karapatan na hawakan ako?" psh! akala nmo gusto ko 'to? diring diri na nga ako eh. "Umamin ka na kasing gusto mo ako! baka payagan pa kita." No thanks, buti kung ikaw si Kean. Naalala ko si Kean? Late na rin siya, excuse kaya siya? Binitawan ko si Xhel, sakto nasa room na kami.
"Xhel! Andie! You're 40 minutes late!" galit na galit si sir samin. Kinabahan ako, ngayon pa lang ako na late sa klase ko buong buhay ko. Grade conscious kaya never akong absent or late.
"Sir sorry po. Kasi po--"
"Sir, sorry po na late ako nahuli ko pa kasi tong si Andie na mag ditch ng class niya kaya hinabol ko tapos hinila ko pa punta dito." ANO? saan naman niya nakuha yan?
"Hindi yan totoo! Nag sisinungaling siya sir!"
"I'm disappointed at you Andie. Thank you Xhel for telling me what happen." weh? naniwala siya kay Xhel? imbis na sakin? hindi nga? Wah! anong nangyayari?! huhuhu. "Eto detention slip, ako na magsasabi sa parents mo about this, now go Andie."
"Sir! paano si Xhel?! late din siya! tska hindi--"
"Andie! maling idamay mo pa si Xhel dito, kung hindi dahil sakanya, hindi ko malalaman na mag ditch ka ng class. Ngayon pumunta ka na oh isa pang detention?" pumasok siya sa loob.
"Behlat!" tapos kumindat siya!AHHHH! badtrip ka talaga Xhel! Tiningnan ko lang siya ng masam, pero tawa lang siya ng tawa. Nang asar pa, potek talaga.
Padabog akong pumunta sa detention room. Nakakainis naman! Huhuh! Buiset yung Xhel na yun! napaka weird talaga! ang sama ng ugali, ako pa binaliktad. Ang galing niyang gumawa ng kwento ah? Dapat mag padala siya ng sulat kay ate charo eh. At yung tangang teacher ko naman mas naniwala pa sa mokong na yun! pambihira. Ano ba tong sinasabi ko? pati teacher na tanga ko na, ang bad ko na din ba? ganun ba kalakas virus ni Xhe na pati ako nahahawa na sa kasamaan ng ugali niya?
Pag pasok ko dun, usual student, isang natutulog sa class, isang nag ditch, at isang nanuntok ng another student. Never in my dreams na nakita ko yung sarili ko dito, napakabait ko kaya. Gumugulo lanh buhay ko dahil sa TATLO na yun eh. Lalo na dun sa Xhel na yun! Hari talaga siya ng ka weirduhan.
YOU ARE READING
Accidentally Inlove
Teen FictionNasaktan kana sa umpisa. Ang hirap matanggap diba? Lalo na kung minahal mo siya? And comes a day na masasabi mong naka' Move on kana. One day you meet a guy, a two guy. And you Accidentally in love. Are you in love Again?
