NAPANSIN ni Edward na tahimik lang sa isang sulok ng classroom si Donny. Nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. "Bro, what happened? You seem so sad."
Umiling lang ang binata. "W-wala..."
"That's impossible. I have never seen you that sad and quiet," argumento ni Edward. Tell me, maybe I can help."
Huminga ng malalim si Donny bago ito nagsalita. "Do you think I'm capable of betraying my team?"
Ngumiti si Edward. "I know you. You can't do that. You value your basketball team so much. Why? Is there a problem?"
"Nakausap ko si coach. Pinagbibintangan nila ako na ibinenta ko raw ang laro. That the accident yesterday at the gym was just a sham."
"What?" Hindi makapaniwalang sabi ni Edward.
"They will be conducting an investigation. I need to prove to them na hindi ko ibinenta ang laro kahapon. God knows na hindi ko 'yun ginawa at hindi ko gagawin kahit kelan," nanginig ang boses ni Donny kasabay ang pagpatak ng kanyang luha. "Edukasyon ko ang nakataya rito. Hindi ako makakapag-aral dito kung hindi dahil sa scholarship, kaya walang dahilan para gumawa ako ng mga bagay na pwedeng maging dahilan ng pagkawala ng scholarship ko."
"How can I help you?" sinserong tanong ni Edward.
"Hindi ko alam. But I'll prove to them na wala akong masamang ginawa."
"If there's anything I can do, don't hesitate to tell me." Hinawakan ni Edward sa balikat ang kaibigan at kaklase.
"Salamat..."
"Excuse me... Edward."
Sabay na napalingon sa pintuan ang dalawang lalaki
"Maymay..." Si Edward. "Bakit?"
"Puwede ko bang makausap kayong dalawa ni Donny?"
"Sure!" mabilis na sagot ni Edward na agad pang lumapit kay Maymay. Si Donny naman ay tumayo at lumapit din sa dalaga.
"Tungkol saan?" tanong ni Donny.
"Aware ka naman siguro na kumakalat na balita tungkol sa pagkatalo ng basketball team kahapon. Gusto kong kunin ang panig mo tungkol doon, para fair din naman sa'yo. At si Edward naman, kukunin ko rin ang panig ng student council sa usaping iyon. Kelan ko ba kayo puwedeng makausap? Hindi sabay, ha? Puwedeng bukas or kung kelan kayo available."
"Let's do it tomorrow, Friday. We will be very busy on Monday because it's Foundation Day so let's finish all issues tomorrow para we'll all have fun next week," maagap na sagot ni Edward.
"Donny, okay lang ba sa'yo?" tanong ni Maymay.
"Alam n'yo na pala. I thought hindi pa kalat sa campus."
"Hindi pa naman kalat. May nakarinig lang na staff ko na nag-uusap ang mga ka-team mo sa gym, kasama ang coach n'yo. Mukhang kumbinsido sila na may ginawa kang hokus-pokus. Kaya gusto naming kunin naman ang side mo para malaman ng lahat ang two sides of the story. We will also be talking to Coach Jerome."
Tumango si Donny, "Okay..."
"So, I'll see you guys tomorrow before lunch time. Would that be all right?" tanong ni Maymay.
"Yeah, before lunch time tomorrow." Si Edward.
"Okay," pagsang-ayon din ni Donny.
"Mauuna na ako. Bye!" Umalis na si Maymay at naiwan ang dalawang lalaki. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig ang pagtawag ni Edward.
"Maymay!"
Napalingon ang dalaga na ang mga mata ay tila nagtatanong kung bakit.
"Nothing. I just wanna say take care." tila nahihiyang sambit ni Edward.

BINABASA MO ANG
Could Be Love
FanfictionSi Edward ang president ng Student Council. Effective na leader, sinusunod at iginagalang siya ng mga estudyante sa St. Gabriel Academy. Matagal na niyang crush si Maymay pero natotorpe siya sa harap nito. Si Maymay ang editor-in-chief ng school o...