Sign #5

62 8 0
                                    


Know someone who suits you personality. Someone na tanggap ka kung sino ka at kung ano ang gusto mo. Hindi lahat ng nakikita at natitipuhan mo ay nababagay sa'yo.

"Hala siya hala siya kanina pa nakangiti! Simula kagabi! Hayop 'to!" Batok saakin ni Ali.

"Aray naman!"

"Eh pano mukha ka ng tanga! Imbis na kumain ka diyan puro yakap sa notebook at ngingiti ngiti ang inaatupag mo! Jusko, Alexis 15 days na lang ang ilalaan natin dito. Pero pito pa lang ang na i-interview mo." Sabay pasok niya sa C.R.

Ewan ko sa'yo. Alam ko namang matatapos ko ito. Hindi nga lang ngayon.

"Anong nagyari kagabi sa inyo nong TJ na 'yon? Nilibre ka lang ba talaga?" Tanong ni Kiko.

"Oo naman no! Ngayon ko nga lang din siya nakilala. Biruin mo 120 pesos nilbre niya ako? Grabe...my destiny.." Nababaliw na sabi ko.

Agad naman siyang tumawa. "Nako, Alexis iba na 'yan. Ano na nga pala ang fifth sign mo?"

"Ay teka wait." Sabay bukas ko ng notebook ko.

Fifth Sign: Biglang uulan ng malakas kasama siya.

"Ha?! Eh paano kung hindi umulan mamaya? Paano na?" Tanong ni Kiko.

Kinabahan din ako pero sabi nga nila. If you belived it will be.

"Well, let's see at kapag hindi yan nangyari, putol na ang connection mo sa destiny destiny na 'yan." Salubong saamin ni Ali galing sa C.R.

"Bitter talaga." Bulong saakin ni Kiko. Nag apiran lang kami. "Oh siya maliligo na din ako."

Tumango ako. "Sige sige, mauuna na din ako. Pakisabi kay Ali ha? Bye."

Pagkapunta ko sa Session Road ay biglang umaraw. Nagtaka ako. Umaaraw ba sa Baguio? Oo? Siguro? Oh baka naman mailap lang. Nagtakip ako ng notebook sa ulo ko dahil sa tingkad ng araw.

Baka nga hindi umulan ngayon.

"Ah, Sir! Ay ano ba 'yan biglang umalis." Nong tinawag ko yung lalaki biglang nawala sa paningin ko dahil sa sobrang rami ng tao.

Dalawang oras na ang lipas at dalawa na ang na i-interview ko. Hindi ko na kinaya ang init dahil at nag iinit na din ang mega flickr ko kaya't nag punta muna ako sa coffee shop at nagpalamig.

Nag order na rin ako dahil medyo nagugutom na rin ako. Tumingin ako sa labas ng nakitang medyo kumilimlim na. Nagpapahinga lang ba ang araw oh uulan na?

Lumabas na ako ng coffee shop at nag start na ng i-interviewhin ng makita konsi TJ naapunta sa loob ng coffee shop.

"Uy, TJ!" Sigaw ko. Hindi niya ata narinig kaya't sumigaw ulit ako. "TJ!"

Humarap siya saakin at ngumiti, pumunta siya sa dako ko. "Oh naiwan mo nanaman ba ang wallet mo?"

Humagikhik ako at ngumiti. Nilabas ko ang wallet ko sa kanya at agad naman siyang ngumiti.

"Good."

"Oh bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Eh ikaw? Bakit ka nandito? Eh halos araw araw ata nandito ka?" Natatawang sabi niya.

"Eh nag hahanap nga kasi ako ng i-interviewhin 'di ba? Eh wala sobrang ilap ng mga tao kaya ngayon dalawa pa lang ang nakukuha ko."

"Ganon ba? Oh sige tara." Sabay hawak niya sa kamay ko.

Napatingin ako doon. "Saan?" Mahinang sabi ko. Enebe eng pebebe ke nemen.

Nagtungo kami sa isang bakanteng lugar medyo maganda ang backround dito.

"Ano ba ang mga tanong? May I see?"

"Sure! Wait." Binigay ko sa kanya ang notebook ko. "So let's start?"

"How to find my destiny--" agad kong hinablot ang notebook ko sa kanya.

"Hoy huwag 'yan! Ang gara neto."

Tumawa naman siya. "Naniniwala ka pala sa destiny?"

Hinanda ko na ang camera ko. "Oo, ikaw ba?" Hindi ko namalayan na napindot ko na pala ito sa play button.

"Ako? Dati oo, pero ngayon? Hindi na."

"Bakit?"

Huminga siya ng malalim. "Ewan ko, siguro dahil naloko na ako nito? Siguro dahil nagpalinlang ako dito."

"Bakit? Ano bang nangyari sa paghahanap mo?"

"Sa totoo lang? Hindi ko naman talaga siya nahanap eh. Dahil sa simula pa lang ng mga signs ko, talo na ako."

"Talo? Hindi ka naman matatalo kung ipaglalaban mo. Ano klaseng signs ba iyan?"

"May isang babaeng lalapit saakin naka kulay pula at ako'y kakausapin."

Napaisip ako. Hindi kaya gumagawa din siya ng mga signs?

"So let's start na?" Aniya.

"Ah ok go.."

At agad na din kaming nagsimula. Natapos kami ng mga bandang mag a-alas kwatro na ng hapon. Makulimlim pa rin at agad na din kaming nag ayos.

"Ang lupit ng sagot mo sa last question ah?" Halakhak ko.

Tumawa din siya. "Syempre. Sure na magugustahan ng prof niyo 'yan."

Nag kwentuhan pa kami ng kung ano ano. Kilala niya na ako sa pangalan ko ng biglang umulan ng malakas.

"Ugh yung camera ko!" Sabay tago ko dito.

"Ah akin na. Dali doon tayo!" Sabay tawid namin sa kabilang kalsada. Eto na yung way papunta sa condi unit namin. "Dito muna tayo."

"Basang basa ka na!" Tawa ko.

"Mas basang basa ka!" Sabay pisik niya saakin ng tubig ulan.

Nag ilagan lang kami. Hanggang sa medyo tumila tila na ang ulan.

"Ano nga pala yung second sign mo?" Tanong ko sa kanya.

"Siya'y lalapit at ako'y hahabulin.." Tumingin siya ng diretso saakin.

Sinikop ko naman ang gilid ng buhok ko sa aking tenga. Kinikilig ako bwiset!

"Anong oras na pala. Sige na uuwi na ako dito na kasi ang way papunta sa condo unit namin."

"Talaga? Hatid na kita."

"Nako 'wag na. Umuwi ka na agad at maligo na. Baka mamaya magkasakit ka pa."

"You sure?" Tumango ako. "Okay. Bye, Alexis thankyou for this day. Nice to meet you." Then he wink at me.

Namula naman ang pisngi ko kaya't tumalikod na. Jusko, TJ hayop!

'Uulan ng malakas habang kasama siya.'

The SignsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin