"HINDI n'yo puwedeng gawin 'yon, sir! Makikita sa records ko na nagagawa ko nang maayos ang obligasyon ko bilang estudyante. I am even running for honors, tapos hindi ako ga-graduate? Imposible po 'yun."
"Then 'yong honors na inaasahan mo ang aalisin ko," sarkastikong tugon ng principal.
"Do it, sir! And I swear, I will bring this matter to the Department of Education. I know my rights as a student, sir at kahit principal kayo, hindi ako papayag na tapakan n'yo ang karapatan ko bilang estudyante," matapang na pahayag ni Maymay. "Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako."
Tumalikod si Maymay at tinungo ang pinto para lumabas. Saktong pagbukas niya ng pinto ay siyang pagpasok naman ni Edward at muntik pa nga silang magkabungguan.
"Ops! I'm sorry!" paghingi ng dispensa ni Edward.
Tuloy-tuloy lang na lumabas ng pinto si Maymay. Hinanap nito si Kisses.
"Ate May!" tawag ni Kisses sa kaibigan.
"Halika ka, Kisses. Umuwi na tayo." Diretso sa paglalakad si Maymay kaya walang nagawa si Kisses kundi ang sumunod.
"Anong nangyari?" Napansin agad ni Kisses ang tila pagbabago ng mood ng kaibigan.
"Saka ko na lang ikukuwento sa'yo. May konting problema lang," tanging nasabi ni Maymay.
"Sige, ikaw ang bahala. You can contact me anytime kung gusto mo ng makakausap."
Pagdating sa labas ng gate ay naghiwalay na ang dalawa. Walang sundo si Kisses ngayon kaya sumakay na lang ito ng jeep. Si Maymay naman ay nag-tricycle na lang pauwi sa bahay nila.
Sa principal's office ay seryosong nag-uusap sina Edward at Mr. Domingo.
"That's precisely the problem, Edward. The reputation of the school is in big trouble because of the editorial in the latest issue of The SG Chronicles. We need to do some damage control here. Otherwise, baka sa susunod na enrolment period ay wala nang mga bagong estudyanteng mag-enrol sa paaralang ito. Do you understand me, Edward? You are the student council president and I want you to do something about this issue," mahabang paliwanag ng principal.
"Okay, sir. I'll try to do everything to settle this issue."
"Don't try to do it! Just do it. And I want a positive outcome. Did I make myself clear?"
Tumango si Edward. "Yes, sir."
***
"MALUNGKOT KA..."Nilingon ni Maymay ang nagsalita. Ang mama Lorna niya.
"May problema ba, anak?" halata sa boses ng ina ang concern nito kay Maymay.
"Wala po, mama. Napagod lang po siguro ako sa school. Sobrang busy kasi namin sa dami ng activities, sunod-sunod." Hindi na sinabi ni Maymay ang totoong dahilan. Ayaw niyang bigyn ng alalahanin ang kanyang ina lalo na at ilang araw na lang ay babalik na ito sa Japan. Matagal na namang mawawala ang mama niya at gusto niyang lagi itong masaya habang narito pa ito at kasama nila ng kapatid niya.
"Magpahinga ka muna. Hindi mo naman kailangang pagurin ng husto ang sarili mo. Habang 'di pa ako umaalis, gusto kong pagsilbihan kayo ng kuya mo. Kasi minsan ko na lang 'yun nagagawa sa inyo. Gusto ko kayong alagaan. Gusto ko kayong masubaybayan sa mga ginagawa n'yo. Kaso, hindi talaga puwede dahil kailangn ko ring magtrabaho para maitaguyod ang pag-aaral n'yo ng kuya mo."
Niyakap ni Maymay ang inang nag-uumpisa nang lumuha. "Ma, naiintindihan naman namin ni kuya ang sitwasyon natin. Para sa amin, ikaw ang the best mama in the world. Walang makakapantay sa pagmamahal at sakripisyo mo para sa amin. Mahal na mahal kita, 'ma! Kaya 'wag ka nang umiyak kasi dapat masaya tayo."
"Salamat, anak."
***
Tahimik at nag-iisa sa student council office si Edward. Kanina pa niya paulit-ulit na binabasa ang editorial na sinulat ni Maymay at wala siyang nakikitang mali rito na sapat para ikagalit ng principal. Madiplomasya ang pagkakasulat ni Maymay. Wala rin itong binanggit na pangalan ng kung sino mang sangkot na mga guro. Nagbigay pa nga ng suhestiyon ang dalaga kung paano mas mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa kanilang paaralan. Pero bakit ganoon na lang kaapektado si Mr. Domingo? Para pa nga itong leon na gustong mangagat kaninang nag-uusap silang dalawa. At si Maymay, malamang ay napagalitan ito kanina rin ng principal kaya hindi man lang siya binati nito at nagmamadali pang umalis.Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Edward. Kailangan niyang makausap si Maymay tungkol sa isyung naging dahilan ng pag-usok ng ilong ni Mr. Domingo. At sana ay makipagtulungan sa kanya ang dalaga para matapos na ang problema. Bukas na bukas din ay kakausapin niya si Maymay, pangako ni Edward sa sarili.
Ang pangako ni Edward na pakikipag-usap kay Maymay ay hindi natupad kinabukasan dahil hindi pumasok sa klase ang dalaga. Medyo nanlumo pa si Edward nang malaman nito mula sa mga kaklase ni Maymay na absent nga ito. Maging si Kisses ay walang masabi kung bakit nag-absent si Maymay dahil hindi nito sinasagot ang tawag at text messages ng kaibigan.
Nagpasya si Edward na kausapin na lang si Maymay sa sandaling pumasok na ulit ito ng paaralan.
Si Maymay ay kasalukuyang nasa mall kasama ang kanyang ina at kuya. Manonood sila ng sine. Katatapos lang nilang kumain at ngayon nga ay papunta na sila sa sinehan. Mabuti na lang at nakabili na sila ng tiket kanina bago sila nagpasyang kumain muna habang hinihintay ang next screening ng pelikula.
Ngayon lang napansin ni Maymay ang mga miscall mula kay Kisses. Pati mga text messages nito ay ngayon lang niya nabasa. Isa sa mga mensahe ang umagaw sa kanyang atensyon.
Kisses: Ba't 'di ka pumasok? Nagpunta rito kanina sa room si Edward, hinahanap ka. Pero hindi naman sinabi kung bakit.
Napabuntong-hininga si Maymay. Parang alam na niya kung bakit siya hinahanap ni Edward. Marahil ay dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Domingo. Hindi nga ba't kahapon ay nakasalubong niya ito nang papalabas na siya ng opisina ng principal?
Sinagot ni Maymay ang text message ni Kisses.
Maymay: Sinamahan ko si mama sa mall. Sinusulit ko lang ang oras kasi malapit na siyang bumalik ng Japan. May sasabihin ako sa'yo bukas pagpasok ko. Mag-usap tayo.
Mabilis ang pagdating ng reply ni Kisses.
Kisses: Afternoon pa ako makakapasok. Bukas na 'yung game nina Christian. Pagkatapos na game, pupunta kaagad ako sa school.
Oo nga pala, naisip ni Maymay. Nawala sa isip niya na muse ng basketball team si Kisses at bukas na ang game.
Maymay: Ok, see you tomorrow!
Ang buong maghapon ay inubos ni Maymay sa pagsasaya kasama ang pinakamamahal na ina at kapatid. Ang problema ay pansamantala niyang itinabi. May bukas pa naman. Bukas na lang niya haharapin ang mga problema.
BINABASA MO ANG
Could Be Love
FanfictionSi Edward ang president ng Student Council. Effective na leader, sinusunod at iginagalang siya ng mga estudyante sa St. Gabriel Academy. Matagal na niyang crush si Maymay pero natotorpe siya sa harap nito. Si Maymay ang editor-in-chief ng school o...