Chapter 10: Pervert

904 27 1
                                    


Maaga akong pumasok sa school, usapan kasi namin ni shy na sa school nalang kami magkikita, "Asan kana ba bf, malapit na magstart yung klase natin, wala kapa." Wala yata ng balak na pumasok yung bestfriend ko, pero may usapan kami eh.. ay ano ba yan -_-

Nagsimula na ang klase namin, pero wala parin si shy, wala rin siyang text.
"Wag mo na hintayin si pinsan, hindi yata papasok yun, nakita kong maagang umalis kasama si tita." Nakangiting sabi ni kean.

"Ah ganun ba. Sige, thank you ah!" Cute naman pala tong si kean, lalo na't palagi nalang siyang naka smile, parang walang problema sa buhay.


After class..

Sumandal ako sa may puno, yun oh! Parang nakahanap yata ako ng mas peaceful life, ang sarap dito tahimik...

"AHA!"

"Ay palaka ka!" Nakakagulat naman muntik na ko atakihin sa puso ah.

"Ako mukhang palaka? Sa GWAPO ko na to?!" aba ang yabang ah! Pag ka tingen ko, hindi na ako nag taka kung bakit ang hangin niya. Wala talagang kasing yabang neto si Xhel.

"Hahah ikaw gwapo? Pagkalat mo!" Nakakainit siya ng ulo.

"Pagkakalat ko pa ba? Eh alam naman ng lahat na napaka gwapo ko." ay sorry siya kasi ako hindi ko alam eh. "Sabi ko na nga ba may gusto ka sakin." gusto ko siya?! At saang lupalop naman niya nakuha yung idea na yun?

"Excuse me?" tinaasan ko siya ng kilay, wala na akong paki alam kung isa siya sa TATLO, eh kaming dalawa lang naman dito eh at isa pa sinisimulan na naman niya akong asarin, hindi ako magpapatalo. "Wala akong gusto sayo."

"Patay malisya kapang panget na manang ka. Kaya nga andito ka sa tambayan ko di ba?" ngumisi siya sakin. "Stalker kita nuh?!"

"Stalker mo ko? HAHA! Ayos ka din naman mag joke ah." tinarayan ko siya. "Malay ko bang tambayan mo to! Kung alam ko lang hindi na ko pumunta dito." nakakainit siya ng ulo, napapasigaw pa ako dito. Kelan pa ba ako nakipag away maliban sa kuya ko! to think na ang inaaway ko ngayon ay si xhel. Si XHEL CHUA, ang pinakamayabang at bad boy na kilala ko sa montereal na to, wala akong paki, I don't care. nakakainit naman kasi talaga siya ng ulo.

"Alam mo kung gusto mo ko sabihin mo lang hindi yung gumagawa ka pa ng kung ano anong storya,tapus susundan mo pa ako dito? Kung gusto mong halikan kita." lumapit siya sa mukha ko, tinulak ko siya papalayo. Kahit na ang laki laki niyang tao,pinilit ko siyang ilayo sakin.

Pervert!

Tumayo ako. "Bastos!"

"Ako bastos? Haha! If I know baka gusto mo pang may mangyari satin?!" sinampal ko siya. JERK! ano tingen niya sakin? B*tch! Wag niya akong igaya sa mga babaing patay na patay sa kanya. May mangyayari samin? Ew yuck! Ano ba kasing pag iisip meron siya?

"Ang kapal namam ng mukha mo para sampalin yung napaka ganda kong mukha!" bagay lang sayo yan!

"Hindi lahat ng babae, makukuha mk! XHEL CHUA!"

Natigilan siya sa sinabi ko. Bago pa siya makapag react, umalis na ako.

Serves you right B*tch!

Hay nako naman. Parang naging maldita na yata ako? may pagka war freak na yata ako. Para akong sinasapian kapag kaharap ko yung xhel na yun. Sino ba naman kasing hindi maaasar sa kayabangan at ka preskohan niya?! akala niya lahat ng tao makukuha niya. Well, sad to say, hindi ako yun. Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaki na yun! NEVER!

Pabalik na ko ng room, math nanaman, classmate ko nga pala yung xhel na yun! AHHH! Badtrip naman oh, maiisip ko pa lang yung nilalang na yun, nababadtrip na ako. AKO may gusto sa kanya? at stalker niya? hiyang hiya naman yung dictionary sa kapal ng mukha niya. Kahit naman ganito itsura ko may karapatan pa din akong pumili ng gugustuhin ko. Eh sa ayaw ko talaga sa kanya kahit na gwapo pa siya. Gwapo nga masama naman ugali, wala rin.

Nasa hallway na ko papunta sa room kaso nadaanan ko yung music hall. Narinig kong may nag guguitara. Sino kaya yun? Tingin ko maaga pa naman para sa next subject ko eh, kaya manonood muna ako kung sino yun. Sarap pakinggan eh.

NGANGA..

Si kean!

Walang tao maliban sa kanya, yung ilaw nakapatay at sa stage lang ang meron. Buti nalang pag pasok ko hindi niya ako napansin nagtago ako dun sa gilid, yung hindi niya ko makikita. Shete!! Ang gwapo pala talaga niya, tapos ang galing pa niya mag guitara. Nung nagpasabog ba ng ka gwapuhan at talent si Lord, gising na gising siya? Ako kasi tulog eh.

Huminto siya, hala baka nakita niya ako?

Nakahinga naman ako nung tumugtog ulit siya.

PHOTOGRAPH ni edsheeran.

"Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know

When it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive

Prechorus:

We keep this love in a photograph

We make this memories for ourselves

Where our eyes are never closing

Our hearts were never broken

And times forever frozen still

Chorus:

So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans

Holding me closer till our eyes meet

You won't never be alone

Wait for me to come home"

Deads na yata puso ko, wag naman sana di pa ko handa lord, tulo laway pa ko sa handa ng boses niya. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta, astig pala tong pinsan ni bf. Parang nagkaka crush na ako sa kanya, wala na sakin kung isa siya sa TATLO, para sakin naman hindi siya bad boy, tiak crush lang naman eh. Humahanga lang po.

Tahimik akong lumabas ng music hall. Hay nako! Buti nalang hindi niya ako nakita kung hindi lagot ako. Mas matatawag ko pang stalker yung sarili ko sa nangyari kanina at hinding hindi dun sa xhel na yun.

"Huy!"

"Ay kalabaw!" ano ba yan? lagi na lang may nang gugulat sakin.

Accidentally InloveWhere stories live. Discover now