"O, hindi pa ba tapos ang article mo? We're running out of time. Kailangan ready na ang paper by next week kaya dapat tapos na tayo sa lahat ng articles na ilalabas natin." Mahinahon naman ang pagsasalita ni Maymay pero kabisado na siya ng kanyang staff. The moment na mag-follow up na siya ng articles at pumunta na ito sa desk ng kanyang staff, it means that they really need to work fast. As in really fast! Sa mahigit dalawang taon nitong pagiging editor-in-chief ng The SG Chronicles, ni minsan ay hindi ito pumalya sa deadline ng monthly issue ng pahayagan ng mga estudyante sa St. Gabriel Academy. Lagi nitong pinaaalalahanan ang kanyang staff sa kahalagahan ng kanilang trabaho bilang mga estudyanteng mamamahayag.
"Give me thirty minutes, Maymay. I'm just proofreading the article," sagot ni Aizan. Freshman pa lang ito pero agad na sumali sa The SG Chronicles para mahasa sa kursong gusto nitong kunin sa kolehiyo.
"Okay, sige. Just be sure that it will be ready in thirty minutes. Babasahin ko pa 'yan." Naglakad na si Maymay pabalik sa kanyang desk.
Hindi pa siya natatagalan sa pagkakaupo nang may kumatok sa pinto at pagkatapos ay pumasok ang isang mestisong binata na kilalang-kilala sa campus. Siya si Edward, ang president ng student council.
"Good morning," bati ni Edward sa mga taong inabutan niya sa silid.
"Anything that I can do for you?" maagap na tanong ni Maymay.
"I went here to ask if you could possibly include an advertisement or a sort of reminder to the students for the coming foundation day that would be two weeks from now," diretsong pagsasalita ni Edward in his usual British accent. Half-pinoy, half-British ang binata at bagama't lumaki ito sa Germany ay napanatili nito ang British accent dahil sa tatay nitong Briton. Dalawang taon pa lang mula nang lumipat dito sa Pilipinas ang pamilya ni Edward at dito na nga sa St. Gabriel Academy nito ipinagpatuloy ang pag-aaral.
Nakatingin lang si Maymay habang nagsasalita si Edward. Napakaamo ng mukha ng binata. Ang mata nito ay malamlam pero tila ba nakangiti kung pagmamasdan. Ang matangos nitong ilong ay bumagay sa manipis at mapupulang mga labi na tila ba ang sarap-sarap halikan.
Napansin ni Edward ang pagkakatitig sa kanya ni Maymay at bigla ay nakaramdam siya ng pagkailang. Bigla ring parang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at tila gusto na niyang magpaalam sa dalaga.
Hindi ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito. Bakit ba kapag kaharap niya si Maymay ay tila nalulunok niya ang kanyang dila at halos ayaw na niyang magsalita? Kanina naman ay okay siya. Na-conscious lang ba siya sa isiping tinititigan siya ng dalaga? Pero hindi pa ba siya sanay na pinagmamasdan ng mga kababaihan sa campus? Halos lahat ay kilala siya at bumabati sa kanya dahil siya lang naman ang presidente ng student council. Anong meron kay Maymay at nahihiya siya rito? Hindi naman siya ganito sa ibang mga babae. Nakakatawa dahil siya pang lumaki sa ibang bansa ang tila natotorpe sa harap ng isang dalaga. Napaka-unusual naman yata ng ganoon.
Napansin ni Edward na ngumiti si Maymay at pagkatapos ay nagsalita. "No problem. Sige, Mr. President, ilalagay namin sa next issue ng Chronicles ang request mo."
"Thank you. I'll go ahead." At bago pa nakasagot si Maymay ay nakatalikod na si Edward at naglakad papalabas ng silid.
"Hey!" Narinig ni Edward at napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang kaklaseng si Donny na tumatakbo papalapit sa kanya. Naka-basketball uniform lang ang binata at halatang galing ito sa gym at katatapos lang magpraktis.
"Are you going home now?" tanong ni Edward sa kaklase.
"Yeah, but I'll be back. We still have classes, right?"
"Akala ko hindi ka na naman a-attend ng klase. The usual privilege you varsity players have."
Ngumiti lang si Donny. "Hindi naman. Pumapasok rin naman kami like all other students do. Remember, we are scholars and we need to maintain the required grades to be able to retain our scholarship," depensa pa ng binata. "Ikaw, binisita mo naman ang crush mo?"
"What are you saying? I just went to the editorial office for a school-related activity that I want to be added in the next issue of the Chronicles."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang makita si Maymay!"
"Ssshhh... Stop it! They might hear you." Nagpalinga-linga pa si Edward para masigurong walang ibang nakarinig sa sinabi ni Donny. Hindi naman siya galit. Ang totoo'y kinikilig pa nga siya sa tuwing may nagbibiro sa kanya patungkol kay Maymay.
O, paano? Dito na ako. Uuwi lang ako saglit. Malapit lang naman dito ang bahay namin. See you later, bro!"
Tinanguan ni Edward ang kaklase. "Okay!"
Binilisan na ni Edward ang paglalakad patungo sa student council office. Vacant period pa naman kaya dun na lang muna siya maglalagi.
Maraming tao sa office pagdating doon ni Edward. Karamihan ay mga babae.
"Edward, sila 'yung applicants for Ms. St. Gabriel Academy 2016 na gaganapin sa foundation day," maagap na pagbabalita ni Fenech ang student council secretary.
"Okay, give them the application form and the list of requirements."
"As you wish." Agad na ginawa ni Fenech ang utos ni Edward.
Isang babae ang tumawag ng atensyon ni Edward. Ang campus beauty na si Kisses. At sa pagkakaalam niya, best friend ito ni Maymay.
Oh my God! Maymay na naman! Bakit ba hindi na mawala sa isip niya si Maymay?
Napansin yata ni Kisses na nakatingin sa kanya si Edward kaya nginitian niya ito.
Nabigla si Edward sa biglang pagngiti sa kanya ng dalaga. Hindi niya in-expect na mahuhuli siya nitong nakatingin dito.
Asiwa man ay awtomatikong gumanti ng ngiti si Edward. Pero biglang naglakad si Kisses papalapit sa kanya. Hawak nito ang application form na binigay ni Fenech.
"Hi!" bati ni Kisses kay Edward. "Can I just return this application form tomorrow? I'll submit this together with the other requirements."
"Sure, it's okay." Matamis ang ngiti ng binata habang nagsasalita.
"Oh, thank you. Tapos na kasi ang klase ko eh at hinihintay na ako ng daddy ko sa labas."
"You may bring the form with you. No worries."
"I'll go ahead then. Bye!" At lumabas na si Kisses sa opisina ng student council.
Author's note: Abangan nyo ang kasunod na kabanata. Thanks.

BINABASA MO ANG
Could Be Love
FanfictionSi Edward ang president ng Student Council. Effective na leader, sinusunod at iginagalang siya ng mga estudyante sa St. Gabriel Academy. Matagal na niyang crush si Maymay pero natotorpe siya sa harap nito. Si Maymay ang editor-in-chief ng school o...