Sign #3

78 8 0
                                    



Happines is doing good in terms of everything. Assume too much but dont assume like everything was going to be okay.

"Mag kape ka muna ng maging timplado naman 'yang mukha mo sa kaka ngiti. Nako nako!" Panunukso ni Kiko sa'kin.

"Hala grabe siya.." Sabay upo ko sa upuan ko.

"Oh tignan mo! May dala pang notebook ang hayop! Jusko wala na nalinlang na sa mga Signs na yan!"

"Syempre no, para naman magkatatotoo 'tong third sign ko. At naniniwala ako na mag kaka check din 'to." Malakas na loob na sabi ko sa kanila.

"Oh sige! Pabigyan ng ma-dissapoint!" Nguso ni Ali.

"Nako, itong si Ali ang bitter. Mas bitter pa sa ini-inom na kape." Panunuyo ni Kiko.

"Eh pano ba naman! Kayong mga lalaki kung kailan na f-fall na yung mga babae sa inyo tsaka kayo dun mawawala!" Taray nito kay Kiko.

"Eh siguro nga, eh ikaw naman kasi bigay ka agad ng bigay hindi mo inisiip yung mga pwedeng kahantungan no'n! Kaya ayan iniwan ka tuloy!" Ani Kiko.

"Correct, true!" Singit ko.

"Ay nako basta 'yang love love na 'yan? Ayoko na niyan. Palagi na lang nauudlot yung 'akin." Sabay walkout niya.

Nagtawanan naman kami ni Kiko. "Bitter lang pala!"

Nagpaalam na ako sa kanila para hanapin ang aking pangatlong i-interviewhin. Palagi na akong tambay dito sa Session Road ayoko ng mapalayo sa kung saan saan pa. Malapit lang naman din ito sa condo unit namin. Walking distance.

Nakahanap na ako ng isang interviewer. Alas kwatro na ng hapon. Hindi ko alam na ganon pala kahirap ang mag interview. Hindi ko alam kung bakit dito pa ang piniling lugar sa'kin ng professor namin. Hayop talaga.

"Hey, Ma'am what's your order po?" Sabi saakin ng counter dito sa may coffee shop.

Simula ng mapunta ako dito sa Baguio at pagkatapos kong mag hanap mg i-interviewhin ay palagi na akong nandito.

"May I have 2 pancakes then one chocolate frappe please."

"Okay Ma'am. Willing to wait po?" Aniya.

Ngumiti ako. "Sure."

"Okay po, Ma'am dito na lang po kayo sa may gilid." Balandra niya saakin sa isang side.

"Pinaghintay na nga. Isinantabi pa."

"Ay grabe po, Ma'am." Sabay tawa niya. "Sige po hanap na lang po kayo ng chair and table."

"Biro lang. Sige sige." Sabay alis ko doon.

Pagkaupo ko sa isang bakanteng gilid na medyo tago ay may isang lalaking tumawag saakin.

"Miss? Uhm, your wallet. Is this from you?" Aniya.

"Uh yes.." Tinitigan ko ang mukha niya. Siya yung lalaki kahapon! Siya yung naka kulay violet na damit! "Thankyou."

Ngumiti siya, "You're welcome. Be careful nextime. Ang galing mo humugot." Sabay nilapag niya sa table ko at agad namang tumalikod.

Wait! Ah--umiling ako. Baka nag kakamali lang ako. Siya ba 'yon? Siya ata talaga.

Agad kong tinignan ang wallet ko at nilagay iyon sa pocket ko. Binuksan ko ang notebook ko.

Third Sign: Siya ay ngingiti at may ibibigay.

'Lalaking ngingiti saakin at may ibibigay.'

Nanlaki ang mata ko. Yung lalaking yon kanina. May binigay siya. Nakangiti pa! So it means the third sign is perfect incident? Agad kong kinuha ang red ballpen ko. This one page is absolutely amazing! Sana mag tuloy tuloy.

Umuwi ako ng condo unit ko na tuwang tuwa. Palagi naman siguro. Kahit na pagod ako kakahanap sa mga taong i-interviewhin ko, araw araw naman na nagiging goodvibes ako pag nache-chek-an ko ang mga signs ko.

"Ali, Kiko!!" Sigaw ko.

"Oo, alam na namin, natupad nanaman 'yang pangatlong sign mo!!" Sabay sabay nilang sigaw.

Tumawa ako. "I love you guys!!"

The SignsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin