Enjoy like there's no watching you. But stay with your limit. Hindi lahat ng kasiyahan ay walang katapusan."Ayoko, ayoko na. 5 signs na ang na che-check-an. Is this destiny ba talaga?" Naluluhang sabi ko.
"Ang drama mo! Hoy, kung destiny 'man talaga iyan. Abangan natin sa mga susunod na Signs!" Sigaw ni Ali.
"Bakit pa natin aabangan kung alam naman nating check pa rin iyan?" Ngisi ko.
"Aba, aba nag a-assume na ang gaga!"
Tumawa ako, "Biro lang. Syempre hindi pa rin ako papakampante no. Until makalahti ko itong Signs ko." Sabay lipat ko ng second page kung nasaan ang 6 to 10 signs ko.
"Ano na ba ang susunod? Patingin." Hablot saakin ni Kiko ng notebook.
Sixth Sign: Hihingiin niya ang number ko.
"Wow...iba din pala talaga itong si Alexis." Halakhak ni Kiko.
"Eh bakit ba? Malay niyo naman di ba? Baka pag nagkita kami mamaya hingiin niya na ang number ko..." Kasabay noon ay tumili tili ako.
"Nako, 'yang TJ, TJ na 'yan? Sinasabi ko sa'yo niloloko ka lang niyan." Simsim ni Ali ng strawberry shake niya.
"Paano mo naman nasabi? Eh si...destiny na nga ang nagbigay sa kanya saakin." Taas kilay ko.
"Oo nga naman, Al. Hayaan mo na. Yung fifth sign nga 'di ba? Natupad! Sugal 'yon ah. Tignan mo, 'uulan ng malakas habang kasama siya' at beng! Natupad men!" Pagtatanggol saakin ni Kiko.
"Correct!" Nguso ko.
Napasinghal na lamang si Ali. Pagkatapos ng pag uusap namin ay agad na din akong dumiretso sa Session Road. Dala dala pa rin ang aking gagamitin saaking pag i-interview.
"Alexis? Alexis!" Rinig kong sigaw sa malayo.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na yun. Pagkaharap ko...
"Booo!"
"TJ!!" Nanlaki ang mata ko at pinaghahampas siya. Naka kulay red na polo siya at naka reap jeans.
Tawa naman siya ng tawa. "Aray. Sabi na eh. Nandito ka ulit."
"Ah, oo...alam mo na. Interviews." Ngiti ko. "Ikaw pala? Bakit ka nandito?"
"Hmm, kukunin ko yung form ng ate ko." Aniya at lumapit saakin. "May nahanap ka na bang i-interviewhin?"
"Wala pa nga eh. Bakit ba ang ilap ng mga tao dito ngayon?" Pagtataka ko.
"Gan'to talaga dito. Bakit ba kasi dito ang pinili mong lugar?" Sabay kalikot niya sa camera ko.
"Eh, dito kasi ang napili ng prof namin.."
"As in dito talaga sa lugar na 'to? Oh dito lang sa Baguio?" Sabay tingin niya saakin.
Ano bang kinakalikot niya sa camera ko?
"Dito lang sa Baguio.." Sabi ko at tumingin sa isang taong paparating saamin. "Ah, Miss can I interview po?"
"Sorry, may emergency kasi eh." Sabay alis niya.
"See?" Ngisi ko. "Mailap talaga."
"Ah wait may alam ako. Pwede naman kahit saang lugar ka mag interview right?" Tanong niya habang kinakalikot ang phone niya.
Dahan dahan akong tumango, "Pwede naman siguro."
"Sorry, Alexis I have to go... bukas na lang may alam akong lugar but, kailangan ko na din umalis."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Signs
Teen FictionLife is all about taking risks to get what you want. Parang sugal, hindi mo malalaman kung matatalo ka ba oh hindi. Pero ang importane hindi ka sumuko, hindi ka tumigil, hindi ka nag patalo ano 'man ang mangyari. Pero parang matatalo din tayo, kasi...