Aral, trabaho at trabaho ulit ang routine ng buhay ko bakit??dahil kung hindi ako magtatrabaho wala akong pangtustos sa pag-aaral ko kahit na nagtatrabaho ang nanay ko bilang isang kasambahay gusto ko pa ding magtrabaho para hindi na din siya mahirapan pa. Ako nga pala si Jastine Leisle Mangarin gaya nang sabi ko pag-aaral at pagtatrabaho lang ang nasa isip ko. Sa ngayon asa trabaho ako dito sa may Pizza and Chicken Best. Isa siyang pizza and chicken parlor na pwedeng kainan at pwede ding magdeliver anytime.
Jastine ideliver mo nga tho sa lugar na tho.. tawag saken ng manager ng store na yun
Yes sir.. agad kong kinuha yun at diniliver sa isang lugar di naman siya malayo malapi tlang naman kaya pwedeng lakadin. Isang shop na puro lalaki yung pupuntahan ko at pagdating ko dun ay binigay ko yung pagkain at sinabi yung babayaran nila.
Bali 750 pesos po lahat sir.. sabi ko dito
Wala bang discount tutal lagi naman kaming bumibili dito ee..600 na lang.. sabi naman ng umorder nung pizza.
Wala po kong oras para dyan bayaran niyo na lang po yung inorder niyo bago ako tumawag sa Store namin at ireklamo kayo.. pagsusungit ko dito.
Ang sungit naman neto.. pagkasabi niya nun ay binayaran na nila yung inorder nila.
Thank you and enjoy sir. Pagkatapos ay umalis na ko at nakarating din naman agad sa store naming. Dahil malapit na ma-end ang shift ko at kailangan ko ng pumunta sa pangalawa kong trabaho.
Oo tama kayo ng pagkakabasa pangalawang trabaho dahil di sapat ang trabaho kong ito sa gastusin kaya kailangan kong magkaroon ng dalawang trabaho kung pwede nga lang tatlo ee papatusin ko pa din.
Pagkadating ko sa Store namin nagserve muna ko at naglinis ng mga inalisan ng mga costumer at hinihintay na lang yung kapalit ko nung dumating na siya ay nagpalit na ko ng damit at nagpaalam sa manager namen. M-W-Sun lang naman ang pasok ko dito kaya nga nagawa ko pang maghanap ng isa pang trabaho ee.
Medyo maaga pa naman kaya naglakad na lang ako papunta dun sa pangalawa kong trabaho di naman ganun kalayo saka hobby ko na talaga ang paglalakad, nakakaenjoy at medyo nakakawala ng stress.
Pagkadating na pagkadatng ko ay nginitian ko ang manager ko tapos ay nagpalit ako agad ng uniform at pumwesto na sa counter ng Coffee Delite Shop. Gustong gusto ko dito dahil sa mahilig ako sa kape at gumawa ng kape para sa customer. Everyday naman ang pasok ko dito at gabi ang schedule ko kaya nakakapasok pa din ako dahil T-Th-F ang pasok ko sa school.
Isang Espresso nga miss beautiful.. sa pananalita pa lang kilala ko na kung sino yung umoorder walang iba kung di ang nakakainis at araw-araw na costumer namin! Yung bestfriend ko si Zach gaya ng sabi ko kanina always siyang andito sa coffee shop na tho at pag nalaman naman ni Yuuki yung girlfriend niya magseselos na naman yun pero ang cute ng babaeng yun magselos nakakatuwa lang.
Pakihintay na lang po sir.. sagot ko naman dito.
Pagkatapos ko iserve sa kanya ay nagusap muna kami mabait naman si manager kaya pwede ka makipagusap kahit sandal lang tsaka kilala na din naman niya si Zach ee at alam niya ding magkakilala kami.
Zach may alam ka pa bang mapapasukang trabaho?? Tanong ko dito.
Si wonderwoman ka ba? Aba ang dami mo na atang gusting pasukin na trabaho ha.. sagot naman niya
Kailangan kasi ee kung di ako kikilos walang mangyayare. nakayukong sabe ko nagiisip kasi ako ng mga oras na yun.
Ah..wala ee sagot naman niya.
*SMILE click*
Napatingin ako sa kanya ng marinig ko yung camera tone niya! Pinicturan na naman niya ko ng stolen! Di na ko nakaangal at bumalik na lang sa pwesto ko paniguradong ipopost na naman niya yun sa instagram niya! Instagram ang sikat na application ngayon at madami ding gumagamit nito. Kinuha ko agad yung phone ko para tignan yun. At ang caption sa picture ay:
'Wonderwoman FIGHTING! :)'
Magcocomment na sana ko kaso my naunang nagcomment.
TaniyamaYuuki: Jas FIGHTING! Even it makes me jealous because you're always together.
Si Yuuki pala, nagcomment din ako knowing Yuuki nagseselos talaga yun pero ang cute pa din niya haha
.
JLeighM: Hahaha sorry na agad @TaniyamaYuuki ang alien kasi ng boyfriend mong si @imZacharySettimZacharySett: haha ang cute mo talaga babe @TaniyamaYuuki wag mong pansinin yang si @JLeighM
Hinayaan ko nalang dahil pag nagcomment pa ko di na matatapos ang pagtatalo namin ni Zach. Maya-maya may kausap na si Zach for sure si Yuuki na yun at syempre lalambingin ni Zach para di na magselos pa hehe. Sa akin nga lagi nagseselos si Yuuki ee masyado kasi kaming close ni Zach, bestfriend nga kasi kami kaya ganun pero alam naman ni Yuuki na hanggang dun lang kami ni Zach.
Siguro sila yung couple na halimbawa ng number one soulmate na sinasabi ng iba. Yung unang beses palang silang magkita alam na nilang sila yung para sa isa't isa kaya yan di na nila pinakawalan yung isa't isa nakakatuwa nga sila ee.
Umalis din naman si Zach at ako hinintay lang na matapos ang shift ng trabaho at diretcho uwe na. Bukas uli ng gabi magsisimula ang same routine ng buhay ko sa Coffee Delite Shop dahil Tuesday naman at wala akong pasok sa Pizza and Chicken Best at may pasok din ako sa school bukas.
Kahit naman marami akong trabaho di ko pa din nakakalimutan ang pagaaral ko yun pa din ang priority ko pero kailangan ko pa din maghanap ng isa pang trabaho. Hay! maayos na nga lang thong Coffee Delite Shop ng makauwe at makapagaral na..
Aalis na po ko Manager. Salamat po! paalam ko kay Manager bago umalis.
Salamat din Jastine ingat ka jan.. sagot naman nito sakin.
Kayo din po. Pagkasabi ko nun ay naglakad na ko palayo dun sa Shop.
Byahe na naman ayoko pa naman ng matagalang biyahe kaya minsan naglalakad na lang ako ee tutal medyo malapit lang naman yung bahay namin dito sa Shop. Paguwe ko nakita ko agad si mama..
Hi nay! Kamusta po bakit gising pa po kayo gabi na ee.. tanong ko dito bago siya niyakap.
Hinihintay kasi kita anak. Kumain ka na ba? Oo nga pala anak naubos na yung nasahod ko sa pinagtatrabahuhan ko nagbayad kasi ako ng bahay at utang kaya wala akong maibibigay sa tuition mo. Malungkot naman na sabi sakin ni mama. Ngumiti ako sa kanya bago magsalita.
Kumain na po ko, ganun po ba? hayaan mo po nay gagawa ako ng paraan para jan sa ngayon po magpahinga na po muna kayo mukhang pagod na pagod na kayo ee.. sagot ko na lang dito at inalalayan siya papunta sa kwarto ng maliit naming bahay. Kahit maliit siya meron pa ding kwarto at ang upa namin ay 1,500 a month.
Lumabas muna ko sandali upang magpahangin at magisip. Nilabas ko ang phone ko at nagpost muna sa Instagram account ko na may picture ng night sky at may caption na:
'Is it still happening? Or I'm just dreaming?'
Yan ang tanong nanaiwan sa isip ko na patuloy ko pa ding hinahanapan ng sagot. Late night thoughts is really worst!
-----
First Chapter what do you think guys? Hahaha bagong story ko hope you will also read this.
Enjoy reading! ^_^
-summerlove61 ♥
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall [ON-HIATUS]
Teen FictionHis smile His eyes His voice His laugh His warmth His existence Her sweetest downfall Him...