Airon's POVPalihim kong sinilip si Andie sa kanyang kwarto, at pahimbing na natutulog naman ito. Napangiti ako "Sana maging masaya ka sa araw na ito." agad ko rin naman na isinara ang pinto at dali daling bumaba.. naupo ako sa sofa. Dito ko na lamang hihintayin sila Xhel. Paparating naman na rin ang mga yon.
Napatingen ako sa relo na suot ko at alas 8:50am pa lamang ng umaga. Alam kong hapon na magigising si Andie dahil ganyan naman ang gawain niyan tuwing linggo.Alam ni mommy ang plano naming magkakaibigan ngayong araw ng kaarawan ng nag iisa kong kapatid, alam na din niya na umuwe ng pinas si Shy para lang sa kaarawan na ito ni Andie. Kahit na madalas o malakas kong bulihin ang kapatid ko... I always loved her, pinangako ko kay daddy na ako ang mag aalaga at mag babantay sakanilang dalawa ni mommy.
Itago man ni Andie ang sakit na nararamdaman niya ngayon, ramdam ko dahil kilalang kilala ko na ang ugali ng kapatid ko. Hindi ko mapapatawad ang ginawang pananakit ng lalaki na yon sa kapatid ko. Wag lang sanang mag krus ang landas natin dahil di ko mapipigilan ang sarili ko.
"Oh Airon? Nasan ang kapatid mo? Nakauwe na ba?" si mommy na kadadating lang at naupo sa tabi ko.
"Yes mommy. Natutulog na po ang maganda niyong anak." Kahit na madalas kong syang asarin ng manang eh di ko maikakailang napakaganda ng kapatid ko. Kaya di na ako magtataka kung sakaling magka gusto yung dalawang mukong sakanya. Hahahaha.
Lalo na si Xhel....
Kahit di nila masabi na gusto nila ang kapatid ko, alam ko at ramdam ko dahil bata palang magkakaibigan na kami. Oo naaalangan ako, dahil kaibigan ko sila, at natatakot din ako para sa kapatid ko na baka maulit lang din lahat ng nakaraan niya. Di ko na hahayaang mangyare yon!
"Oh good." excited na tugon ni mommy. "Nasaan na pala ang mga kaibigan mo? At gusto ko rin makilala ang bagong kaibigan ng anak ko hihihi." Si shira ang tinutukoy niya na subrang bait rin kagaya ni Shy. Pero mas maganda parin ang Shy ko hahahahaha
"On the way na sila mommy."
"Okay Okay, tatawagan ko na yung mag cacathering, para mai'ayos na ang venue sa pool... Yieeeeh excited na ako para sa baby ko hihihi." Bakas naman sa mukha ni mommy ang saya para sa kapatid ko hahahaha mabuti nalang at naisip namin ni shy ito. The best ka talaga Shy <3 "Thank you for doing this Airon." Maluhang luhang sambit ni mommy. "Thankful ako kasi binigyan ako ng anak na katulad niyo ni Andie." Dagdag pa niya na naiiyak parin sa tuwa. "I hope na maging okay na ang kapatid mo." biglang nalungkot ang reaksyon ni mommy.
Alam kong alam din ni mommy ang pinagdadaanan ng kapatid ko, dahil di naman ganyan dati si Andie.. hindi ganyan ang ugali niya at alam kong napansin yon ni mommy simula ng mabalitaan namin na iniwan siya ng lalaki na yon.
"Everything's gonna be okay mom." Ngumiti ako kay mommy, dahilan para ngumiti rin siya. "I promised." Walang sino man ang pwedeng manakit sa kapatid ko.
"Sana nga, di ko kayang makita na nagkakaganyan ang kapatid mo." kung bakit kase kailangan pa niyang gawin to kay Andie! Bakit ikaw pa! Bakit ikaw pang kapatid ng kaibigan ko Mikey Chua!!!
Xhel's POV
Kakadating ko lang sa bahay nila Airon, nang mapatigil ako sa naririnig ko kaya di ako tuluyang pumasok sa loob. Naririnig ko lahat ng pinag uusapan ni Airon at tita Aireen tungkol kay Andie. At isa lang ang tumatak sa isipan ko sa binitawan ni Airon na salita. "At hindi ko po hahayaang mangyare ulit yon kay Andie mommy." bakas ang galit sa mukha ni airon ng sabihin niya yon. Ngayon ko lang nakita si airon na ganyan ka'seryuso.
YOU ARE READING
Accidentally Inlove
Novela JuvenilNasaktan kana sa umpisa. Ang hirap matanggap diba? Lalo na kung minahal mo siya? And comes a day na masasabi mong naka' Move on kana. One day you meet a guy, a two guy. And you Accidentally in love. Are you in love Again?