Chapter 2

1.1K 75 13
                                    

BUMALIK si Edward sa desk niya pagkalabas ni Kisses sa student council office.

Maya-maya pa ay nagsialisan na rin ang ibang mga aplikante para sa Ms. St. Gabriel Academy 2016. Mukhang magiging successful ang foundation day nila this year just like last year. Two-day celebration iyon at marami silang pinaplanong activities. Lahat ng estudyante ay may kani-kaniyang partisipasyon sa pagdiriwang. Freshmen students will be in-charge sa jail booth. Mag-a-assign sila ng tao na nasa dedication booth na mag-announce ng mga estudyanteng dapat hulihin para ikulong sa jail booth. Makakalabas lamang ang mga nahuling estudyante kung may ibang estudyante na magpipiyansa sa kanila. Sa sophomore students naman nakatoka ang food and souvenir booth. Lahat ng nasa campus ay makakabili roon ng mga special St. Gabriel Academy souvenir items at packed lunch and snacks na inihanda ng mga second year students. Junior students naman ang bahala sa dedication booth. Buong maghapon ay magpapatugtog sila ng mga awiting ni-request ng kahit sinong estudyante. May bayad siyempre ang bawat song request. Fund raising activity rin kasi ng student council ang mga ganitong uri ng pagdiriwang. At bakit naman hindi? Eh, gagastos rin naman ang student council para maging matagumpay ang selebrasyon ng pagkakatatag ng kanilang eskuwelahan. Sa senior students naman ang marriage booth. Sa mismong araw ng foundation day ay magtatalaga sila ng mga lugar sa loob ng campus na tatawagin nilang "secret prohibited sites". Ang sino mang mahuling dumaan o tumambay sa prohibited sites ay huhulihin at dadalhin sa marriage booth upang ikasal o ipakasal sa kung sino mang pipiliin niyang pakasalan. Kung hindi siya pipili, ipapakasal siya sa iba pang nahuling dumaan sa prohibited sites. Maliban sa mga mahuhuli sa prohibited sites, puwede rin namang mag-request ang kahit sinong estudyante na maikasal siya sa marriage booth. Kailangan lang niyang bayaran ang marriage fee at pagkatapos ay isasagawa na ang seremonya ng kasal. Kung wala pang partner ang nag-request ng kasal, maaari niyang sabihin kung sino ang gusto niyang pakasalan at huhulihin ito ng mga fourth year students para maipakasal sa estudyanteng nag-request. Lahat ng ito ay puro katuwaan lang naman at gagawin para sa ikasisiya ng mga mag-aaral sa St. Gabriel Academy. Handa na rin ang inarkila nilang ferris wheel at iba't-ibang carnival attraction. At ito ngang search for Ms. St. Gabriel Academy ang highlight ng pagdiriwang. Marami pa silang naiisip na idadagdag sa kanilang activities para mas maging masaya ang kanilang foundation day.

Nag-ring ang bell tanda na mag-umpisa na ang next class.

Tumayo si Edward at nagpaalam kay Fenech. "I have a class now. For any immediate concern, just inform me. I'll be in room 56."

"Okay, no problem. Ako na muna ang bahala rito, Edward. Darating naman si Rita so, may makakasama ako rito," nakangiting sagot ni Fenech.

"I'll go ahead." Umalis na si Edward para pumunta sa classroom.
***
SI MAYMAY ay abala pa rin sa pag-eedit ng mga articles. Tatlong artikulo pa ang nakalatag sa table niya. Hopefully, matapos niya lahat 'yun bago mag-alas singko ng hapon. Hindi siya puwedeng mag-extend sa school hanggang gabi dahil birthday ng mama niya. Sabi nito sa kanya kanina, umuwi siya nang maaga dahil magluluto ito ng konting mapagsasaluhan nilang tatlo ng kuya niya. Hindi niya dapat palampasin ang mga ganitong pagkakataon. Bihira lang 'yung pagkakataong katulad nito na nandito sa Pilipinas ang mama niya at dito pa nag-birthday. Tiyempo lang kasi na nakabakasyon ang mama niya sa trabaho nito bilang OFW sa Japan.

Saglit na huminto si Maymay sa kanyang ginagawa. "Aizan..."

"Bakit, ate Maymay?"

"Until what time ka rito?

"4pm. May klase ako ng 4-5 eh, last class."

"Ah, gano'n ba?" Binalingan ni Maymay ang iba pang nasa editorial room. "Guys, sino sa inyo ang puwedeng mag-stay kahit hanggang six lang para i-finalize ang layout ng paper natin? Para ready for printing na bukas early in the morning."

"Ako na lang, ate Maymay." Si Kristine ang sumagot. Third year student ito at kaklase ni Edward.

"Teka, ba't andito ka pa? Hindi ba may klase ka pa?" tanong ni Maymay.

"Nagsabi na ako kay Mrs. Pineda na 'di ako aattend ng klase today kasi nga naghahabol tayo ng deadline ng school paper. Siyempre pinayagan niya ako kasi siya ang tumatayong editorial adviser natin. Wala naman kaming quiz today so okay lang. Manghihiram na lang ako ng notes kay Edward," mahabang sabi ni Kristine.

"Sige, salamat ha? Hindi kasi ako puwedeng mag-extend today. Birthday ng mama ko. Ayoko namang dumating sa bahay na tulog na siya."

"Okay lang, ate Maymay. Don't worry. Pagdating mo bukas dito sa school, ready for printing na ang paper. Hindi tayo sasabit sa deadline. Siguradong by Monday, pwede na natin i-release ang October issue ng Chronicles."
***
MASAYA si Maymay habang papauwi. Bitbit niya ang isang chocolate cake na binili niya sa isang bakeshop na malapit sa kanilang school. Mabuti na lang at nagkasya ang perang naipon niya mula sa kanyang baon sa araw-araw. Pinagsikapan talaga niyang maibili man lang ng birthday cake ang kanyang mahal na ina. May binili rin siyang regalo para rito.

Pagdating ni Maymay sa bahay ay nadatnan niya sa salas ang kanyang ina at kuya.

"O, nandiyan ka na pala, Maymay. Tamang-tama ang dating mo, katatapos ko lang magluto," magiliw na salubong nito sa anak.

"Happy birthday, mama!" masayang bati ni Maymay sa kanyang ina. Niyakap niya ito sabay abot ang isang nakabalot na regalo.

"Ano ito, anak? Nag-abala ka pa talaga."

"Siyempre naman, mama. Para sa'yo 'yan. Pati itong cake, para sa'yo lahat."

Natawa ang mama ni Maymay. "Hindi ko naman mauubos lahat 'yan."

"Basta mama, gusto ko kumain ka ng marami."

"O, siya sige na. Magbihis ka na at sumunod ka na rito at maghahain na ako. Mamaya ko na lang bubuksan itong regalo mo." Binitbit nito ang cake at nagtungo na sa kusina para ihanda ang kakainin nila.

Tinanaw pa ni Maymay ang ina at kapatid habang patungo ang dalawa sa kusina. Sa isip niya, napakasuwerte nilang magkapatid. Kahit lumaki silang walang kinikilalang ama, ginampanang mabuti ng mama niya hindi lang ang pagiging ina kundi pati ang pagiging ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Itinaguyod sila nito at iginapang na mapag-aral. Matagal na itong nagtatrabaho sa Japan, mahigit sampung taon na rin.

Maliit pa siya nang iwanan sila ng kanyang ama. Hanggang ngayon, hindi pa niya ito nakikita. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ama pero nasabi niya sa sarili na kung mabibigyan siya ng pagkakataong makita ito, itatanong niya rito kung bakit sila iniwan. Gusto niyang malaman kung bakit nagawa nitong abandonahin ang kanyang pamilya. Siguro naman, bilang anak ay may karapatan siyang malaman ang rason ng kanyang ama. Para na rin sa ikatatahimik ng kalooban niya. Dahil sa totoo lang, awang-awa na siya sa pagsasakripisyo ng mama niya.

Hindi na namalayan ni Maymay na umagos na ang luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi na namalayan ni Maymay na umagos na ang luha mula sa kanyang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Could Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon