"Daaamnnn!!! " sigaw ng isang babae sa mall. Halos natawag ang atensyon ng lahat sa paligid. Parang wala itong pakialam kubg nakagawa ito ng eskandalo. Pababa na sana ako ng elevator nang mading ko ang pagsigaw. Kung ano ang dahilan, walang nakakaalam.
Natawa ako sa di ko maipaliwanag na rason kaya naisipan ko siyang sundan. Pumasok siya sa isang sikat na bookstore at may kung anong espiritung nagdikta sa akin para pumasok din doon. Nakakapagtaka, mahinahon na ang babae sa loob para bang wala siyang pakialam sa ginawa niyang eksena.
Nag ikot ikot ako kahit wala naman akong bibilhin hababg nakapako pa rin ang isang mata ko sa babae. Naging instant stalker yata ang dating ko.
Napakunot noo ako. Kahit ang pinakasikat na skin clinic di kayang alisin ang linyang nabuo roon. May dumaan lang na dambuhalan ale, nawala na sa paningin ko ang weird na babae. Dinaig pa niya ang teleportation ni Son Goku.
Inikot ko ang mga shelves pero di ko siya matagpuan. Parang di kompleto ang araw ko kung di ko siya matatagpuan kahit wala naman akong makukuhang pakinabang.
Napaka weird niya, wika ko sa sarili. Sumigaw na lang basta tapos ngayon naging invisible.
"Sinusundan mo ba ako? " tanong ng babae.
Napanganga ako at napipilan. Hindi ko siya nakita agad dahil nakaupo pala siya sa sahig ng bookstore hababg nagbabasa.
Naloko na. Nabuking pa yata ako. "Hindi, ah! Nagkakamali ka, Miss!" tanggi ko naman agad. Para akong politikong eksperto sa pagde deny kapag may kasong kinasangkutan.
"Okay, " sagot niya at muling nagbalik sa pagbabasa. Sa madaling salita, hindi siya interesado sa akin.
Humagilap ako ng libro para makakuha ng tiyempo at kausapin siya. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagsigaw niya.
Pinalipas ko muna ang ilang saglit bago muling lumapit. "Try mo tong, Tutubi, Tutubi... 'ni Jun Cruz Reyes."
"Maganda ba yan?" hindi siya tumingin sa hawak kong libro pero at least, hindi niya ako binalewala.
"Magandang-maganda. Favorite author ko ang sumulat nito kaya hindi ka lugi kapag binili mo to."
"Bookworm ka ba o salesman?" iniangat niya ang kanyang ulo. Sa wakas, tumingin siya sa akin.
"Hindi naman. Nagustuhan ko lang siguro ang mga sinulat niya." ngumiti ako at ipinakita ang dimples ko.
"Okay." naging mailap muli ang babae matapos ang maikling usapan. Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Sayang naman ang effort ko kung palalampasin ko lang ang pagkakataon.
"Nga pala, bakit ka sumigaw kanina? May nangyari ba?" Tahimik lang siya. Wala akong narinig na sagot. "Sorry kung nangengeelam na ako nang sobra."
Humakbang na ako palayo sa kanya. Hindi nga naman tama kung manghimasok pa ako sa mga bagay na hindi ko dapat pinakikialaman.
"Masarap sigurong basahin ang librong ito habang nagkakape," pahabol niya at pagkakataong iyon ay bitbit na niya ang libro.
Huminto ako sa paglalakad. Ini-rewind ko sa aking tenga ang mga sinabi niya. Sa naging sagot niya alam kong may patutunguhan ang aming usapan. Malamang may problema siya kaya sumigaw at iyong ang paraan niya para mag release ng tension.
Lakad-paatras akong bumalik sa kanya. "Mas masarap uminom ng kape kapag nagkulwentuhan."suwestyon ko. "Lalo kapag may gusto kang ilabas na hindi mo masabi sa iba."
"Hindi ka lang pala bookworm or salesman... May pagkamanghuhula ka pa."
"Chamba lang siguro."
Pagkabayad sa counter ay bumaling siya sa akin.
Habang naglalakad, nagsimula na siyang magwento. Katulad ng ibang babae, lovelife ang dahilan ng galit o kalungkutan niya. Hindi niya matanggap na nagawa agad siyang palitan ng kanyang ex boyfriend isang buwan matapos ang kanilang break up.
"Mas maayos sigurong sayo ako mag open tutal hindi mo kilala ang taong involve, kesa naman pader ang kausap ko. I'm bitter kaya noong nakita ko ang ex boyfriend ko dito sa mall with his new girl ay napasigaw ako." Kinuskos niya ang mata at napabuntong hininga para mapigilan ang pag iyak.
Pakiramdan ko anumang oras ay babagsak ang luha na maaaring magdulot ng baha sa EDSA dahil sa tindi ng namumuong sama ng panahon sa kanyang mga mata. Pinaupo ko muna siya sa labas ng coffee shop. Hinintay kong kumalma ang kanyang loob. Hanep ang pakiramdam, para akong nasa pelikula. Ngayon ko lang experience maging crying shoulder.
"May panyo ka? Tutulo na kasi ang sipon mo. Madudumihan ang T-shirt ko, lagot ako kay Ermat." Pinatawa ko siya kahit corny ang joke pero effective.
"Nag-eemote na nga ako, bigla mo naman akong patatawanin." Umakto siya na parang bata at itinaas ang isang paa sa katapat na upuan.
"Ayoko kasing makakita ng babaeng umiiyak. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kahit wala naman akong ginawang kasalanan."
"Pangit ba ako?"
"Hindi, ah. Mas maganda ka pa nga sa mga bumasted sa akin. Alam mo, hindi ka dapat umiyak dahil at least naranasan mong mahalin. Nakakahiya mang aminin, hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend."
"Seryoso ka? Age mo?!" gulat na tanong niya na para bang lahat ng tao ay may karelasyon na at ako na lang ang wala.
"Twenty-three. Daig pa nga ako ng mga helper namin sa tindahan, minimum nila ang dalawang girlfriend."
"Pinapatawa mo na naman ako!" Hindi naman ako nagpapatawa pero matindi ang halakhak niya na kung may pustisyo siya, malamang ay nalaglag na iyon.
"It's not a joke. It's my way para palakasin ang loob mo. Siguro hindi talaga siya para sayo, magpasalamat ka na lang na naging part siya ng buhay mo."
"Dami mong alam tapos hindi ka pa nagkaka girlfriend niyan ha."
"Well, base lang naman iyon sa view ko," nakangisi pang sabi ko.
"So...gusto mong magkaroon ng girlfriend?"
"Oo naman. Pero sino ba naman ang papayag nang instant? Kung may girlfriend ako, mapapahiya ang lahat ng kumakantyaw sa akin!" wika ko sa kanya habang inilalarawan ang itsura ng mga taong nagtatawa sa akin sa tuwing ilalampaso ako ng mga babaeng nililigawan ko.
"Ako! Papayag ako na maging instant girlfriend mo! Pero magpapanggap lang."
"Anong ibig mong sabihin?" May sira yata sa ulo ang babaeng ito.
"Pathetic na kung pathetic ang move nato. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siyang palitan agad. Kung papayag kang magpanggap n bf ko, magagawa ko iyon and on your part, mapapahiya na ang mga kumakantiyaw sayo."
"Hindi ka natatakot?"
"Military man ang papa ko at blackbelter ako ng taekwondo."
Napaatras ako."Ako pala ang dapat matakot."
"Dapat lang," pagmamalaki niya. "At alam ko namang good boy ka. Itsura mo palang." Tinanggal niya ang suot kong salamin. "Cute ka pala kapag walang glasses."
"Sige pumapayag na ako dahil sabi mong cute ako."
Hindi naman ako uto uto, naisip ko lang na wala namang mawawala sa akin. Una, lalaki ako at pangalawa, gusto ko ring maka experience ng excitement.
To be continued...
BINABASA MO ANG
HU U?
Teen FictionWalang makakapigil kung puso mo na talaga ang nagdikta. Walang sa yaman o hirap ang pagmamahal nasa sa atin na din kung paano natin ito panghahawakan.