Chapter 3

1.1K 77 9
                                    

"MAYMAY! Halika na rito!"

At saka pa lang tila naalimpungatan si Maymay mula sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang pagtawag ng ina. Agad niyang pinunasan ang luhang umagos sa pisngi at pagkatapos ay pilit na ngumiti upang lumarawan sa mukha niya ang saya. "Andyan na po, 'ma!' Agad na nagtungo sa kusina ang dalaga.

Inabutan niyang nakahanda na ang mesa. Ilang putahe rin ang niluto ng kanyang ina para mapagsaluhan nilang tatlo. Ang kuya niya ay abala naman sa pagtitimpla ng pineapple juice. "Ma, andami naman niyan eh tatatlo lang tayo."

"Hayaan mo na. Para makapagbigay din tayo sa kapitbahay," malumanay na sagot ng ina ni Maymay. "Umupo ka na, para makakain na tayo."

"O, heto na ang juice. Masarap 'yan," masayang sabi ng kapatid niya.

"Niloloko mo naman kami, kuya. Eh, kahit naman sino ang magtimpla niyan masarap pa rin dahil dadagdagan mo lang naman ng tubig at asukal 'yung pineapple juice sa lata, okay na," natatawang sabi ng dalaga.

"Mas masarap 'yan dahil ako ang nagtimpla. Tinimpla ko 'yan nang may halong pagmamahal." Tumingin ito sa ina bago muling nagsalita, "I love you, 'ma. Happy birthday."

Nangilid ang luha sa mga mata ng ina ni Maymay.

"O, walang iyakan. Kakain pa tayo!" Malakas ang boses ni Maymay para mawala ang namumuong lungkot sa paligid.

Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang mga pagkaing nakahanda sa mesa.
***
NASA BAHAY na rin si Edward nang mga oras na 'yun. It was a tiring day. Being able to do both school works and extra curricular activities is no joke. But he is enjoying his responsibility as the student council president. Hindi naman siya nagrereklamo. Una, siya naman ang may gustong tumakbo para sa posisyong iyon. At sino ba ang numero uno niyang nakalaban kundi si Maymay. Si Maymay na sobrang active rin sa school. Gusto na sana niyang mag-backout sa kandidatura niya noon. Ayaw niya kasing makalaban si Maymay. Tiwala siya na malaki rin ang magagawa nito para sa ikabubuti ng mga mag-aaral sa St. Gabriel Academy. Pero ang buong third year community ang nagpumilit sa kanya na huwag iatras ang kandidatura niya. Kaya sa huli ay itinuloy niya ang pagtakbo hanggang sa palarin siyang manalo bilang pangulo ng student council.

Mas lalo tuloy siyang nahiya kay Maymay. Crush niya ito noon pa, pero dahil fourth year na ito at siya ay third year pa lang, minabuti niyang itago na lang muna ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. At ngayong tinalo pa niya ito sa student election, tila mas lalong nagkaroon ng hadlang para iparamdam niya ritong espesyal sa kanya ang dalaga.

Nakatulugan na ni Edward ang pag-iisip kay Maymay.

RIIINNNGGG!!!

Napabalikwas ng bangon si Edward pagkarinig niya sa tunog ng alarm clock. Alas-sais na ng umaga. Kailangan na niyang kumilos at maghanda papasok sa eskuwela upang hindi siya ma-late sa klase niyang mag-uumpisa ng alas-otso.

Eksakto lang ang dating niya sa klase. Pagpasok niya sa loob ng classroom ay saka naman dumating ang teacher nila sa World Literature na si Mrs. Gonzales.

"Good morning, class!" bati ng guro. Umupo ito sa kanyang upuan habang ang dalang bag ay ipinatong nito sa ibabaw ng mesa.

"Good morning, Mrs. Gonzales!" sabayang sagot ng mga estudyante.

"Okay, I asked all of you to read Iliad by Homer so I am expecting that all of you can discuss that beautiful story to the class." Iginala ng guro ang tingin sa buong klase, pagkatapos ay nagsalita. "Keep all your books. I don't want to see any book on your desk."

Agad na ibinalik ng mga estudyante sa kani-kaniyang bag ang mga aklat.

Muling nagsalita ang guro. "Okay, Kristine share to us the story."

Could Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon