Andie's POV
Today is Sunday, at ngayon ay kaarawan ko. And yes, wala naman bago, lagi akong kumukontra kay mommy at kuya Airon everytime na mag su'suggest sila na i'celebrate namin ang kaarawan ko. Tss...si kuya Airon lang naman kasi ang mahilig sa mga ganyan.
Tumingen ako sa orasan na nasa right side ko. Exactly 6:am na pala. Naligo ako at nagsuot ng pang jogging dahil sunday ngayon. Usapan kase namin ni Kean na mag jojogging kami every Sunday. ^_^
.Si Kuya, Shy, Mommy at aling Marta lang naman ang may alam ng birthday ko. At I know na alam nilang ayaw ko mag celebrate, konting salo salo lang na kasama sila ay masaya na ako. Yun nga wala si Shy ngaung birthday ko :( Agad naman akong nalungkot. Dati 12am palang may message na siya saken ng napakahaba, ngayon wala na. Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan? Huhuhuhuhu.
Bumaba na ako para magbreakfast, baka kase dumating na si Kean, palagi pa naman maaga yon. Sakto naman na naghahanda na si Aling Marta ng pagkain, at kasama naman nito si mommy na seryuso sa pag a'arrange ng mga plates.^_^
"Oh... Gising na pala ang birthday gift namin." Nakangiting salubong naman saken ni mommy. "Dalaga kana talaga baby." Sabay yakap niya saken, ang sweet talaga ng mommy ko. "I love you baby." sabay lagay niya ng bread at tocino sa plate ko.
"Thank you mommy. I love you more." Nakangiting tugon ko naman.
"Happy birthday Andie." Bati naman sakin ni Aling Marta.
"Salamat po Aling Marta." Tugon ko naman, na agad kong natanaw si kuya Airon na pababa narin at ngiting ngiti na nakatingen sakin. Tss. Sama ng mukha (+_+)
"Good morning sa gwapo kong anak hihihihi." Bati ni mommy kay kuya na nakaupo na sa harapan ko.
"Thank you mommy. Kanino pa ba magmamana?" Tss. Napakayabang talaga. "Eh di kay daddy hahahaha." Lakas ng radar.
"Of course honey, gwapo talaga ang daddy mo." Aniyang kinikilig si mommy. "At kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya siya dahil napalaki ko kayo ng maayos ni baby." Agad naman na napatingen saken si kuya. Ngingisi ngisi.
"You!" Sabay turo naman sakin ni kuya. "Happy birthday manang hahahaha." Anong nakakatawa? Tsk. "Oo na, maganda kana ngayon. Hahahaha" buiset! "Ngayon lang ha. Bukas hindi na hahahaha." Dagdag niya pa. Makakabawe rin ako sayo hintayin mo lang, sinamaan ko siya ng tingen.😒 Kung wala lang si mommy, tatamaan talaga saken tong siraulo kong kapatid! "I love you manang hahahaha." Ano? Maglalambing lang required pa talaga ang mang asar?
"Tss... I love you mo mukha mo!" Tatayo na sana ng may biglang ipasok si Aling Marta, naagaw ang atensyon namin nila mommy at kuya sa isang malaking nakabalot na halos kasing laki ko lang na nilagyan pa ng red ribbon sa gitna.
"Wow. Ang aga naman ng regalo ng baby namin." Animong nanunukso pang si mommy. Tss. "May malaking hand written pa ng pangalan ng baby namin. Yieeeeeh" dagdag pa ni mommy na may halong pang aasar.
"May nagdeliver dito, umalis din kaagad eh, para daw kay Andie." Pagpapaliwanag naman ni aling marta.
"Ehem!!!"papansin nanaman tong si kuya. "Wow! Sana all may nagreregalo ng ganyan kalaki hahahaha!" Halata naman ang pang iinsulto niya! Eh di huminge ka kay Shy! Tsk. Kahit kailan talaga loko loko to!.
"At sino naman ang mabait at gentleman na magreregalo nito?" Pagdiriing sabi ni mommy. -_- hays diba pwedeng babae ang nagbigay? May pagkaparehas talaga sila ni kuya Tsk..
YOU ARE READING
Accidentally Inlove
Teen FictionNasaktan kana sa umpisa. Ang hirap matanggap diba? Lalo na kung minahal mo siya? And comes a day na masasabi mong naka' Move on kana. One day you meet a guy, a two guy. And you Accidentally in love. Are you in love Again?