Feeling inlove? It's just like araw araw ay birthday mo. You're too excited na malaman kung ano ba ang magagandang mangyayari sa'yo. And the best thing in that is, na kahit walang assurance hopefull ka na may mangyayaring maganda."Hoy, Alexis gising!"
Gumalaw galaw ako habang nakapikit. Tinatamad akong gumising!
"Aba, aba. Hoy? Baka kung akala mo wala ka'ng gagawin ngayong araw?!"
Nag inat ako at unti unting dinilat ang mata.
"Anong oras na ba?" Tamad 'kong boses habang nakaupo sa aking kama.
"Aba ewan ko sa'yo! Tumayo ka nga diyan at baka mamaya ay mapurnida kita!" Sabay kalabog niya sa pintuan.
Baliw talaga 'to. Tumingin ako sa orasan sa side table ko at agad nanlaki ang mata ko.
"9:45 A.M? My G!"
Napabalikwas ako at agad na hinablot ang tuwalya sabay pumasok sa C.R. Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay agad akong bumaba. Nakita ko sila Kiko at Ali na nagkakape.
"Oh ano? Madaling madali ka ngayon? Eh kung hindi kita ginsing?" Sigaw sa'kin ni Ali.
"Umagang umaga sermon agad? Wala pa maaga pa." Prente ko'ng sabi.
"Tignan mo nga oh, ang ganda na agad. Hashtag dala ng make up." Ani Kiko.
Hinampas ko siya. "Ang kapal mo! Kahit eyebrow lang at lip tint nilagay ko?"
Nagkibit balikat siya. "Aba, ewan ko." Sabay tawa niya.
Umirap ako at may naramdaman akong vibrate saaking cellphone. Si Mommy ang tumatawag.
"Alex, are you okay there? Kamusta ang first day diyan?" Aniya sa kabilang linya.
"I'm ok Mom. Medyo malamig nga ng kaonti dito sa Baguio but it's fine." Ngiti ko.
"That's good to hear. O sige na at gawin mo na ang dapat mong gawin. Bye, Alexis. Take care."
"Thankyou, Ma." Sabay baba ko ng linya.
"Oh ano na? An'sabi?" Tanong ni Ali.
"Wala naman nangamusta lang."
Tumingin ako sa cellphone ako at nakitang may iilan ilan messages sa mga kakilala ko. At ang isa ay hindi ko kilala. Agad kong tinignan ang mensahe niya.
Kumunot ang noo ko. 15 signs? Parang ang rami naman yata? Pero napaisip ako at agad nanliwanag ang paningin ko.
"Destiny?!"
"Ha?!" Sabay nilang sabi.
"Look look guys, ang sabi dito. Mag sulat daw ako ng 15 signs na magtuturo sa'kin kung sino ang ka destiny ko!"
"Ano ano? Patingin nga!" Hablot ni Ali sa'kin ng cellphone at binasa. "Ay nako, Alexis wag ka ngang magpaniwala sa mga ganyan! Jusko chain message lang 'yan!"
Kinuha ko din sa kanya ang cellphone ko. "What if totoo di ba? Wala namang masama. Uh, wait kukuha lang ako ng notebook."
"A-ano? Hoy, Alexis! Gagawin mo talaga 'yan? Mag i-interview ka pa hindi ba?" Tanong niya sa'kin.
"Yeah, I know I'll do it later. Madali lang naman makahanap ng mga tao dito."
"Eh pano pag wala? Yare ka nanaman sa professor niyo?!" Sigaw niya.
"Ali hayaan mo na 'yang si Alexis pagbigyan natin, matagal ng naghahanap ng kalandian 'yan oh." Sabat ni Kiko.
Sumimangot ako at hindi na sila pinansin. Maaga pa naman. For sure marami pa akong makokolekta mamaya.
Agad kong hinanap ang extra notebook ko. Bago bago pa ito kaya maganda. 15 signs? Ka-destiny? 11:11? Eto na talaga 'yon!
First Sign: Isang lalaking babangga saakin habang ako'y nasa kalagitnaan ng gitgitan.
Eto, eto na 'yon! Kailan kaya ito mag sisimula?
"At sa tingin mo may gagawa niyan sa'yo? Eh sa dami rami ng tao sa isang siksikan goodluck lang kung sino sa kanila ang makakabangga mo!" Sigaw nanaman ni Ali.
Lumunok ako. "Bahala na. O'siya aalis na ko. Maghahanap pa ako ng i-interviewhin sa Session Road. Bye."
Nagpunta ako sa highway netong Session Road. Medyo katamtaman ang panahon. Madalang ang taong dumaan. Mukhang malabong nandito siya. Pero kailangan ko'ng manalig at panindigan 'tong ginagawa ko.
Dala dala ang isang camera mega flickr. Cellphone at notebook. Ay naghahanap na ako ng i-interviewhin.
Lumipas ang dalawang oras na paghahanap at pagtatanong sa mga tao kung pwede ba silang interviewhin ay wala pa 'rin ni isa sa kanila ang pumyag. Medyo mailap at sobrang hirap neto.
Pumunta ako sa isang coffee shop dito ng may bumangga sa'kin.
"Aww!" Daing ko. Nanlaki ang mata ko ng nakitang nahulog ako camera ko at notebook ko. Agad ko itong kinuha.
"Miss, sorry." Ani isang lalaki habang ako ay nakayuko at nakaluhod sa pag kuha ng gamit ko.
"Okay la--" naputol ang sasabihin ko ng mapansing wala na siya doon. Nasaan na 'yon? Tumingin ako sa likuran ko at nakita siyang patawid ng highway. Ang kapal ng mukha hindi manlang ako tinulungan.
Umupo ako at umorder. Tinignan ko ang notebook ko kanina na pinagsulatan ng mga Signs at napangiti ako.
'Isang lalaking babangga saakin.'
Hindi man sa gitgitan, ay alam kong ganoon din 'yon. May nakabangga saakin. So means? May first check na ako agad sa first sign ko at sa first day pa nangyari iyon?
I put checked on the box and I closed my notebook. Totoo nga siguro ito.
"I'm homeeee!" Sigaw ko matapos akong makapasok sa condo unit namin.
"Oh ang saya mo ata?" Salubong sakin ni Kiko.
"Yes naman bakit hindi?" Sabay lagay ko ng gamit ko sa table namin. "Nasaan si Ali?"
"Ayon tulog!"
Tumango tango ako at ngumiti. "May kwento ako sa'yo!"
"Oh ano 'yon?"
"Natupad yung first sign ko! Nagkatotoo!"
Kumunot ang noo niya. "Totoo? Nabangga ka niya sa isang gitgitan?"
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Hindi sa gitgitan, pero nabangga niya ako. Wala namang sinabing exact full details di ba? So in that case parehas lang iyon basta nabangga niya ako."
"Hala hala siya, totoo ba talaga 'yan? Eh baka naman coincidence lang?"
"Exactly my point! Coincidence nga 'yon dahil si destiny ang gagawa no'n. You get it? Totoo 'tong signs na 'to. Totoo 'to, Kiko!" Ngiti ko.
Ngumiwi siya, "Oh sige sige na. Kumain ka na muna diyan at ako'y maniniwala na lang sa mga 'Signs' mo.." Sabay tawa niya.
Umiling iling na lang ako. First day at its first sign check. Sana mag tuloy tuloy.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Signs
Novela JuvenilLife is all about taking risks to get what you want. Parang sugal, hindi mo malalaman kung matatalo ka ba oh hindi. Pero ang importane hindi ka sumuko, hindi ka tumigil, hindi ka nag patalo ano 'man ang mangyari. Pero parang matatalo din tayo, kasi...