Sign #13

57 6 0
                                    


Every game has a challenge to be finished, you just need to motivate yourself to have a great accomplishment.

"Taray ng taho ah? Unkabogable! Wala pang nakakagawa niyan kahit sino."

Binatukan ko si Kiko, "Baliw! Ang effort kaya oh! Ang ganda."

"Nako, lahat naman kayang gawin 'yan. Tsaka haller! Hindi naman si TJ ang gumawa niyan si Manong mag tataho." Sabay halakhakan nila ni Kiko.

"Mga adik. Pero at least di ba? Napadama niya na kung gaano niya ko..."

"Gaano ka ano?" Mapang asar na tono nila.

"Wala!" Oo nga pala, walang kami.

Pinakita ko kasi sa kanila ang picture ng taho namin kanina. Ang ganda talaga. That was so priceless.

Kanina nga habang kumakain kami ng taho ngiti ako ng ngiti dahil sa kilig. Enebe nemen keshe. Hanggang sa nag kanda hulog hulog na yung ibang taho sa damit ko. Ayan kagagahan kasi.

Sila Ali at Kiko ay gustong gusto nang makita at mahagkan si TJ. Oo ganyan sila ka O.A. Ewan ko ba nga dito kay Kiko at bigla na lang bumigay ng makita si TJ.

Tinigan ko ang notebook ko. 3 signs left. Hindi ko inaakala na magiging ganto ang takbo ng laro ko. Wala pa kong na missed or hindi nagawang Signs. At kada isang araw lahat ay nag kaka totoo. Ngayon ko lang napag tanto.

Hindi kaya sakin talaga itong larong 'to? Baka sakin talaga itinadhana ang larong 'to. Baka nga si TJ na.

Lord, sa lahat lahat ng naranasan ko buhay ngayon ko lang ito naranasan. Ngayon ko lang naranasang magmahal, at kung mali 'man ito, ngayon ko lang din mararanasan ang masaktan.

Mula sa ka una unahang Signs at sino nga ba naman ang mag a-akala na tatlong Signs na lang at matutupad na ang matagal ko ng hinihiling?

Siguro nga yung iba hindi maniniwala. Kasi hindi naman sila nakakaranas at ayaw nilang paniwalaan ito. Pero ako? Itutuloy ko pa rin ito hanggang sa dulo.

Hinimas himas ko ang panghuling page kung nasaan ang 11 at 15 Signs.

Thirteenth Sign: May ipapahiram saakin na mahalagang bagay.

Iniisip ko pa ito simula kagabi, ano kayang ipapahiram niya saakin? Kung hindi naman mahalaga. At least may ibinigay oh may pinahiram.

"Aalis ka na?" Tanong nila Kiko kinabukasan ng dali dali akong umalis.

"Ah oo, anong oras na din kasi eh." Sabay tingin ko sa relos ko.

"Hindi ka muna kakain?" Ani Ali at nilapag ang bagong luto niyang bacon.

Ngumiwi ako, "Hindi na siguro baka doon na ako kakain."

"Oh eh sige, ano nga pala yung...7, 8, 9, 10, 11, 12..." Pabulong na bilang niya, "13th Sign mo?!"

Ngumiti ako, ang supportive talaga nito ni Kiko kahit kailan. Agad kong isinigaw iyon at agad ng pumunta sa aming destinasyon.

"Heyaaa!" May bumulantang sa harapan ko kaya agad akong napasigaw.

Lintek si TJ lang pala! Nandito pa kami sa Session Road sa may Coffee Shop. Rinig na rinig ko ang kalam ng sikmura ko kaya't napag desisyunan naming dito na lang din kami kumain ng breakfast.

"Hindi ka pa din pala kumain?" Tanong ko sa kanya habang nilamutak ang eggpie.

"Mmm, yes. Anong oras na din kasi akong nagising." Nagsasalita siya habang may pagkain sa bibig niya. He is just like a kid. A cutie little hungry kid.

Matapos naming kumain ay agad kaming dumiretso sa Kennon Road madami ang mga tao ngayon dahil sa mag papasko. Marami nga pero ang iba ay ayaw mag pa interview dahil na din sa pag mamadali maka pili ng kanilang mga bibilhin.

Kaya sa halos na tatlong oras na mag hahagulgol at maghahagilap namin ni TJ na makahanap ng mga taong pwedeng iinterview ay naka 2 lang kami. Pagod na din kami kakaikot ng bigla pang umulan.

Nakakainis nga dahil kung kelan may pumapayag na na pwedeng iinterview ay doon pa dumadating ang kalbaryo. Wala kaming ginawa ni TJ kundi sumilong sa isang haligi ng building dahil mga ilang kilometro pa kung nasaan ang kanyang sasakyan.

Nilalamig na ako at nanginginig. Ewan ko pero parang ang bilis kong ginawin ngayon. Pag na-uulanan naman kasi ako hindi naman ako ganito. Pero ngayon ewan ko kung bakit. Dala na rin siguro ng pagod ko sa araw araw na pag alis.

"Stay there okay? Huwag kang aalis. Babalik agad ako."

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"I will just grab my car here. Stay put okay?" At hinaplos niya ang pisngi ko.

"Pero umuulan, TJ. Baka mamaya mapaano ka. Hintayin na lang natin tumila."

"Bukas pa ito titila. Don't you see the heavy rains?"

"Yun na nga eh. Sobrang lakas ng ulan at--Oh my God!!" Napasigaw at napatili ako ng biglang kumulog ng malakas.

"Shhh..." Niyakap ako ni TJ at hinamas ang aking ulo. "Dito tayo."

"'Wag ka ng umalis TJ please...dito ka na lang."

"But baby we need a heater. Kailangan mong mainitan dahil nilalamig ka na ng sobra. Please allow me from doing this. Okay?" Iniharap niya ang mukha niya saakin. Pinagkiskis niya ang kanyang palad at nilagay iyon sa tenga ko. "Do you feel the warmth?"

Tumango ako. "Yeah.." Doon lang ako nakaramdam ng konting paggaan ng pakiramdam kaya't hinayaan ko na siyang umalis.

Mga bente minutos siya bago nakabalik kaya't medyo kinabahan ako. Pinasakay niya ako sa kanyang Trailblazer na ngayon ay basang basa. Naka patay na ang aircon dito at may nakita na akong iilang mga kumot at jacket sa bandang likuran.

Basang basa na din si TJ kaya't bigla akong naawa ng siya pa ang kumuha ng mga gamit ko sa pinag i-stay-an namin kanina.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papasok siya sa kanyang sasakyan. Nag mukha siyang basang sisiw.

"Are you okay?" Tanong niya saakin.

"Yeah, ikaw? Basang basa ka na. Wala ka bang pamalit diyan? Or kahit anong tee shirt?" Tanong ko habang tumingin sa back seat.

"Meron.." Nanginginig na sabi niya.

I knew it. Sabi ko na at ganito ang mangyayari.

Agad kong kinuha ang black tee shirt niya sa backseat at binigay ito sa kanya. Naghubad siya sa harapan ko at doon ko lang nakita how his body are so embodied.
Dumoble pa ang init na nararamdaman ko ngayon.

Nagulat ako ng may inalok siya saaking jacket at damit na pambabae. Hindi ko alam kung saan galing 'yon pero agad ko na ding tinanggap at doon na din nagpalit sa kanya.

Kita kita ko kung paano siya nag iwas ng tingin habang ako'y nag papalit. Nakaka ilang lunok rin siya na para bang hindi mapakali.

"Kaninong damit 'to TJ?" Tanong ko.

Humarap siya saakin ng mapagtanong tapos na ako mag bihis.

"That dress was from my Mom and that jacket is mine. Ipapahiram ko muna saiyo 'yan. So better kept it." Ngiti niya.

The SignsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin