Chapter 4

61 1 0
                                    

Nakahinga ako nang maluwag matapos ang interogasyon. Instant prinsesa si Jane; kahit langgam banned sa kabahayan namin.

Kita ko sa mata ni Mudra ang kasiyahan. Magaan agad ang loob ng pamilya ko sa kunwaring girlfriend ko. Sabi ni Daddy, sabik daw sa anak na babae si Mommy kaya naging malambing ang pakikitungo nito kay Jane. Nakakaasar lang dahil mga kapalpakan ko ang topic nila.

Palubog na ang araw noong nagpaalam umuwi si Jane. Lumabas kami ng bahay at nagmistulang ako si Moses. Nahawi ko ang dagat ng mga tsismosang nakapaligid sa aming bahay. Pareho kaming nakangiting lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung dahil naloko namin ang mga magulang ko, o talagang masaya ang naging takbo ng usapan.

"Salamat ha. Nag enjoy talaga ako! Masarap kung mapapadalas ako dito." masiglang saad niya pagkatapos ay ngumiti sa akin.

"Pwede namang bumalik ka anytime para mag enjoy ka ulit." pagbibiro ko sa kanya.

Sa totoo lang, gusto ko na siyang itaboy palabas kapag ako topic nila, pero nag enjoy din naman ako kaya hinayaan ko na lang silang pagtawanan ako.

"Sinabi mo yan ha!" Hinagilap niya ang aking braso at tila nag iisip ng mga susunod na gagawin sa pagbalik sa bahay. "Malamang tataba ako dito."

"I told yah!" Nakakatuwa ang mga kilos ni Jane. Masaya ako dahil may biglang pagbabago sa buhay ko. "Mahilig talaga sa cholesterol ang mga magulang ko."

Naupo naman ako sa may bangketa habang wala pang dumadaang tricycle. Tumabi naman sa akin si Jane. Para kaming mga batang paslit na nanonood ng mga nagdadaanang sasakyan.

"Slang ka naman ha. Hilahin ko ang dila mo, eh." Pinaglaruan ni Jane ang nagkalat na maliliit na bulaklak sa daan. Aliw na aliw naman akong pinapanood siya. "Ano to?"

"Bulaklak ng narra." sagot ko.

Noong bata ako madalas din akong maglaro ng bulaklak ng narra. Iniipon ko ng iyon dati at ibinibigay sa kaklase ko sa day care center pero hindi naman niya ako pinapansin.

"Bumubulaklak ang narra?" Kumunot ang noo ni Jane sa labis na pagtataka at dinaig pa ang dami ng linya ng pedestrian lane.

"Oo. At kapag ganitong tag init, bumabagsak sila. Ganda ngang pagmasdan, eh. Parang umuulan ng bulaklak lalo na kapag malakas ang hangin."

Tumayo ako nang may nakita akong parating na tricycle.

"Huwag muna!" pigil ni Jane sa akmang pagpara ko sa tricycle. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. "Hintayin muna nating bumagsak ang mga bulaklak."

"Paano kung walang dumating na malakas na hangin?"

"Pinapaalis mo na ba ako?" sumbat niya.

"Uupo na nga lang ulit ako, eh. Kahit gabihin tayo dito, okay lang sa akin."

Naging seryoso ang mukha niya matapos kong bumalik sa aking pwesto. Baka naimpatso na sa dami ng kinain.

"Salamat ha. Hindi ko inaasahan na magiging masaya ang araw nato. Napalitan ng saya ang lungkot ko kanina." Abot abot ang buntong hininga ni Jane.

"Oo nga eh. Muntik mo pa ngang dumihan ang damit ko." I tried to crack a joke at di naman ako nabigong pangitiin siya.

"Yabang mo! Kidding aside, nagpapasalamat ako sa lakas ng loob mong sundan ako."

"Naiiyak naman ako sa mga lines mo."

"Alam mo Jane, ayaw ko kasing kumunot ang noo mo. Pwede ka namang magpasalamat na happy mood."

"Sabagay. Thank you talaga, Zoilo!" sigaw niya.

Bumulusok ang malaka na hangin kasunod ang pagbagsak ng bulaklak ng narra.

"Wow. Parang cherry blossoms, yellow nga lang!" sambit ni Jane.

Nag ipon ako sa palad ko ng mga bulaklak.

"Noong mga bata kami, isinasaboy namin ito sa mga dumadaan o kaya naman, kapag naglalaro kami ng kasal kasalan."

"Nasaan na ang partner mo sa kasalan?"

"Ah, eh, wala. Ako kasi ang pari."

Hindi ko alam kung bakit pa ako nagkwento. Parang gusto kong tadyakan siya para tumigil sa pagtawa. Isinaboy ko na lang sa kanya ang mga bulaklak at gumanti din naman siya. Masaya kami sa ginagawa namin pero sa mga nakakita, mukha kaming mga sinto sinto.

Tinitigan niya ang malaking puno ng narra sa aming likuran. "Cool ng narra, oh? Sa kabila ng kabruskuhan niya, may soft side pala siya." Manghang mangha si Jane sa puno. Nakuha pang ikumpara sa tao. "Ang alam ko lang, matibay na kahoy ang narra. Ngayon, alam ko na kaya din pala niyang mamulaklak nang maganda."

"Bumubunga din yan. Sobrang laki nga eh."

"Talaga? Anong hugis?"

"Joke lang. Haha!" Bumingisngis ako. This time siya naman ang pinagtawanan ko.

"Loko!" Halos mamula ako sa mga kurot niya. "Next month, uuwi na ang parents ko from Bohol. Ipapakilala kita sa kanila."

"Sige. Palagay ko naman, madali akong papayagan kasi kasundo mo na agad ang mga magulang ko."

"Cool nga ng parents mo eh."

"Aliw na aliw ka nga. Halos lumuwa ang mata mo kapag inilalaglag ako ng parents ko."

"Kasi ba naman, hindi pala alam ng parents mo na Loi ang pangalan mo." Gumuhit na naman ang ngiti sa labi niya. Masarap siguro siyang bilugin at gawing emoticon.

"Eh di ikaw na ang may magandang pangalan!" Sumimangot ako at umalis sa tabi niya.

"To naman oh, pikon agad." Hindi naman ako napikon. Umaarte lang. "Sorry na oh." sabi niya. Hindi naman ako kumibo. "Loi, uy. Uy, Loi! Sorry na!"

"Gotcha! Umaarte lang!" mapang asar na wika ko. Bago pa tuluyang maging 'luoy' ang pangalan ko, umamin na ako.

"Sus! Sincere pa naman ako kapag nagso sorry, tapos, niloloko mo lang pala ako. I hate it!" Biglang nagbago ang mood niya, daig pa ang babaeng sumapit ang menopausal stage. Hindi siguro maganda ang biro ko.

Lumapit ako. Tumalikod si Jane at parang inip na inip na naghintay ng tricycle. Patay! Mabubulilyaso pa yata ang chance na ipahiya ang mga bumasted sa akin.

"Sorry, nag assume kasi ako na close na tayo kaya ako nagbiro."

"Lesson? Never assume!" Hindi pa din siya humarap sa akin

"Sige, di na mauulit" pagpapakumbaba ko.

Mukha kaming tanga noon. Nasa gitna kami ng daan at nagsusuyuan.

Natagalan pa bago siya humarap sa akin.

"Gotchaa! Umaarte lang! Hahaha! Akala mo ha!"

Pambihira! Ako pa ang naisahan sa sinimulan kong kalokohan.

Ginulo niya ang buhok ko at tinawanan ang pagkaseryoso ko. "Mas bagay talaga sayo ang gulo ang buhok at walang salamin."

Ngumiti lang ako. Kulang na lang na sabihin niyang jologs ako dahil sa mala- Rizal ang hairstyle ko.

"Jane parang gusto kong tawagin kang Juanita.'

"Subukan mo lang bali ang buto mo!" Iniikot niya ang braso sa aking leeg na para bang gusto na niya akong makipaglaro ng Bingo kay San Pedro.

Tumagal pa ng dalawang oras ang aming pag uusap. Inamin niya sa akin na hanggang ngayon ay mahal niya pa si Dexter. At kung sakaling maisipang bumalik sa kanya ng dating kasintahan ay tatanggapin niya ito nang buong puso.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kumurot sa aking puso. Naawa ako kay Jane sa gusto niyang mangyaru. Kung pwede lang ipapasampal ko siya kay Jollibee at nang matauhan, ginawa ko na.


To be continued..

HU U? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon