Chapter 7

669 57 7
                                        

KINABUKASAN ay pumasok na rin si Donny. Naka-benda ang kanyang kanang kamay na sinemento kahapon lang.

"What happened to you?" tanong ni Edward na itinuro ang nakabendang kamay ng kaklase.

"Accident sa basketball kahapon. Hindi na nga ako nakapaglaro dahil isinugod na ako sa ospital."

"Ah, that explains why your team lost in the game."

Nanlaki ang mga mata ni Donny. "What? Natalo kami?"

"You didn't know?"

Umiling si Donny kasabay ang panlulumong rumehistro sa kanyang mukha. "Lamang kami bago ako naaksidente."

Hindi na sumagot si Edward.

NANG MATAPOS ang klase ay hinanap ni Donny si Coach Jerome.

"Coach..."

"Donny! I'm glad you're here. Actually, ipatatawag nga dapat kita anytime today. Good thing na ikaw na ang nagboluntaryong pumunta rito."

Tila naguluhan si Donny. "Ipatatawag po? Bakit, coach?"

"Are you aware that we lost in the game yesterday?" tanong ng coach.

Marahang tumango si Donny. "Nabanggit nga po sa akin ni Edward kanina."

"And do you know who to blame for that misfortune?"

Napakunot-noo siya. May pinupunto ba ang coach niya? "Anong ibig mong sabihin, coach?"

"Right after the game, there was a spreading rumor na sinadya mong ipatalo ang laro. Na intentional ang pagkaka-aksidente mo. Siguro hindi mo lang ine-expect na magiging ganun kalala, pero everything was done according to what you have planned. Nakipagsabwatan ka sa kalabang team para sila ang manalo."

"What? No, coach that is impossible!"

"Iyan ang kumakalat na balita. Ayoko ring maniwala, pero may nakakita sa'yo na kausap ang coach ng kalabang team few minutes bago mag-umpisa ang laro."

Hindi makapaniwala si Donny na magkakaroon ng ganoong implikasyon ang pagkakatalo nila. "Coach, hindi ko magagawa 'yun. Hindi ko puwedeng ipatalo ang team natin. Alam mong hindi ko ilalagay sa alanganing sitwasyon ang scholarship ko."

"The school will be conducting an investigation. Kapag napatunayang nakipagsabwatan ka nga sa kalabang team, hindi lang scholarship ang mawawala sa'yo. Baka ma-expel ka pa rito sa eskuwelahan," seryosong pahayag ni Coach Jerome.

"Coach, sasaktan ko ba ang sarili ko ng ganito para lang maipatalo ang team? Nakita mo naman, bago ako maaksidente lamang tayo sa kalaban," pangangatwiran ni Donny.

"Exactly! Lamang tayo sa kalaban kaya nagkunwari kang naaksidente para 'di ka na makapaglaro. Hindi nga naman mahahalata na ipinatalo mo ang team because you harmed yourself."

Napailing-iling si Donny. "Hindi... Naniniwala ka ba, coach na magagawa ko 'yun? I will never do such an act. Hindi ako traydor. Bakit ko ipapatalo ang team? Anong mapapala ko kung makikipagsabwatan ako sa kalabang team? Coach naman..."

"Basta ihanda mo na lang ang sarili mo. The investigation committee will summon you one of these days to answer questions relative to this incident. Sana nga, Donny ay wala kang ginawang pagtatraydor sa ating eskuwelahan," seryosong pahayag ng coach.

"Wala talaga, coach. Malinis ang konsensya ko."

"You have to prove that. Sorry, Donny pero kailangang linisin mo ang pangalan mo. And by the way, while the investigation is still ongoing hindi ka puwedeng um-attend ng praktis natin. Temporarily suspended ka sa team hanggang sa matapos ang imbestigasyon." Tumayo si coach at muling nagsalita, "Mag-uumpisa na ang klase ko. So, kung wala ka nang sasabihin mauuna na ako."

Marahang tumango si Donny. "Sige, coach. Salamat..."

Naiwan siyang hindi alam kung anong gagawin. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magalit. Pero kanino? Sino ang pagbubuntunan niya ng sobrang sama ng loob na nararamdaman niya ngayon? At sino ang taong gustong sumira sa kanya dito sa eskuwelahan? Nakita raw siyang kausap ang coach ng kalaban. Eh, 'di sana nakita rin nito kung paano siya kinuwelyuhan nung tanggihan niya ang gustong mangyari ng coach ng kalaban.

Sino ang makakatulong sa kanya para linisin ang kanyang pangalan?
***
HINDI INAASAHAN ni Maymay ang pagpunta ni Edwards sa editorial room. Mag-isa lang siya roon at papaalis na rin sana nang dumating ang presidente ng student council.

"Good morning, Maymay. Can I talk to you for a while?"

"Sure. Please take a seat. This is regarding what matter?"

Umupo si Edward bago sumagot, "This is about the issue discussed to you by the principal the other day."

Bahagyang tumaas ang kilay ng dalaga. "What about that? Ano ang gusto mong malaman?"

"The principal asked me to convince you to retract whatever is stated in your editorial. And for you to ask for an apology for writing that," mahinahong saad ni Edward.

"So, you really believe that I'll do that? Walang mali sa sinulat ko. Wala akong pinangalanang tao. And you expect me to say sorry?" Ang itsura ni Maymay ay 'yung tipong hindi magpapatalo. "Tuta ka na ba ng principal, Edward?"

"No, of course not! But the principal has told you what he can do if you did not retract your editorial. Iniiwasan ko lang na mas gumulo pa ang sitwasyon. Ayoko rin naman na mag-suffer ang scholastic standing mo dahil lang doon."

"I'm not bothered by his threats, really." Buo ang loob ni Maymay na panindigan kung ano man ang isinulat niya sa school organ.

"Maybe you can talk again with the principal. Why don't you meet halfway? Para hindi na 'to lumala pa."

"Edward, I'm sorry pero wala akong babaguhin sa isinulat ko. At wala rin akong gagawing public apology.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Edward.

"Let me ask you a question," biglang sabi ni Maymay. "Naniniwala ka ba na may mali sa isinulat ko?"

Umiling si Edward.

"Kitam! Eh, ba't mo ako kinakausap para sundin ang utos ng principal?"

"Ako 'yung naiipit sa inyong dalawa. Naiintindihan ko 'yung ipinaglalaban mo. Pero on the other hand, tungkulin ko as president of the student council na magkaroon ng maayos sa relationship ang faculty, school officials at mga estudyante. Much more, magkaroon ng peace and order sa campus. How can I do that if there is a conflict between you and the principal, or between you and the teachers involved in your exposé?" mahabang paliwanag ni Edward.

Katahimikan.

"Please, Maymay..."

"Sorry, hindi talaga puwede. Kredibilidad ko as a student writer ang nakataya rito. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa lahat ng mga estudyante rito kung babawiin ko ang mga isinulat ko? Ano ang iisipin nila sa akin? Na hindi ko kayang panindigan ang isinulat ko? Na nabahag ang buntot ko sa takot sa principal? Na nabayaran ako para bawiin ang katotohanang naisulat ko na? Edward, hindi ko isinulat 'yon dahil gusto ko lang. Isinulat ko 'yun mula sa mga reklamong natatanggap namin mula sa iba't-ibang mga estudyante na naka-encounter mismo ng mga gurong incompetent at pabaya sa kanilang trabaho. Kung babawiin ko 'yung isinulat ko, para ko na rin silang iniwan sa ere. Ganoon ba ang gusto mong mangyari?"

Hindi nakasagot si Edward. Naintindihan ba niya lahat ng sinabi ni Maymay? O kailangang i-translate sa English ang mga sinabi nito?

Nagpatuloy si Maymay. "Why don't you conduct an investigation and see for yourself kung sino ang dapat panigan ng student council sa isyung ito? Ako ba o ang principal?"

Author's note: Maraming salamat po sa patuloy n'yong suporta sa kuwentong ito. Sana, abangan n'yo po ang susunod na kabanata.

Could Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon